Tsubasa
"Kyoya wag ka ng mag selos" sabi ko
Hindi parin nya ako pinapansin nasa pinto lang kami at maglalakad nanaman papasok
Ahay!
Kaya mapapadaan nanaman akmi sa mga kupal
"Hey Kyoya, please naman" para na akong ewan sa magmamakaawa dito
Ayaw nya talaga
"Hindi dapat kasi Kyoya ang itawag mo diyan! Dapat yung baby!" sigaw ni Yuzu na nanggago pa
"Idedemonstrate ko para sayo" sabi ni Yuzu
Yinakap ni Yuzu yung braso ni Van
"Baby, sige na don't be so jealous na. I'm begging you. Mamatay na ako dito kasi hindi mo ako pinapansin. Baby lahat gagawin ko para mapansin mo ako please~" sabi pa nya
Yah! Boys love na ata to
"I-I just need you baby, ayokong may kashare sa babaeng mahal ko. Baby only you. Kaya wag mo na sa akin gawin yun. Nagseselos ako like hell" sabi ni Van
Ay Jusko ewan ko bang kung mandidiri ako sa kanilang dalawa or matatawa
"Baby~" tawag ni Yuzu
"Baby~" tawag din ni Van at aastang maghahalikan na
"Yuck! Stop it! Kadiri!" sigaw nila Kou at Zen
Natatawa ako dito pero may naramdaman akong kakaiba
Nananakit ang isa ko mata, shit andito nanaman sya... Bakit ka lalabas
Napatakip ako sa mata ko and nawala na. Napangiti na lang ako dito
Kyoya
Nakita ko na tumungo sya at tinakpan ang mata. Iiyak ba sya? Masyado ba ako naging rude sa kanya
Tinanggal nya ang pagkakahawak sa mata nya pero nakatungo parin
Tinanggal nya ang dalawang butones sa kanyang damit
Whoa! Bakit sya maghuhubad?!
"Whoooo! Damn makakanood ata tayo ng live!" sigaw nung iba
Lalapit na ako pero tumingin na sa akin si Tsubasa na naka ngisi at hinawi nya ang buhok nya sa side
I know this style hindi sya si Tsubasa
"Hello Darling~" sabi nya na nakangisi
Magkaiba ang kulay ng mata nya
"T-T-Tsugasa..." nauutal ako
Demonyo sya! Sya ang isang Tsubasa
"Bakit ka natatakot Darling? Hindi naman kita papatayin kasi ikaw ang pinakamamahal ni Tsubasa~" sabi nya at lumalapit
"Bakit parang seryoso na?" tanong ni Yuzu na lumapit sa akin
Tumingin si Tsugasa sa iba
"Who are this? Mga bata mo? Or bata ni Tsubasa?" tanong nya na nakangisi
"Leader the joke is over!" sabi nung iba na natatawa pa
"Leader? Ako ba? Galing naman ni Tsubasa, mga gwapong lalaki to ah~" sabing nakasmirk
Lalapit na si Tsugasa sa kanila na nakaupo sa sofa
Hindi ako makakilos iba ang ngisi ni Tsugasa papatay na sya.
Biglang humarang si Sebastian at si Marky na nakatutok ang baril
"Oh look who are here? Daddy Sebastian and my sweetie Marky~" sabi nya na natatawa
"Wag mo silang lalapitan Tsugasa, ayaw ni Tsubasa yan" sabi ni Sebastian
"Why so serious? I just want to have fun with the guys, anong masama doon?" tanong nya pa
Nakakagago sya
"Stop it Tsugasa" sabi ni Marky
"Oi oi! This is not a joke right? Who is Tsugasa? Diba dapat Tsubasa?" naguguouhan na tanong ni Yuzu at nakikita ko sa iba din na naguguluhan na din
"Well ako nga pala ang pinakamagandang dilag na si Tsugasa. Nice to meet you boys~" sabay wink nya
"What?" tanong nung iba
Tapos biglang may tumulong dugo galing sa mata nya
"Hmph, you bad girl Tsubasa. Fighting with me? Okay okay I get it. Babalik na ako wag ka ng magalit. Okay My darling boys see you next time, muaw!~" at naging normal na ang mata nya
Bigla akong tumayo at niyakap sya agad
"K-K-Kyoya?" tanong nya
"Grabe! Tinakot mo ako." sabi ko
"May ginawa ba sayo si Tsugasa na masama? Hays pasaway na Ate talaga. Gusto lang naman nyang mag saya kaya wag ka ng matakot" sabi nya
"A-A-Ate?! Sino? What?!" tanong nung ibang hindi nakakaalam
Tsubasa
Ngayon marami ng nakakaalam na may Ate akong sira ulo at napaka wild
"Kaya mo na pala syang kontrolin? Ibig bang sabihin..." biglang tumingin si Marky kay Kyoya nang panggago
"What?" tanong pa ni Kyoya
"Hindi mo na kailangan ang napakatamis na halik ni Kyoya your loves?" tanong ni Marky na nakakagago
"What?!" tanong ni Kyoya "Hindi pepwede yun! Tell me Tsubasa hindi mo na ako kailangan?" tanong ni Kyoya
"W-Well I don't know, first time ko syang napasunod kanina. Baka kailangan ko pa a little bit" sabi ko na medyo natatawa
"Bawal ba ang halik ko?" biglang singit ni Tsuki
"Bawal! Labi ko lang ang pwede!" ano kaya ipinaglalaban ni Kyoya
Nagtatalo nanaman sila ahahaha
"Bawal nga ba ang ibang halik?" tanong ni Sebastian
"Hindi ko alam kay Tsugasa na sira ul–" sye lalabas nanaman sya
Gago talagang Ate
Tsugasa
Pinatong ko ang paa ko sa table
"Well ang natitikman ko lang kasing labi pag lumalabas ako ay kay Kyoya lang" sabi ko
"T-T-Tsugasa?!" sigaw ni Kyoya at medyo lumalayo sa akin. Nakatabi na nga sya sa akin sa sofa lumalayo pa
"Bakit ka ba takot na takot sa akin? May nagawa ba akong masama?" tanong ko
Meron nga ba kasi?
"W-Well. Kasi pag ikaw ang humahalik sa akin. Shit! Ikaw lang ang nakakaalam" sabi nya na namumula
Napaka hard ko kasing humalik. Hard na nga rough pa. Napapasarap si Kyoya sa halik ko
"Ohhhh! I get it. I'm a good kisser, right? Darling~" tanong ko sa kanya
"Shut up! Ibalik mo na si Tsubasa" sabi nya
"Ibalik? Okay sure. Sige testingin kitang halikan. Childhood friend ni Tsubasa" sabi ko doon sa lalaki na yun Tsuki ba pangalan nun?
Hinawakan ko na ang mukha nya at paunti unting lumalapit
Pero may biglang humila sa akin at hinawakan ang mukha ko at hinalikan ako
Ayaw mong magpatalo Kyoya
Tsubasa
Namulat na ako sa katotohanan at na realize ko na hinahalikan ako ni Kyoya kaya naitulak ko sya
"Yah! Tsubasa na me! Ako na to!" sabi ko
"Wag kang hahalik ng iba ha? Never sa akin lang!" sabi nya
"May nagawa ba si Tsugasa, Sebastian?" tanong ko
"Well hahalikan nya lang naman yung childhood friend mo"
"What? Hays sira ulo Tsugasa pasaway talaga" sabi ko with kamot ulo
BINABASA MO ANG
She is a Gang Leader
ActionTsubasa your Typical Average girl. Pero masikreto na babae.