Kyoya
Naglalakad kami sa madilim na daan. Ang ilaw lang namin ay ang mga dim na ilaw na naka dikit sa dingding
Saan ba papunta ito? Ngayon lang ako nakapasok sa ganito.
Ayos lang kaya si Tsubasa?
"Ayos lang kaya si Leader?" tanong ni Kento
"Nagaalala ako sa kanya" sabi naman ni Van pati din pala sila nag aalala
"Makakaya niya iyon" sabi ko na lang at bigla kaming napahinto dahil may dalawang passage ang bumungad sa amin.
"Always Left"
"Sa kaliwa tayo, dahil sabi ni Tsubasa" kaya pumasok kami sa kaliwa
Pag nakakakita kami ng Passage puro sa Kaliwa kami at napadpad kami sa madilim na lugar.
"Nababaliw ka na talaga Betty!" sigaw ng isang babae. Nasa taas pala kami kaya dumungaw kami ng konti at sumilip kung ano ang nangyayari sa baba
Si Tito Dave at si Tita Betrice naka tali sa upuan at si Tita Betty ay may hawak na baril?
"Anong nangyayari dito?" napatanong si Van
"Huwaw ang bilis nyo naman. Nakadating kayo ng mabilis dito?" tanong sa gilid at naaninag namin si Tsubasa na nakaupo doon at inaayos ang baril nya
Nagulat kami doon ah. Ang bilis naman nya
Puro dugo sya. At may benda ang braso at binti nya. Natamaan ba sya? Kaya lumapit ako
"Baby are you alright?" tanong ko
"hmmm.... Yup I'm better than alright baby" sabi nya na nakangiting pagago
Hindi talaga marunong si Tsubasa mag benda ng sarili nya, pati din naman ako. Ayan tuloy na huhulog ang benda nya kaya lumapit na ang dalawa na si Krnto at si Van at binenda ang sugat nya
Tsubasa
"Tsubasa may naka sunod sayo sa secret passage. Hindi ka nag iingat" pinapagalitan tuloy ako ni Marky
"Set all the traps again" utos ko na napangiti ako. Ano kaya mangyayari?
"Gagawin ko talaga iyon" sabi nito
Kinuha ko ang maliit na monitor at pinanood ang mga ugok na nag lalakad sa may lagusan. Patay kayo ngayon
Nakita ko nag sisigawan na sila, nanghihingi na ng tulong. Yung iba nahuhulog sa patibong na ginawa ko, yung iba na kukuling etc etc.
"Good job Marky, Good job" sabi ko na medyo na tatawa
"I don't like the laugh of yours Tsubasa" sabi nito
"What? Something wrong about my laugh? It's a normal laugh" sabi ko
"Whatever Tsubasa. Gotta go" sabi nya at namatay ang connection
...
Nagtago ako sa madilim na parte at yung iba naman nasa surroundings ko para bantayan ako at mapanood ang gagawin ni Tita Betty isa syang baliw!"Mom! Don't do this!" pagmamakaawa ng pinsan ko na si Mary. Nakagapos din sya. Pati ba naman sarili nyang anak?
"Shut up!" sigaw nito
"Betty! Pati ba naman ang sarili mong anak!? At si Dave at ang asawa nya?!" galit na giit ni Tita Betrice
"Shut your mouth or I'm gonna blast that off!" sigaw ni Tita Betty at tinutukan ng baril si Tita Betrice
Pinaputukan ko agad ang baril ni Tita Betty para hindi maputukan si Tita Betrice at tumilapon naman ang baril nya
BINABASA MO ANG
She is a Gang Leader
ActionTsubasa your Typical Average girl. Pero masikreto na babae.