Miss Makulit Meets Mister Masungit

295 2 1
                                    

Miss Makulit Meets Mister Masungit

“Hoy!”

“ahy, kalabaw!” Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ah..

“Masyado pang maaga para managinip uhy”

Hay naku, andito na naman tong ingot kong kaibigan.

 -____-

 “Bakit ka ba nanggugulat ha? Alam mo bang yayayain na sana ako ng date ni Gino? Kahit kaylan talaga pahamak ka sa buhay!”.

 “In your dreams! Aba Kyli, tigil-tigilan mo nga ako dyan! Yayain ka dyan. Pweh, ni hindi ka nga pinapansin nong Gino na yun, yayain ka pa kaya sa isang date? Milagro nalang pag-asa mo sis”.

 “Ahysst, kahit kailan talaga ang KJ mo”. 

“KJ na kung KJ kaysa naman magmukha akong tanga kabubuntot sa Gino na yun. At tsaka tingnan mo nga sarili mo, every minute ka ata nag didaydream sa taong yun. Para kang ingot.”

Ako pa daw ang ingot!

“Hmp! Atleast may ginagawa ako para mapansin niya. At tsaka di na uso yung pakipot ngayon noh”.

“Whooahh, grabe ka sis! So sinasabi mo na dapat maging aggressive na mga babae ngayon? Aba, di pwede yun uhy. Dapat parin nating panatilihin yung pagka Maria Clara natin.”

“Hay naku, ewan ko sa’yo. Kaya walang nanliligaw sayo eh, masyado kang pakipot. Tsk tsk..”

“Ganun naman talaga dapat di ba? Kung gusto ka talaga ng isang lalaki, gagawa at gagawa siya nang paraan para makalapit sayo. Hindi yung babae pa mismo ang lalapit sa kanya. Pagpapaka cheap yun.”

“Koh, bahala ka nga dyan! Basta, magpapaka pretty pa rin ako hanggang sa mapansin ako ni Gino ko”

“Papa Gino ka dyan ! Maghunos-dili ka nga sis. Ang sagwa pakinggan! Ewh!”

Hay naku, ang KJ talaga nitong kaibigan kong si Cheska. Actually, naniniwala naman talaga ako sa mga sinasabi nya. Nagulat lang talaga ako kanina kaya ininis ko. Hehehe.. Knowing her, hindi nagpapatalo sa kanyang mala Gabriela Silang na paninindigan. Ilang beses na ba kaming pabalik-balik sa topic na to? Halos everyday kasi ito topic naming dalawa. ‘To naman kasing kaibigan ko, simula ng malaman niya na may crush ako kay Gino eh bigla-bigla nalang nangaral sa’kin. And take note, hindi lang basta-bastang pangaral dahil sobra pa sa isang parrot ‘tong kaibigan ko. Ni record ko nga noong isang araw mga sinabi nya eh. Hahaha.. Masyado ring OA kung makareact..Ni wala pa nga akong ginagawa na moves para makalapit sa crush ko. And correction! Hindi ako bumubuntot-buntot kay Gino. At mas lalong hindi ako nagpapacute. Ahemm,. Kunti lang naman! Hehehe.. Pero wa epek naman yun kasi kahit magpacute pa ako, di naman ako mapapansin kasi nasa malayo ako.. Hahaha.. Over lang talaga ‘tong kaibigan ko. Masyado talagang manang ! hahaha. I mean, masyado syang overprotective. Kaya nga love na love ko yang kaibigan ko eh.. hehehe.. Sweet ko noh? ^___^

“oh, natahimik ka dyan? Naisip mo nang tama ako noh?”

“huh?”

“sabi ko, natauhan ka na rin sa wakas kaya wala kang maisagot dyan.”

“hahahaha”

“may nakakatawa ba sa sinabi ko? -____-“

“wala! Bakit bawal na ba tumawa ngayon?’

“ahhhh, maloloka ako sa’yo Kyli !”

Hahahaha.. Tingnan nyo? Ganun lang yan patatahimikin.. hahaha.. Galing ng strategy ko noh? Hahaha.. Memorize ko na gagawin ko sa mga ganitong sitwasyon. ^____^

Miss Makulit Meets Mister MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon