Start

293 2 0
                                    

What is love?

Ano nga ba ang love? Bakit marami tayong natututunan dahil sa love? Like tatakas ka para lang makasama siya.

Magpapakatanga ka kasi mahal mo siya.

Iiyakan mo kasi mahal mo siya.

Gagawin mo lahat kasi mahal mo siya.

Kahit masakit na magpapanggap ka lang ng ok ka kasi mahal mo siya.

Ganyan naman lagi eh . Handa kang gawin lahat para sa taong mahal mo . Handa kang saktan sarili mo para sa taong mahal mo .

What is love?

Love is like a wattpad. Tayo gagawa ng story natin . Tayo ang gagawa ng paraan para mas lalo pa itong humaba. Pero sa isang iglap tinapos mo agad . At ano ang dahilan?

"Sorry pero nakahanap na ako ng iba."

Yeah right. Nakahanap ka na ng iba. Tapos ano? Iiwan mo ako sa ere na para bang wala lang 'ko sayo?

3 years.

Yes 3 years na kami . Pero pinagpalit niya ang 3 years sa saglit niya lang nakilala.

"Ganon? Iiwan mo 'ko kasi may nahanap ka ng iba? Ang Galing mo naman pala mang iwan sa ere . Mag piloto ka nalang kaya?"

Hindi ko alam pero hindi ako umiiyak. Siguro immune na sa sakit? Hindi ko alam pero may nagsasabi sakin na wag kong iyakan ang taong nanakit sa 'kin . Di niya 'ko deserve.. I deserve someone better. Better than him .

Siguro nga it's time to move on . Wala naman akong mapapala kung hahabulin ko pa siya. Hindi ako aso para gawin yun . Mahirap lumaban pag mag isa ka lang na lumalaban.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Because of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon