Chapter 1

164 2 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng tugtog na nanggagaling sa kabilang kwarto . Which is kwarto ng magaling kong kuya.

Napapailing akong bumangon sa kama ko at dumiretso sa c.r .

Habang naglalakad kinukusot kusot ko ang mata ko . Inaantok pa 'ko at hindi na 'ko makatulog ulit dahil sa sobrang ingay ng kuya ko sa kabilang kwarto .

Pumasok ako sa c.r at tumitig sa salamin . Hays . Ayokong pumasok sa school ngayon. At dahil wala 'kong choice eh papasok ako.. Naligo ako habang sinasabayan ng kanta yung pinapatugtog ng kuya ko .

Pag tapos kong maligo ay agad akong nagbihis at nagsuklay . Kinuha ko ang bag ko sa upuan . Buti nalang pala naayos ko na kagabi yung gamit ko . Kung hindi, siguro late ako ngayong first day .

Bumaba na 'ko pagka-tapos kong tumingin sa salamin . Pababa palang ako rinig ko na agad ang halakhak ni kuya na nakikipagkwentuhan kay mom and dad. Napailing nalang ako .

"Goodmorning mom and dad."

"Hindi mo manlang babatiin ang napaka gwapo mong kuya?"

"HINDI! dahil binulabog mo ang tulog ko kanina tsk."

"Sorry na sis. atleast nagising kita diba? kaya 'di ka nalate hehehe. Goodmorning little sis."

" So kailangan ko pang mag pasalamat sa 'yo kasi nagising mo 'ko? Goodmorning kuya."

" Tigilan ninyo ang pagtatalo sa harap ng pagkain. kumain ka na't Baka malate ka pa."

"Opo mom." napapahiya kong sabi..

Nagsimula na 'kong kumain, pag tapos kong lagyan ng pagkain ang plato ko . binilisan ko pang kumain ng magsalita ang kuya ko na may pang asar na tono.

"Una na ako manang. Ang bagal mo kumain eh." sabi niya habang tumatawa.

"Hala! Hintayin mo 'ko!" grrr! Hindi ko na natapos ang kinakain ko at sumunod na sakaniya.
Pumasok agad si kuya sa driver seat. Sumunod naman ako sakaniya.  Habang nagmamaneho si kuya nagsasoundtrip ako . Tahimik si kuya.. Hays. As usual wala namang bago.

Pag ka park namin sa parking lot agad akong bumaba at nagpaalam kay kuya. Pumasok ako ng main gate ng San francisco High School. Grade ten nanga pala ako .

Pag pasok ko sa room tatatlo palang ang tao . Umupo ako sa unahan para marinig ko lahat ng ilelecture ng guro. Ayoko sa likod kasi madadaldal lang ako dun, baka di ako makapag focus sa lecture ni maam..

Habang umaandar ang oras, dumarami na ang pumapasok sa room.. Tahimik lng akong nagmamatiyag sa paligid dahil hindi naman ako sanay na mag-ingay. May pumasok na group of girls na ang iingay. Tinitigan ko lang sila na para bang ang tagal na nilang magkakaibigan. Sabagay mga pa-fame lang naman alam ng mga yan. Puro make-up o rampa lang naman . Pero pag dating sa academics Nga nga na..

Natigil lang ako sa pagtitig sa kanila nang pumasok na sa loob si maam. "Hi. Goodmorning everyone my name is Danica Flores .. And ako ang magiging Filipino teacher ninyo. At dahil first day palang natin ay mag papakilala muna kayo isa-isa. Simula natin sa iyo binibini." Tinuro niya yung nasa harap. At walang iba kundi ako . Haha.

~o~

"Hi . Ako nga pala si is Kim Soriano. 16 years old." Pagtapos kong sabihin yun ay umupo na 'ko sa upuan ko.. "Ok class. Sunod.."

Hanggang sa magtuloy tuloy ang introduce yourself. Sa kalagitnaan ng itroduce yourself. Niluwa ng pinto ang isang lalaking may katangkaran at mahaba ang buhok medyo skinny , brown eyes hmm . Ba't ko ba siya tinititigan?

Binalik ko nalang tingin ko sa harapan at binalewala nalang ang pumasok.

"At sino ka naman?" Tanong ng aking guro habang nakatingin sa kakapasok lang na lalake, "Ako nga pala yung transferee madam." Wow, maka madam si kuya wagas haha, "Ganon ba? Pumasok kana para makapag-umpisa na tayo sa lecture, pero bago ka umupo magpakilala ka muna dito sa harap."

"Ako nga pa si Justine Lamiseria, 17 years old." Sabi ng poging lalake sa harap hihi, "Ok mister lamiseria, maupo kana doon sa bakanteng upuan katabi ni miss soriano.." HALA! Yari ako, ba't ba kasi may bakanteng upuan dito sa tabi ko . Kainis!

Agad na nagtungo ang lalaki papunta sa tabi ko at umupo. Tahimik lang kaming dalawa habang nakikinig sa lesson ni ms, Danica..

Fastforward~

Natapos na ang tatlong subject pero wala paring imik 'tong katabi ko.. Pipe ba siya? Ba't di siya nagsasalita. Hindi ata siya kakain dahil 'di pa siya bumababa. Breaktime na kasi.

-_-

Pababa na 'ko sa canteen para bumili ng pagkain ko.. Gutom na gutom na kasi ako, wala pang kausap sa room kasi hindi naman ako friendly.

Nang makarating ako sa canteen, As usual maraming tao . Pumila ako at umorder ng Siomai with rice at saka humanap ng pwedeng maupuan dahil gutom na talaga 'ko.

Habang kumakain ako ay may napansin akong nakatingin sa gilid ko kaya agad akong tumingin para makita kung sino ito.

Nagulat ako dahil hindi manlang siya lumingon sa gilid para naman hindi ko mahalata na nakatingin siya diba? Titig na titig ang mga mata niya sakin na para bang may gustong sabihin ngunit, Parang may pumipigil sakaniya na lapitan ako.

Kaya binalewala ko nalang ito at nagmadaling ubusin ang pagkain ko dahil magsisimula na ang susunod na klase.

Paakyat nako sa room ng madaan ko ang c.r ng boys ay agad akong nagulat dahil may biglang humila sa akin.

sisigaw na sana ako ng bigla niya akong halikan ng sobrang diin dahilan para magulat ako at matulala sakaniya.

1

2

3

4

5

Kumabog ng napakalas ang dibdib ko . Napakahawak ako sa dibdib ko at tumingin sakaniya ng naiinis . 5 seconds niya akong hinalikan! Humiwalay siya sa 'kin kasabay ng paghiwalay ng labi naming dalawa. Imagine isang stranger hahalikan ka! Yaaaaay! Diko maimagine.

Pero teka, ANG FIRST KISS KOOOOOOOOOO!!!!!!!

Because of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon