BAKASYON 12

72 2 0
                                    

SHAINA'S POV--

[a/n MAY pic po si shaina sa gilid --> --> -->]

ang init dito sa dagat, sinamahan ko kasi si antonette dito, pipicturan niya daw kasi sila mama, nung nagsawa na silang magpicture niyaya ko na si antonette na bumalik sa cottage , ayokong umitim eh :3

"antonette, balik na tayo dun"

"sige te"

kaya bumalik na kami, lakad-lakad, ang init talaga ! ang hirap pa maglakad sa buhangin , nakakapagod!

nakarating din sa cottage, naabutan naming tulog si selmo , tapos nakahiga naman sila ate jhosa at ate jully,

"ate, kanina pa tulog si selmo?"

"oo, napagod ata sa ungguy-ungguyan" sagot ni ate jhosa

kinuha ni antonette yung polbo tapos nilagyan niya ng polbo yung paa ni selmo, hindi pa siya nakontento nilagyan niya pati yung katawan niya, naka-topless kasi si selmo, (kala niya hot siya )

"hihihihi !" nagpipigil ng tawa si antonette ! haha ! pati kami natatawa na din, kaso mahina lang baka magising si selmo !

"antonette akin!" kinuha ko yung polbo tapos nilagyan ko yung kili-kili niya ng polbo !  mas lalong natawa kaming lahat !

kinuha ulit ni antonette yung polbo sakin , tapos nilagyan niya ng polbo yung kamay ni selmo, pati yung tenga !

bigla namang dumating si dave ! kinuha niya din yung polbo tapos dinagdagan niya yung polbo sa kili-kili ni selmo ! haha ! mas triper pala to !

tawa na kami ng tawa ! hindi manlang magising tong selmo na to ! haha !

tapos nagkwentuhan na lang kami nang kung ano-ano, habang nagpapatugtog ako ng mga kanta , kumuha naman si dave ng buhangn tapos nilagay niya sa table, kumuha siya ng stick tapos nagdrawing siya ,

"ang galing mo naman magdrawing dave" bilib agad si ate jhosa !

syempre nakigaya na din ako, kumuha na din ako ng stick tapos nagsulat ng pangalan ko in chinese , para hindi naman ako lugi sa pinapasukan kong school =)

bigla namang dumating si aryan , tumayo siya dun sa pinagtutulugan ni selmo, tapos naapakan ni aryan yung ulo niya , lagot !

"ahhhhh !!! ano yan !"

di pa sana magigising si selmo dun kaso pinalo-palo pa ni aryan si selmo , kaya nagalit na si selmo.

bumangon konti si selmo sabay sabing "SABI KO ----" tapos di niya tinuloy yung sinabi niya .

SELMO'S POV--

badtrip naman ! nagising ako ng wala sa oras , ang init na nga gigisingin ka pa ng makulit na batang aapakan yung ulo mo tapos papalu-paluin ka pa niya

"SABI KO ! ---"

hindi ko na natuloy yung sinabi ko kasi pagtingin ko, nakatingin sakin si ZA , baka maa-turn off yun kapag nakita niyang nagalit ako, kaya tiniis ko na lang yung galit ko, pasalamat sila !

"bakit may polbo sa tenga ko?"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA !!"  tsk ! sinasabi ko na nga ba !  pinagtripan na naman ako !

"bakit pati sa paa meron?"

"si ate antonette naglagay !" amin ni dave

BAKASYON ;) 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon