AREEYA MONDEZ
"SANA KASI MAKIKIPAG-LANDIAN KA SA TAGONG LUGAR YUNG SA HINDI KO NAKIKITA AT NAAMOY YANG PABANGO MO!" Three years, three years kaming kasal saka sya manloloko sakin. Nakakaputang*na naman.
ISA. Halos mabingi ako sa nabasag na isang vase na binato nya. Lasing sya kaya nya nagagawa yan. Pero may parte sa isip ko na ayaw na talaga nya. Na... nagsasawa na sya.
"Ano ba ang pinuputok ng butchi mo Areeya! Lahat naman ginagawa ko para sayo kasi asawa kita! Kulang pa ba to?! Ha?! Nag-inuman lang naman kasi kami ng mga katrabaho ko! Kasalanan ko ba na nandoon si Kelsea?!" Nangangatwiran pa sya. K*ngina lang talaga asawa nya ako kaya dapat alam ko ang mga ginagawa nya.
DALAWA.
Hinagis ko ang mga display at flower vase na nakita ko. Hindi ko na kaya. Lagi nalang syang umuuwi ng hating gabi. Para akong tanga na nag-iintay sa wala. Lagi nalang ganito."Ahh ganon?! So, kasalanan ko pa?! E halos gabi-gabi ka ng umuuwi ng hating gabi at amoy alak pa?! Ano ba kasing problema mo?! K*ngina kung may galit ka sakin wag mo naman akong pagmukaing tanga Theo!!" Hinayaan ko na ang mga luha na kanina pa gusto pumatak. Ang sakit lang talaga. May asawa ka nga. Pero parang wala. Tama nga sila mommy, bata pa kami para sa ganitong sitwasyon. Pero wala na akong magagawa ito na to. 26 ako at 29 sya
"Pwede ba Areeya pagod ako wag ngayon?!!!" Sabay tapon ng unan pati na rin ang mga pictures namin na nakaframe. At doon na bumuhos lahat-lahat ng luha na dulot ng sakit, galit, at pagmamahal ko sa kanya. At ano? Hahayaan nalang namin tong away namin na to. Di to pwede, kailangan na namin itong tapusin. Ang sakit-sakit na.
TATLO.
Tatlong taon na kami at ngayon lang nangyari samin to. Ano ba ang mali? Tatlong taon ko syang minahal at hanggang ngayon."THEO!!" sigaw ko.
Pero mas nagulat ako ng kunin nya yung picture frame namin. Pero hindi lang yon basta picture. It's our.... wedding picture. Sabay patapon na binagsak sa harap ko.At doon na lumambot ang tuhod ko. And my tears? Ayon malaya na silang lumabas sa aking mga mata.
APAT.
Apat na suno-sunod na luha ang bumagsak sa aking mga mata. Mga luhang labis na pagmamahal ang alay para sa taong mahal. Apat na luha na matagal nang nag-iintay na sa sana bumalik sa dati. Apat na luha na di ko alam kung gaano kabilis na bumaksak na di ko namalayan ang pagbaksak."ANO PA BA ANG GUSTO MO AREEYA?! YUNG MAGHAPON AKO DITO SA BAHAY?! DI TAYO MABUBUHAY KUNG GANYAN ANG GUSTO MO!"
"MAHAL MO BA AKO THEO?!" kahit paos na paos na ang boses ko ay nagawa ko pa yang itanong.
LIMA.
Limang salita na masakit marinig. Limang salita na walang kasiguraduhan kung oo. Limang salita na nagpatigil ng mundo ko. Limang salita na sana ay.....Oo.Ilang minuto ng katahimikan ang namagitan samin.
"HINDI.... HINDI KO ALAM AREEYA"
and I see his tears.Parang tinutusok ang puso ko ng maraming pako sa sobrang sakit. Bakit pakiramdam ko ay wala na yung pagmamahal nya sakin.
"Isang tanong isang sagot Theo. Ayaw mo na ba sakin? Di mo na ba ako mahal?"
ANIM.
Anim na minuto akong naghintay sa sagot nya. Na sana ay mahal pa nya ako. Na ako pa ang tinitibok ng puso nya. Anim na minuto na sana ay naging segundo kung oo.
I wait for him to answer. Antagal nyang sumagot. Doon na tumulo ang mga luha ko na kahit na anong gawin ko ay di matigil.Tumalikod na sya sakin at akmang aalis na pero I heard something.... something na hinding-hindi ko matanggap galing sa kanya.
"Hindi na kita m-mahal A-areeya. Yan ang gusto mong marinig diba? Ano masaya ka na ba?"
Hinabol ko sya. Nagmamakaawa ako habang nakaluhod. Hindi ko kayang wala sya sakin.