BAKASYON 5

82 2 0
                                    

[a/n may pic po si jully sa gilid --> --> --> =)) ]

JULLY'S POV

hinahanap na nila kami, nasa baba kasi sila ng mall tapos kami nila tita van nasa taas, umakyat pa si kuya selmo para lang ichech kami.

"tara na daw" sabi ni kuya selmo

"libre mo muna kami"

"oo nga ! ngayon ngayon ka lang naman manlibre dali na !" sabi ni ate jhosa

"sige anong gusto niyo?"

wow! makatanong kung anong gusto namin! bigtime siguro to haha, pano kung sabihin ko na gusto ko sa bermuda triangle, sa star city , gusto ko ng house and lot,  isang million , 10, 000 load, pizza na galing sa pizza hot,  coffee ng starbucks, chicken ng KFC at gusto ko si crush !! sehreseh ! haha , joke lang yung last XDD

"ice cream kuya !" sakto mainit naman kaya ice cream na lang

"sige!"

dahil nagmadaling bumaba sila ate, ako lang ang nakapaghintay ng ice cream , kahit maiwanan na ako ng sasakyan namin basta may ice cream ako, haha !

nakalimutan ko pa atang magpasalamat sa libre niya , kaya ngayon mapapasalamat na ako, SALAMAT SA ICE CREAM KUYA SELMO ! malaking utang na loob ko yun =))

nang malibre niya ako, bumaba na kami then deretso uwi sa hotel. pagdating namin sa hotel para akong hinehele kaya nakatulog agad, pati sila ate za, ate vinci at ate jhosa nakatulog .

SHAINA'S POV--

pagkaalis nila tita majah sa mall, umalis na din kami at dumeretso na sa hotel namin, dahil na din sa pagod nakatulog kami, pero lalabas pa daw kami mamaya , bahala na mamaya ! basta mahalaga maka-rest muna -_-

mga 6 , ginising na kami ni mama, sabi niya mag-ayos na daw kami at pupunta daw kami sa hotel nila tita majah at sabay - sabay daw kaming aalis para maghanap ng makakainan , kahit hirap kaming bumangon, sinunod na lang namin si mama

nang makaprepare na kaming lahat , umalis na kami sa hotel namin at pumunta sa hotel nila tita majah, pagdating namin doon , nakaprepare na din sila, yung mga mata nila ate jhosa, ate za, ate vinci, at ate jully parang nahirapang nagising kanina, for sure napasarap din tulog nila dahil sa pagod ..

nagstart na kaming naghanap-hanap ng makakainan, ewan ko ba, medyo maliwanag pa nung umalis kami sa hotel nila tita majah tapos nakarating kami sa makakainan namin ng madilim na, nawala pa kasi kami haha , mahirap na talaga pag hindi taga dito :D :D

sa harap ng munisipyo ang nahanap namin na makakainan, mainit sa loob at hindi cozy ang place pero sabi nila sa ganitong place daw kasi matatagpuan ang must try na BAGNET  na pinagmamalaki ng ilocos =))

sa right ko nakaupo si antonette na katabi niya si tita majah, at sa tabi ni tita majah e si tito jojo, sa left ko naman si ate jhosa, tapos sa tabi niya si ate vinci, wag niyo nang tanungin kung san nakaupo yung iba at hindi ko na matandaan :D

puro tawa kami ni antonette sa mga jokes ni tito jojo, nakakatawa pala talaga siya :D ang astig lang kala ko seryoso siya, may pagka-kwela pala si tito :D

JULLY'S POV--

kumakain na kami, sa right ko si kuya bry ang katabi ko, sa left ko si kuya paul naman at ang katabi ni kuya paul e si tita van, nilapag ko yung phone ko sa table, sabi kasi ni ate za wag daw ibubulsa ang phone kapag uupo XD

at dahil gusto ko ng sabaw inabot ko ito , hindi ko namalayan natomba ko yung sabaw ni kuya paul, tapos napunta sakanya yung mainit na sabaw (imagine?)

"OOOOUUUCCCHHH !!" yan ang unang reaction ni kuya paul ! afu ! pano yun?. di pa kami close ni kuya paul XD kahihiyan ka jully !

"awww, sorry ! " wala na akong ibang masabi kundi yan lang .

[ kaya inuulit ko ulit, para kay kuya paul, sorry ulit ! di bale close na tayo ngayon ! haha ]

"ouch mama, ayoko na " sabi niya kay tita van, kinokonsensya naman ako masyado nito >.<

tapos saka ko naalala yung phone ko na nasa table ! nalagot na po ! tinignan ko yung phone, patay ! hindi gumagana yung keys ! dahil ayoko mapagalitan , sinikreto ko na lang tong problema na to XD

"ate za! pa-open naman tong phone ko"

inopen ko ulit. lagot! ayaw pa din >.< pero syempre hindi ako nagpahalata kahit may problema X)

JHOSA'S POV--

pagkatapos kumain, diretso muna sa capitol ng ilocos,  tapos picture-picture muna, kaso parang may napapansin ako, parang laging kinukulit ni kuya selmo si ate za, anong meron? may alam kayo? share niyo naman :D

nang mapagsawaan ang capitol , deretso kaming lahat sa hotel namin, nagswimming sila antonette, shaina, kuya bry, selmo, lloyd, paul, at dave.

hindi na kami nag-swimming , dagdag sakit na naman yun sa katawan if ever, nakakasira ng beauty ko yun ! haha taray ! XD

ZA'S POV--

ewan ko lang, bakit laging nag-aasar si selmo sakin , hindi ko naman siya inaano eh . naalala ko pa sabi niya kanina

"za ! sana mapikon ka na sakin"

"bkit?"

"para patulan mo na ako"

alam mo yun? laging nang-aasar ! pero hinahayaan ko na lang , mabait naman kasi siya,

pagdating namin sa hotel tinawag muna ako ni jully sa kwarto, may problema pala sa phone niya, sabi ko naman wag siyang mag-alala , maayos din yun :D

tapos nag-usap na din muna kami sa kwarto, tinatamad pa kaming lumabas sa kwarto namin e,

"jully, bakit ganun si selmo? ang galing mang-asar"

"haha , ganun naman talaga siya ate za e, pagtiisan mo na lang =)"

"kase naman, "

"dont worry , crush ka lang nun =))"

pagkatapos sabihin ni jully yan , pinalitan ko na yung topic, kwinento ko sakanya yung paghuli ko kay paul, natatawa lang siya, hindi niya kasi inexpect, ang alam kasi niya pinaglilink lang yung ate niya atsaka si paul

inasar ko na din si jully kay lloyd, magka-age kasi sila

"uy jully, , magka-age lang pala kayo ni lloyd eh, aayhie !"

"mas matanda siya te za, kuya ko nga yun eh"

"hindi, magka-age lang talaga kayo"

tapos hindi maniwala si jully na magka-age lang sila, di ata uubra pang-aasar ko

"may boyfriend ako te !"

? may boyfriend si jully? kailan pa?

"wow! sino?"

"si DAVID ARCHULETA! gwapo yun haha !"

psh ! kala ko naman kung sino ! haha

pagkatapos naming mag-usap , saka na kami lumabas ng kwarto ni jully at nagkwentuhan ulit sa may malapit sa pool kung san nagswiswiming sina selmo.

"za! halika na ! swimming na tayo" yan sabi ni selmo , ngumiti na lang ako sakanya tapos nagpacute siya, ewan ko kung anong nangyayari dun , sinasapian ata !

mga 11:30 nagsi-uwian na sila tita van , at kami naman nila jully, jhosa at vinci ay natulog na , puyat na naman men !

SELMO'S POV--

goodnight ZA! ZAdreams sakin :D

BAKASYON ;) 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon