Kabanata 17

59 2 0
                                    

Kinabukasan ay napagdesisyunan kong sa bahay na lang muna. Wala rin naman na kasi akong pupuntahan at wala ring kasama kung mayroon man.

Nasa kusina ako at nagluluto ng fried rice. Abala lang ako nang may biglang nag-doorbell. Inasahan kong si Mark iyon pero nagulat akong hindi siya.

"Hubert, ba't nandito ka? 'Wag mo sabihing dumalaw ka na naman sa mga kamag-anak mo," tanong ko sa kanya.

"Hindi! Ikaw talaga ang pinunta ko rito," sagot niya at sumilip pa sa loob ng bahay ko.

Medyo isinara ko pa ang pinto para hindi niya na masilip ang loob. Anong kailangan ng lalaki na 'to at sa akin pa talaga napili pumunta?

"Bakit?" tanong ko ulit.

"Pwede bang papasukin mo muna ako?" Ang tapang ng hiya! Hindi man lang hinintay na kusang imbitahin.

"Pasok!" Tinalukuran ko siya at narinig ko pang tumawa bago isinara ang pinto.

Bumalik ako ng kusina at hinango na ang niluluto na muntik ng masunog.

"Ngayon ka pa lang magbe-breakfast?" Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita siya sa likuran ko.

"Wag ka nga pasulpot-sulpot! Ano bang pakialam mo?" inis ko lang na sinabi sa kanya.

"Ang sungit mo!" sabi lang niya.

Hinain ko na ang mga niluto ko pang hotdog at ham.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa, papakainin mo ba 'ko?" Tinaas-taas pa niya ang magkabilang kilay.

"Oo naman!" masaya kong sagot sa kanya.

"Sa 'yo 'yung mga tira-tira ko," dagdag ko pa.

Pero biro lang 'yon. Hindi ako masamang tao. Kahit papaano'y artista at tinitingalang bituin din naman sa showbiz industry itong makakasalo ko.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko kay Hubert habang kumakain na kami.

"Di ba pinapasok mo ako? Bakit tinatanong mo pa?" pilosopo niyang sagot.

"Sige lang, hindi tayo magkaibigan pasalamat ka itinuturing kitang tao." Tumawa siya at uminom ng tubig.

"Yayayain sana kitang lumabas," seryoso na niyang sagot.

"Ano 'yon, magde-date tayo?" taas kilay kong tanong.

"Bahala ka kung paano mong tatawagin." Ngumisi siya at sumubo ulit ng pagkain.

Saan naman ako dadalhin ng lalaki na ito? Baka naman lugar lang ng taping nila ha.

"Sige. Wala rin naman akong gagawin." Lumawak ang ngiti sa mukha ni Hubert. Parang tuwang-tuwa siya na pumayag ako.

Pagkatapos makakain ay iniwan ko muna siya sa sala at naligo na ako at nagbihis. Hindi naman ako nagtagal sa pagkilos kaya hindi ganoon katagal ang paghihintay niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang lumabas na kami ng bahay.

"Basta, 'wag kang maraming tanong," sagot lang niya.

Nang makapasok kami sa kotse ay agad na siyang nag-drive paalis. Dahil wala naman akong ideya sa kung saan kami pupunta, tinanong ko na lang siya ng ibang bagay.

"Kamusta ang trabaho mo?" tanong ko na hindi pinag-isipan.

"Ayos lang. Marami na rin naman akong natapos na scene," sagot niya.

"Ikaw, bakit 'di mo nasabi sa aking inalis ka pala sa GMP dahil pinagbintangan ka?" Nagulat ako sa tanong niyang iyon. Pero mas nakakagulat na bakit hindi ko raw sinabi sa kanya. Kaano-ano ko ba siya? Feeling close ang lalaking 'to.

"Hindi importante 'yon. Inaasikaso na ni Mark." Narinig kong bumuntong-hininga siya.

"Pwede bang 'wag mo banggitin ang pangalan ng kaibigan mong news anchor kapag magkasama tayo." Wow! Allergic ba? Ang sensitive pala ng tainga ng artistang 'to.

"Si Mark? Bakit inaano ka ba ni Mark? Si Mark kasi mabait 'yang si Mark, kaya nga naging kaibigan ko si Mark e." Tumawa ako pagkatapos kong sabihin iyon. Nagsalubong lang naman lalo ang kilay niya.

"Hindi na ako natutuwa," sabi lang niya. Kaya naman lalo lang na-trigger ang kagagahan ko.

"At alam mo ba si Mark. Si Mark magaling mamili ng restaurant 'yang si Mark. Si Mark kasi dating host ng isang infotainment show si Mark-"

"Tumigil ka na. Gusto mo halikan kita?" inis niyang banta.

"Hay nako! Bawal kay Mark ang manghalik kasi si Mark may paggalang si Mark." Hininto niya bigla sa isang tabi ang kotse kaya napahinto rin ako sa pagsasalita.
Hinawakan niya bigla ang magkabila kong balikat at inilapit ang mukha sa akin.

"Sorry ka na lang Kelly, hindi ako si Mark, kaya wala akong galang. Hahalikan ko ang gusto kong halikan." Mas inilapit pa niya ang mukha sa akin at napapikit lang ako ng mariin.

Vanity AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon