april 3
SELMO'S POV--
goodmorning !! kyaaa !! april 3 na . 5:30 pa lang gising na ako. nagbreakfast muna sa bahay at nagpaalam kina mama. baka kasi mamiss nila ako e.
"mama! aalis na ako , pano yan 1 week akong mawawala"
"sige, kahit wag ka nang bumalik!"
nagulat naman ako sa sagot ni mama. puro tawa tuloy mga kapatid ko ! hinayaan ko na lang atleast ako may bakasyon! BHELAT !! :PP
umalis na ako sa bahay at papunta na ako sa bahay nila kuya at nila ate van.
*pagdating ko dun*
"o selmo ilagay mo na yung gamit mo sa CRV kasi dun ka sasakay "
"ok kuya"
dalawang sasakyan pala ang gagamitin ngayon, madami kasi kami e. sa CRV kami nakasakay nila paul, antonette, shaina, dave, lloyd at ako, si paul ang nag-drive. sa x-trail naman sila kuya, ate van, aryan at si beth (kasama sa bahay), at si ate van naman ang nagdridrive doon.
pag-alis namin sa bahay, sa bahay pala nung friend ni ate van ang pupuntahan, para daw sabay-sabay sa pag-alis at magpapabreakfast daw sila, feeling ko kaya sila magpapabreakfast kasi hindi pa sila nakaprepare, syempre pag kumakain kami may time pa silang magprepare diba?
ZA'S POV--
puno na ang tatlong banyo,lahat sila puro naliligo, wala akong nagawa kundi mag-antay ng matatapos na maliligo. si noy naman nagluluto siya ng para sa breaakfats daw para daw kina tita van mamaya, sana naman hndi pa sila papunta, hindi pa ako nakaligo e, nakakahiya naman kung mag-aantay sila.
"NEXT !" hay sa wakas natapos na din si vinci sa banyo. maliligo na ako.
pagkatapos naligo, dali-dali akong nagpalit, mahirap nang mahuli no.
may narinig na akong mga tawanan sa baba at ingay, halatang anjan na sila, nagkakarga na ng mga gamit yung driver nila tito jojo sa kotse nila.
kumain na ako, nakakahiya nga lang kumain dahil hindi ko pa kilala yung iba dito. goodluck sakin -_-
SELMO'S POV
Hindi na ako kumain, hindi na din ako pumasok sa bahay ng friend ni ate van. mamaya sabihing FC ako ! nandoon na lang kami nila paul sa labas na nagkwekwentuhan. Si paul hindi na pumasok sa loob baka daw kasi ma-Temp siyang kumain kasi may dare sila ni ate van na wag daw siyang kakain ngayon
alam ko nang gutom siya pero kinakaya niya lang haha.
pumunta na kami sa sasakyan, niready na namin lahat , paalis na din daw kasi kami. Convoy daw dapat ang mga sasakyan namin at dahil hindi alam ni paul ang daan , kami ang pinaka-last na sasakyan na sumusunod
ZA'S POV--
tapos na kaming lahat kumain, pero di ako nabusog. amp ! nakasakay na kami sa kotse nila tito jojo, si tito jojo sa front seat kasama niya yung driver, then sa gitna kami naka-upo nina tita majah, jhosa, jully at ako. Sa pinakalikod naman nakasakay si Vinci at yung boyfriend niyang si bryan.
bago kami umalis, nakita ni tita majah na parang maluwang sila tita van sa kotse nila, kaya pinalipat ako. Ok lang naman sakin kaso parang nahihiya ako.
nagstart nang magdrive si tita van, walang ibang maingay kundi ang radyo, ayoko naman na unang magsalita mahiyain ako no. hihi =)
VINCI'S POV--
nakaalis na kami ! :D habang nagbiyabiyahe kami tawanan at kwentuhan lang kami sa sasakyan, si JULLY walang ibang ginawa kundi kumain, yung tugtog naman sa sasakyan namin paulit-ulit kokonti lang kasi yung na-dowwnload sa USB ni daddy, puro kalumaan pa, nakakaantok tuloy. :D :D
10:30 -- WELCOME TO SANCHEZ MIRA !!!
10:30 ng umaga na kami nakarating kina mami nongs, kapatid siya ni mama, bigtime na siya ngayon ! syempre pagdating namin dun kain agad ! e kung sa gutom kaming lahat diba? :D
"hello aryan, bat ang tamlay mo" mahilig kasi ako sa bata, kaso parang wala sa mood ang bunso ni tita van ngayon.
"hello baby tv !! hahahaha >:D" si jully na naman yun , inaasar niya na naman yung pinsan namin. 6 years old na kasi yun e nanonood pa ng baby tv. haha
pagkatapos kumain kina mami nong picture-picture muna, syempre ako na ang nagtake sakanlia ng pics. pagkatapos nun nagbalot pa kami ng mga ilang hinanda nila ! hinakot namin lahat ng shrimps, spaghetti, lechon kawali at kung ano-ano pang makita namin sa table :D
tapos umalis na kami. haha EAT AND RUN na nga ang nangyari.
ILOCOS na ang next na lakad :D
ZA'S POV--
BURP ! BURP ! nabusog ako dun ah ! bago kami umalis, kinausap ko muna si tita van kung pwede akong lumipat sa CRV, ang boring kasi sakanila e, baka dun sa mga anak niya masaya !
"tita van, pwede p akong lumipat sa CRV?"
"sige anak, sabhin ko kay paul"
at dahil jan sa CRV na ako nakasakay, masaya pala silang kasama, tawa sila ng tawa joke kasi ng joke si paul atska yung kasama nila na selmo ata ang pangalan. Nakikitawa naman na lang ako :D . ang problema lang dito ang dami nilang stop over para umihi at bumili ng pagkain nawawala tuloy kami sa convoy ng mga sasakyan.
kaya ang resulta kapag natapos ang isang stop over para umihi, sobrang bilis nang agpatakbo ni paul para lang makahabol sa kanila, ENJOY YUN ! para kang nasa roller coaster :D :D :D
malapit na kami sa ilocos, nagstop muna kami sa napaka-bang bridge, nakalimutan ko na kasi pangalan nung bridge pero maganda atska mahaba siya. picture dito - picture doon at kapag nagsawa na sakay na ulit sa sasakyan at bayahe ulit.
may nakita kaming falls nastop muna kami para magpicture ULIT !! butii hindi kami napapagod kakangiti at kakapose sa harap ng camera :D
pagkatapos dun tuloy-tuloy na sa ilocos, dadaan ka palang papuntang ilocos proper makikita mo na agad yung mga windmills ! ang cool lang ! :D
dahil pagod na nga kaming lahat at kailangan na naming magrest dumeretso muna kami sa kanya-kanyang hotels namin. OO magkahiwalay kami ng hotel nila tita van. Pagdating namin sa hotel namin , deretso agad kami nila, jully, vinci , jhosa at ako sa kwarto namin at natulog, sobrang init kase ! :D :D
sa kabilang kwarto naman si brayan na boyfriend ni vinci at si kuya piolo na driver namin
tulog- tulog :D
SELMO'S POV--
dumeretso muna kami sa hotel namin at papaysyal daw kami mamaya sa museleo ni marcos. Natulog ako hanggang 4. akala ko nga hindi na kami lalabas pa ng biglang katukin kami ni ate van sa kwarto namin , magprepare na daw kami at papunta na daw sila tita majah dito sa hotel.
hindi na ako nagpalit ng damit, babalik din naman ata kami agad..
SEE YOU SOON MAUSOLEUM ni MARCOS !! =))

BINABASA MO ANG
BAKASYON ;) 1
Nouvellesang LOVE parang prayers na biglaang dumadating na hindi mo ineexpect , pero sa pagdating nito , nakakabless din pala :D :D