fifteen (joonie's pov)

51 13 10
                                    

namjoon's pov

pinagbuksan niya ako ng pinto, agad naman bumungad saken ang ngiti niyang talagang nakakatunaw.

shet.

ngiti niya palang pamatay na.

hindi ko talaga inaasahan na mapapansin ako netong si meraki, nakakagulat nga kase nagsimula ang lahat ng to 'nung ni flood at chinat niya ako.

"ayos pormahan ah! parang magsisimbang gabi lang" sambit niya at pinagtawanan agad ang porma ko. "konti nalang rehas na kayo ng style ni yoongilagid, mga jejemon!"

stripe na longsleeve at pantalon na maluwag ang suot ko ngayon, eh pano kanina ang hirap magdesisyon kung anong isusuot ko kase nga, gusto kong magpa impress sa kanya dahil pupunta ako sa kanila. 

imbes na ma impress siya at purihin ako (gaya ng aking inaasahan) 

pinagtawanan at nilait niya lang ako.

tangina naman meraki ang hirap naman magpakitang gilas sayo!

"san ka galing?" aniya, akala niya siguro may iba pa akong pinuntahan dahil sa porma ko ngayon.

hindi niya alam na todo ayos ako bago nagpunta dito.

"sa supermarket, sinamahan kong mag grocery si mama" pagsisinungaling ko, para lang di mapahiya. "pauwi na ko nang bigla kang nag chat kaya naisipan ko nang pumunta dito para matulungan kita."

nakakahiyang magsalita sa harap ng taong gusto mo, alam mo yun?

meraki | k. namjoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon