BAKASYON ;) 1

143 5 1
                                    

[A/N - may pic po si selmo sa gilid --> --> -->] =))

SELMO'S POV--

superman by superjunior

♫♫  [BAM BAM BAM BAM BAM]

[BAM BAM BAM BAM BAM]

[BAM BAM BAM BAM BAM]  ♪♪

♫♫  Naega sesang-eso hana bakke eopneun group-eso meotjike chumeul chugo

Unique-han eubchoribeul halttae ♪♪

ouch ! ang sakit sa tenga ng ringtone ng phone ko .. nagising tuloy ng wala sa oras ! psh !

hhhmmmm.. may tumatawag pala

"oh kuya? bakit?"

"selmo ! may lakad tayo sa april 3, gusto mo bang sumama?"

"san naman kuya?"

"sa ilocos ! bakasyon lang gusto mo?"

may beach dun diba? haha ! ibig sabihin madaming chicks dun. OPPORTUNITY to pare ! OPPORTUNITY ! :D

"sige ba kuya, punta na lang po ako jan sa april 3 ng umaga"

"ok agahan mo ha ! kasi alas siete ng april 3 aalis na tayo at pupuntahan pa natin yung kasama nating magbiyahe"

may kasamang magbiyahe? psh ! may istorbo ! haha >:D

"sige kuya, salamat. kitakits na lang po"

tapos binaba na ni kuya yung phone. konsehal pala yun dito, pinsan ko siya,oo may pinsan akong councilor, astig diba?  siya ang pinaka-close ko sa lahat ng pinsan ko. may anim siya na anak , yun naman yung mga pamangin ko sina: paul, lloyd, shaina, anotnette , dave at aryan.

pag nagsama-sama kami ng mga yun, muka kaming magbabarkada ! haha. di nga nila ako tinatawag na tito eh! pero ok lang, para di nman halata na medyo matanda ako :D

hay, ang sakit talaga sa mata ng araw, ito kasing lugar namin e hottest place  pag summer kaya ganito.

bumaba na muna ako, wala na naman akong kasama, kumain na muna ako ng almusal saka ako lumabas at pinunasan yung anim na motor ko ! OO! anim ang motor ko ! kung gusto niyong dagdagan ok lang !

ito na lang kasi ang ginagawa ko ngayon, wala naman kasi akong pasok ngayon kasi nga summer, hindi na din ako ng-enroll ng summer class! duh?! ang boring kaya nun!

umakyat uLit ako sa kwarto ko at nanuod ng karera ng mga sasakyan, ng matapos yun karera naman ng mga motor pinanood ko-ito ang pinaka-gusto kong panoorin, pagkatapos nun karera na ng mga kabayo , ok na yun no choice nman na :D haha

tinignan ko yung phone ko, naalala ko yung pagtawag ni kuya kanina, aalis daw kami sa april 3, e  pano yan? april 2 na ngayon, so bukas na pala kami aalis ,empake mode na !

*lagay ng damit, shorts, underwares, charger, toothbrush, sa bag*

ZA'S POV

gising na ako ! ^o^ . inaantay ko na lang umalis si tito jojo dito sa bahay , 8 kasi ang pasok niya, sabay sila ni vinci na pumapasok sa work, nakilala ko si vinci nung nagdorm kaming pareho sa manila, sabay kaming kumuha ng cpa board exam, naging friends then naging close kami, si tito jojo daddy ni vinci yun , katulad ko, panganay din siya, tatlo silang magkakapatid, si JHOSA ang pangalawa at si JULLY ang bunso

Sa kanila na ako nagstay ngayon, kasi naman , ok lang na wala ako sa bahay namin, ni wala ngang nagtatanong kung asan ako ngayon eh. Nung nag-board nga kami ni vinci, parang nainggit ako kasi todo support yung family niya samantalang ako parang wala lang

kaya nga dapat magsikap ako ! dapat maipasa ko yung board exam ! dapat mapatunayan kong kaya ko, na kaya kong maging independent ! pero bago yun tatapusin ko muna yung bakasyon na sinasabi ni tita majah hehe , si tita majah naman yung asawa ni tito jojo =))

"ZA!"

"po? tita?"

"bumaba ka na jan at kumuha ka na ng plato, kakain na tayo"

"sige po tita"

oo, inuutusan nila ako dito , part daw kasi ng disiplina yun, lahat daw magtratrabaho kasi daw wala daw kaming katulong.

"tita, ito na po"

tapos umupo na si tita majah sa dapat niyang upuan, OO! may seating arrangement kami dito, part din daw yun ng disiplina ni tito

"za, maiwan ka dito ha, ikaw na bahala sa lunch mo mamaya"

"sige po tita, san po kayo pupunta?"

"lalabas kami ni tita van mo"

"sila po yung kasama natin bukas sa bakasyon tita diba?"

"oo kaya ikaw mag-empake ka na"

oo, mag-eempake na talaga ako ! excited na ako e ! haha :D :D pagkatapos naming kumain ako na naghugas ng pinagkainan namin, finix ko na din yung table, si tita naman nagpakain ng aso , mahilig kasi siya sa aso eh, tapos naligo na siya at umalis.

umakyat na ako sa room, empake -empake na ! :D :D

kitakits tayo bukas :D :D

JULLY'S POV--

hindi pa ako naka-empake ! boring dito sa solana at gusto ko nang umuwi. BOW !

JHOSA'S POV--

ako din ! BOW !

VINCI'S POV--

isama niyo ako ! wag kayong mang-iwan ! ako din ! BOW ! :D

BAKASYON ;) 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon