CHAPTER 2
Langya, Si monkey Gino na naman!
Grrrrr…..
“Isa ka ba talagang kabuti na biglang susulpot kung san ako? Nakakabwisit ka na ah”
“Don’t yell at me! Wala akong ginagawa sa’yo”
“Deny ka pa dyan! I know ikaw ang nambato nung shuttle cock sa akin! Nananadya ka ba talaga ha?”
“Look, I don’t know what you’re saying. Wag ka basta-bastang nambibintang.”
Sisigawan ko na sana siya nang biglang may lumapit sa’min..
“Ah, miss I’m sorry.. Hindi ko sinasadya na matamaan ka nung shuttle ko.. Im sorry talaga”
Tiningnan ko yung nagsalita.
“You mean, sayo ‘to?”
“Oo, sorry talaga ha”, tsaka umalis na sa harap namin.
Owhemgi!
So hindi niya pala kasalanan?
Hala! Ayan na yung mga tingin ni Gino oh.. Nakakatakot talaga.. Tumingin nalang ako sa gilid. Ramdam ko kasing tinititigan na niya ako.
On no, ano na gagawin ko?.. Huhuhuhu…
T.T
Lubdubdub lubdubdub…
Hala, pati heartbeat ko abnormal na! Lakas ng pitik eh..
TT.TT
“Wala ka bang sasabihin?”
Medyo napatalon pa ako sa bigla nung magsalita siya.
“Ha, ah eh… Ano kasi, akala ko kasi sa’yo yung bola kasi nga kaw lang naman ang nasa likod ko diba? Kaya akala ko sayo yun.”
My ghed! Para akong natatae sa kinatatayuan ko.. Nininyerbyos talaga ako Diyos ko!
“Yun lang?”
Hala, ano pa ba gusto niya na sabihin ko?
“Hindi ka man lang ba magso-sorry?”
Waaahhhhh!!!!! Ba’t ako magsosorry? Hindi ko nga sinasadya di’ba?
“Ano? Umurong na dila mo?”
“Ba’t naman ako magso-sorry sa’yo? Hindi ko naman alam na hindi pala ikaw nakabato nung bola. At tsaka ba’t kasi nandiyan ka sa likod ko!”
“So kasalanan ko pa ngayon? Ikaw na nga itong nambibintang, kasalanan ko pa. Sira ka nga siguro ano?”
“Excuse me?! Baka ikaw ang may sira sa utak! Sino kaya yung bigla-bigla nalang nagagalit sa library? Di ba ikaw? At nagsorry ka ba? Hindi di ba? Kaya ba’t ako magsosorry sa’yo ha?!”.
Di na ako nakapagpigil. Napalakas na talaga boses ko. Lecheng Gino to! Sisirain nga talaga buong araw ko! Nakakainis!
Pansin kong nakatingin na yung mga tao sa’min at mayroon pang nagbulong-bulongan.
“Grabe siya, sinisigawan niya talaga si Gino? Ang tapang niya ha. Marami nga natatakot lumapit sa kanya tapos siya, nagawa pa niyang sigawan”. Narinig ko pang sabi nung isang girla..
“So, you’re really not gonna apologize?”
“Hindi!”, matapang kong sabi sa kanya.
“Okay, then. So I guess may kasalanan ka pa sa akin.”
“Hoy, kasalanan ka diyan! Kaw nga may kasalanan sa’kin eh. Kaya kaw dapat magsorry.”
“Kung ang pinagpuputok ng botche mo ay yung nangyari sa library, ginawa ko lang yun para hindi ka mapagalitan nung librarian. Ayaw na ayaw niya nung may tumatawa sa loob ng library. Kung tutuusin nga dapat magpasalamat ka pa sa akin.”
“Psshhh! Salamat ha? Kung di dahil sa kabayanihan mo, di sana ako nakapagsalita at hindi sana ako napagalitan!”
“Kasalanan mo na yun kung bakit ka pa nagsalita.”
Akala ko aalis na siya pagkasabi nun pero bigla siyang umabante sabay lapit pa nung mukha niya sa akin.
Teka, ano gagawin niya?
O.O
Para na akong naghahyperventilate sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang lapit lapit kasi nung mukha niya. Titig na titig pa siya sa akin. At…at… hindi ako makapagconcentrate! Shocks! Is he going to kiss me?