Ch1: Unang Pagkikita

7.6K 97 6
                                    

Kalian kaya? Kalian ko mararanasan maging isang normal na tao?

Kalian ko mararanasan maging masaya? Magkaroon ng totoong kaibigan?

Totoong taong magmamahal sakin? Lagi nalang kasi…lagi na lang nila ginagawa to sakin…wala naman akong ginagawang masama…

                “sa tingin mo may makakarinig sayo dito? Sa tingin mo may tutulong sayo? Gawin mo nalang kasi yung mga pinapagawa naming homeworks sayo para wala tayong problema”

Laging ganito yung nangyayari sakin, every lunch break lagi nalang nila ako dinadala sa CR para pagtripan, para gumawa nalang mga bagay na gusto nila.

Siguro kasi kaya ako ginaganito dahil sa itsura ko, weird daw kasi yung itsura ko, parang pang mga horror movie.

Dahil wala akong kaibigan, walang taong magtatanggol sakin, walang magproprotekta, kaya lahat ng mga gusto nila sinusunod ko para hindi na nila ako pagtripan.

Nung unang pasok ko dito, normal pa yung pakikitungo nila sakin pero bigla nalang nila akong pinagtripan, paalis na ko ng classroom kaya ilalagay ko na yung mga gamit ko sa locker kaso pagbukas ko ng locker ayun, may nalaglag na isang baldeng malagkit na bagay, yung singlagkit ng itlog. Buti nalang nga mag-isa akong nakatira sa bahay kasi kung hindi magtataka sila mama kung bakit ganun yung itsura ko.

Wala kasi sila mama, nasa ibang bansa may inaasikaso sila about sa business namin. Hindi ko nga alam kung bakit naging ganito yung mga tao sa school, bago pa ko pumasok dito kilala na yung school na to bilang pinakaeleganteng school,

lahat ng nag-aaral dito mayayaman, school for elites ang tawag ng iba sa school na to. Pero bakit ganun diba dapat pag puro mayayaman ang nagaaral dapat puro mga mahinahon, magalang, mabait tsaka palakaibigan kaso mali pala. Kabaliktaran lahat ng sinabi ko yung mga ugali nila.

Isa lang yung taong alam kong mabait dito, si Patrick. Sikat siya sa school na to, soccer player kasi siya tsaka aminado akong gwapo siya at napakagentleman.

One time kasi nadapa ako…ay mali…dinapa pala nila ako buti sana kung wala akong dala nun kaso puro paper yung mga dala ko kaya hindi nasuportahan ng dalawang kamay ko yung katawan ko kaya napahiga ako sa floor, pinagtawanan nila akong lahat wala man lang tumulong sakin maliban sakanya……

                “Ok ka lang ba miss?”

 

                “Ok lang ako. Thank you”

 

                “Tumayo ka diyan, oh eto yung mga papers na nalaglag mo, next time mag-iingat ka ha? Sige mauna na ko. byebye!”

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon