Nagising ako sa isang malakas na kalabog ng pinto sa pinakamamahal kong kwarto .
Bwisit akong bumangon dahil inaantok pa ako . Hindi ko lang alam magagawa ko sa kuya ko pag nakita kong siya yung kumakatok -_-
"Bruha! Gumising ka muna, kakain na tayo!" Potek nga naman talaga.
"Wag ka epal kuya, malapit nakong mabwiset sayo!" Sigaw ko sakaniya dahil di pako nakakapaghilamos tapos kakain agad ako? "Ok manang hehe." May pahabol pa talaga . Hays.
-_-
Pumunta agad ako ng c.r para maghilamos dahil gutom na gutom na ako . Hirap ng hindi kumakain pagka-uwi .
Agad akong bumaba dahil naaamoy ko yung niluto ni mama na adobong baboy . My favorite hehe. Kumuha agad ako ng plato at nagsandok ng kanin at ulam, at hinintay ang mama at kuya ko na maupo para sabay sabay kaming kumain.
Nagpasalamat kami kay lord at kumain na. Nang magsalita ang aking magaling na kuya.
"Sama ka sakin sis? Maglaro kami ng basketball ni justine?" Hala ka. Justine nanaman! "Ayoko nga. Wala naman akong hilig sa basketball . Ok lang sana kung volleyball eh."
"Ok. Sabi mo eh hehe." Hindi nalang ako sumagot kasi alam ko namang may pinopormahan kuya ko kaya pa pogi points sa chix niya.
Pagtapos kong kumain kinuha ko plato ko at nilagay sa sink . Nagpaalam din akong lumabas ng bahay para makapag pahangin.
Hay. Naaalala ko nanaman siya. Ewan ko ba. Ang sakit lang sa tuwing iniisip ko kung bakit siya nakipagbreak . Alam ko namang bata pa kami non . Pero di parin maiwasan isipin kung bakit nagkaganon .
-Flashback-
Papunta ako sa SM dahil nagtext yung boyfriend ko na samahan ko daw siya, So siyempre bilang mabait na girlfriend sasamahan ko siya.
Habang naglalakad ako hinahanap na ng mata ko ang cute na boyfie ko. At sa di kalayuan nakita ko siyang naghihintay sa akin . Kinawayan ko agad siya at tumakbo ng slight. Slight lang kasi malapit nako sakaniya.
"Hi mahal!" Agad kong bati sakaniya pagka-lapit na pagka-lapit ko palang "Hello love! Tara na samahan moko." "Oki doki love!" Tsaka kami naglakad-lakad sa mall .
Kanina pa kami paikot-ikot pero lintek, wala pa kaming napapasukan na botique. Kainis. Pagod na pagod nako kakaikot, nagugutom narin ako .
"Hoy! Niloloko mo lang ba ako? Nagpasama ka tas di ka manlang pumapasok sa mga botique!" Sabi ko sakaniya sa pinaka nakakairitang boses.
"Sorry na. Hahaha. Mainitin talaga ulo mo hahaha. Tara na kain nalang tayo tas hatid na kita sa labas. Hindi kita mahahatid sainyo. May pupuntahan pa kasi ako eh." Hala. First time niya ata ako hindi ihatid sa bahay ah . Hmm.
Dumiretso kami sa jollibee at nag order ng one piece chicken at large fries .
Pagtapos namin kumain hinatid nga lang niya ako sa labas ng mall .
"Ingat love. Magtext ka sakin pag nakauwi kana ha? Ingat. Iloveyou"
"Opo . Ikaw din. Text text nalang. Iloveyoutoo." Pagtapos ng iloveyouhan tumalikod na ako sabay lakad palayo .
Habang naglalakad ako napaisip ako na kung bakit ganon, Gabi na pero may pupuntahan parin siya? Hindi naman siya umaalis ng gabi eh.
Pagkarating ko sa bahay agad ko siyang tinext na nakauwi nako .
To: Love❤
Hi love! Nakauwi nako .
Ikaw? San kaba pupunta?
Hindi mo kasi sinabi eh .
Btw, ingat ka ha? Iloveyou.Message sent.
Naghintay ako ng ilang minuto sa reply niya .
Hanggang sa maging limang oras na pero wala parin siyang reply. Alas dose na ng gabi baka wala pa siya sakanila.
Umabot ng dalawang araw na hindi siya nagrereply sa mga texts ko . Bakit ganon? Ang sakit. Ayokong paghinalaan siya pero hindi ko mapigilan.
Tinawagan ko ulit siya, nakaka isang daang mahigit na beses na akong tumatawag sakaniya.
In call
Ohmygosh! Sinagot niya.
"Hello?"
"Hello love! Bakit dalawang araw ka ng hindi nagrereply sa mga texts ko? Nakaka isang daang mahigit na beses na akong tumatawag sa iyo hindi mo manlang sinasagot! Nag-aalala ako!" Sigaw ko sa kaniya. Hindi ko na napigila humikbi dahil nasasaktan na talaga ako . At ang tagal kong kinimkim tong sama ng loob ko .
"Sorry pero, Break na tayo . Ayoko na sayo . Masiyado kang clingy. Parang akala mo kasal na tayo . Sinasakal mo ako masiyado."
Natulala ako sa sinabi niya. Bakit? Bakit ganito? Ang sakit sakit .
"Kung ayaw mo ng pagiging clingy ko, magbabago ako, pero please wag mokong iwan" Umiiyak kong sabi dahil hindi ko na talaga nakayanan pigilan pa tong luha kong nag-uunahan sa pagtulo. Ang sakit eh . Sa tawag palang to ah. Paano na kaya sa personal? Baka magbreak down ako non .
"I'm so sorry . Pero ayoko na eh . Let's stop this and just move on . Maraming lalaki diyan na para sayo." Pagtapos na pagtapos niyang sabihin yan ay agad niyang binaba ang tawag .
Humihikbi kong binaba ang cellphone ko, parehas kong itinakip yung palad ko sa bibig ko dahil baka marinig ako ni kuya o kaya ni mama.
-End of flashback-
Babalik na ako sa bahay dahil mukhang uulan pa dahil sobrang dilim ng langit.
Pag pasok ko ay walang tao. Siguro nasa kaniya kaniya ng kwarto . Kaya agad akong umakyat ng hagdan at pumasok ng kwarto ko .
Umupo ako at sumandal sa boarder ng kama ko . Natutulala nalang ako pag naiisip ko yung pangit na ex boyfriend ko. ni hindi ko nga alam kung bakit ko nagustuhan yung mokong na 'yon..
"Naka move-on na ba 'ko?" Tanong ko sa sarili ko dahil miski ako hindi ko alam ang sagot sa mga katanungang sumusulpot sa isipan ko..
Dahil sa sobrang bored inopen ko nalang ang facebook ko . At nanlaki ang mata ko sa gulat ng makita ang isang pangalang pinaka kinaiinisan ko sa lahat.
Justine Lamiseria Sent you a friend request.
Confirm
Delete Request
Eh kung i-delete request ko nalang kaya?
Hmm.
Hinayaan ko nalang at pinatay ko na agad cellphone ko dahil 'di ko alam ang gagawin.
Dahil sa sobrang pag-iisip 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising nalang ako sa sobrang ingay sa baba. Agad akong bumangon para tignan kung sino ang mga maiingay sa baba.
Dahan-dahan akong sumisilip habang pababa ng hagdan. At laking gulat ko dahil kasama ni kuya si justine sa salas habang nagtatawanan sila .
Agad akong tumakbo papasok ng kwarto at ni-lock 'to. hindi ko alam ang gagawin kaya humiga nalang ako sa kama habang nakatakip ng unan.
"AHHHHHHHHHHH" Sigaw ko habang nakatalukbong ng unan. "Aish! bakit ba kasi nandun yung mokong na yun! 'di tuloy ako makababa!" Galit kong sabi sa sarili dahil gutom na gutom na ako!
BINABASA MO ANG
Because of love
Romancelove? oo diyan ko naranasan ang masaktan, umiyak, magpakatanga. Pero bakit nga ba marami tayong natututunan dahil sa love?