Ch4: Role Playing

3.6K 61 2
                                    

Malapit na mag foundation dayyyy! at bilang isang first year, ngayon ko lang mararanasan ang pagkakaiba ng foundation day ng grade school sa first year.

2 weeks na rin kaming magkakasabay, actually tinuturuan na din nila ako magayos ng sarili ko para hindi na ko asarin ng mga tao, nakakatuwa nga eh kasi puro compliment yung nakukuha ko.

at meron na rin kaming sched na pag Saturday sasama ako sakanila mag shopping, natutuwa nga sila mama at papa pag nagkakachat kami gamit yung skype kasi pag nagkwekwento ako sakanila parang ang saya saya ko daw.

Pero medyo nakakahiya kasi lagi nalang akong inaasar kay Jake, kinikilig ako sakanya kasi every morning lagi nalang niya ako binabanatan. Yung tipong mamumula talaga yung muka ko sa sobrang kilig. Aiisssh! >////<

               “OK GUYSS! MAKINIG KAYO SAKIN HA?!”

               “uy girl anong balita sainyo? Oh talaga? Chuchuchuchuchuchu…”

Natatawa naman ako kanina pa kasi salita ng salita ang president naming sa harap kaso walang nakikinig. Pati sila Gabby natatawa na eh, kaso quiet lang muna kami mamaya magalit din siya samin.

               “Guys ano ba?!”

Natahimik naman kaming lahat ng tumayo si Patrick at sumigaw sa harapan.

Speaking of Patrick 2 weeks na rin niya akong hindi kinakausap minsa nahuhuli ko siyang tumitingin sakin pero hanggang dun nalang.

Hayyy. Namimiss ko na yung pakikipag-usap sakanya, kahit simpleng hello lang (-____-“)

               “Sige na pressy umupo ka na, ako na magdidiscuss”

Sumunod yung president namin, si Patrick kasi yung V.P naming kaya ok lang yung ginawa niya kay pressy.

Inexplain ni Patrick yung napagmeetingan ng mga officers ng iba’t-ibang class, sa mga 1st year play yung gagawin namin, may kanya kanyang oras na binigay ang mga teachers sa bawat section para dun sa pag gamit nung auditorium hindi daw dapat lalagpas ng more than 1 hour and 30 minutes tapos kikita daw dapat ng not less than 2,500 kaya dapat daw maka-attract kami ng students

yung foundation din daw kasi open for all kaya pwedeng pumunta kahit taga labas kaya hindi daw impossible na kumita kami ng more than 2K pero pag hindi daw naabot yung quota may punishment daw. Hindi sinabi kung anong punishment kasi pagmemeetingan pa daw yun ng mga homeroom teacher.

Isa si Gabby sa mga officers kaya kailangan niyang magpaiwan sa school kasi pagmemeetingan pa daw nila kung anong gagawin ng section namin para dun.

Pero syempre bilang friends niya hinihintay namin siya kaya nandito kami sa isang coffee shop malapit sa school, actually dalawa nalang kami ni Renzie na magkasama kasi si Cherry may pupuntahan pa daw, napapansin naming this days ang busy masyado ni Cherry

ewan ko dun sa girl na yun ang daming ginagawa, sabi kasi nila Renzie sakin nagmomodel daw yang si Cherry kaya ayun, pero hindi sila mahirap sa katunayan super mayaman sila kasi yung ate niya na si ate Jane nag-aaral sa St. Clarisse Academy

isa yung school for elites as in mga mayayaman talaga pero pag college dun kami sa college nila mag-aaral, napagusapan na naming apat yun kahit na 1st year pa lang kami kasi may motto kami na walang iwanan para sa mga magkakaibigan. (~.~)v

After 12127372931203923 years dumating din si Gabby naka 234566 na kape na kami dito ni Renzie. Syempre echos lang yun nagpakwento kami ni Renzie about dun sa pinagusapan

pero sabi ni Gabby hindi daw muna pwedeng sabihin kasi sabay sabay daw nilang sasabihin bukas para fair sa iba syempre pumayag na kami at eto nanaman ako uuwi sa aking bahay, mag-isa nanaman ako.

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon