Chapter 4

101 1 0
                                    

CHAPTER 4

 

 

“HAHAHAHAHAHA!!!!!!!”

“Natakot ba kita? Hahaha.. Nakakatuwa pala mukha mo pag natatakot. Hahahaha!”

Halos namumula na yung mukha ni Gino sa kakatawa.

“Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo ha? Nakakapikon ka na ah. Ba’t ba palagi mo nalang akong pinagtitripan?”

“Hahaha.. Di ko naman kasi alam na duwag ka pala.”

“Hindi ako duwag! Mukha mo lang talaga ang horror kaya ako napasigaw!”

“Nakita mo sana mukha mo kanina mas horror! HAHAHAHA!

 

“May horror ba na nakakatawa? Baliw talaga!”

Tumayo na ako at padabog na lumabas ng classroom. Naririnig ko pa rin yung tawa ni Gino sa labas. Grabe, nakakapikon na talaga siya ha. Wala na ba siyang ibang mapagtripan? Errrrrr!!! Kasisimula pa lang ng klase namin pero ang dami na nangyari. Nababadtrip na talaga ako sa kanya super!

“Problema Kyl? Ba’t parang pinagbagsakan ka ng langit diyan?”

“Badtrip lang!”

“HA? Bakit?”

“May BALIW kasi diyan sa loob!”, sigaw ko talaga.

Sumilip naman si Jake sa loob ng classroom.

“Si Gino lang naman nasa loob ah”

“Siya nga!”

“Ano ba ginawa niya sa’yo?”

“Aisst! Ewan ko sa kanya! Nabibwisit ako!”

“Pabayaan mo nalang. Tara, pasok na tayo sa loob. Malapit na rin naman yung time.”

Pumasok na kami ni Jake sa loob. Lumingon ako para tapunan siya ng masamang tingin. Pero nagulat ako sa nakita ko dahil isang nakamamatay na tingin na ang sumalubong sa akin.

‘Siya pa talaga may ganang magalit ngayon ha? Leche talaga!

 Ayyy, nagiging bitter na ako dahil sa kanya. Pansin ko rin panay na ako mura simula kahapon. Buti nalang wala ang parents ko ngayon kundi kawawa bibig ko. Di naman kasi talaga ako nagmumura. Kainis talaga!’

Wag ko na nga lang siyang pansinin. Naiinis lang ako lalo. Buti nalang andito si Jake. Mayroon na akong kakwentuhan. Atleast di ko na siya masyadong napapansin. Panay biro ni Jake sa akin kaya patawa-tawa na ako. Medyo gumagaan na nga rin pakiramdam ko. Nakakatawa naman kasi yung mga jokes niya at facial expressions. Ayos na pang comedy show. Hahaha.. Nagtatawanan kaming dalawa nang biglang padabog na tumayo si Gino.

“Ang ingay niyo!”, saka lumabas ng classroom.

Sabay kaming napalingon ni Jake sa kanya. Nagtataka kami pareho.

“Ano problema nun?”, tanong ni Jake.

“Malay ko, may tupak nga yata eh. Yaan mo na ang masungit na yun.”

Tsss.. Problema niya? Kanina lang pinagtatawanan niya ako tapos ngayon biglang walk-out? Siya lang ba pwede tumawa? May personality disorder yata taong yun eh. Sheeez! Bahala nga siya sa buhay  niya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Makulit Meets Mister MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon