Kabanata 37

45 4 0
                                    

"Okay, good take!" Anunsiyo ng direktor ng travel show ko.

Tinapos lang namin ang shoot dito sa Maynila bago pumunta sa lugar ng special episode sa Palawan. Sa biyahe ay kaunting kuha ng video lang ang ginawa hanggang sa makarating kami ng Palawan. Gabi na nang dumating kami roon at sa hotel agad ang diretso. Pagod ako sa naging biyahe kaya naman pagkatapos kong maligo ay mabilis din akong nakaramdam ng antok.

Kinabukasan ay katok ng staff ng show ang gumising sa akin.

"Miss Kelly, mag-ready na raw po kayo, nandito na ang special guest at mag-start na ang shoot." Tumingin ako sa digital clock sa gilid ko at nakitang 5:00 a.m. pa lang.

"Okay, thank you. Ten minutes, pakisabi."

Agad ko nang sinuklay at pinusod ang buhok ko at naghilamos, nagpalit lang ako ng comfortable na damit at lumabas na ng room. Wala ng make up-make up.

Pagbaba ko ay nakita ko na ang mga pagkaing nakahanda at ang naka-assemble na camera. Sa table ay nakita ko ang sinasabing guest ng mga staff. Well, aware naman akong si Hubert na talaga at wala akong magagawa. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso, pero hindi maitatanggi ng mga mata niya ang nagtatagong mapang-asar na ngiti.

Umupo na ako sa harap ng table na puno ng mga kilalang pagkain ng lugar.

"Kelly, lumapit ka pa kay Hubert. Para kayong magkaaway kapag magkalayo." Agad kong sinunod ang utos ng director.

"Okay, i-ready ang spills ni Kelly!" Iniharap sa gawi ko ang mga sasabihin at nang mag-signal na ay propesyunal kong binanggit ang bawat salita sa spills ko.

Ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis kay Hubert nang ipakilala siya bilang guest ng show. Si Direk ay sinabing i-greeting hug ko pa siya.

Nagsimula na kaming tikman ang mga pagkain at agad kong kinuha ang may sabaw.

"I like this one, magugustuhan 'to ng mga fanatics ng soup dishes," sabi ko sa harap ng camera.

"Oh really? May I try it." Nagulat ako na imbes kumuha ng sariling mangkok at sabaw si Hubert, ay 'yung mangkok ko ang kinuha niya.

Kung wala lang kami sa harap ng camera ay sininghalan ko na siya ng galit.

"Masarap nga siya." Tumatango-tango pa siya at nakangiting tumingin sa akin.

"See, so let's try naman 'yung seafoods." Wala sa sariling kumuha ako ng garlic crabs at nagsisi nang makitang mahirap kainin ito.

"Medyo struggle lang ang pagkain nito, but fresh ang mga seafoods rito." Pinilit kong putulin ang sipit, pero biglang humawak ang kamay ni Hubert sa crabs na hawak ko.

Salubong ang kilay ko siyang tiningnan at binalewala lang naman niya iyon.

"There! Enjoy it. I think it is better kung couple kayong pupunta rito para ipagbukas ng crabs ang loved ones." Tumawa pa si Hubert at sandaling nilingon ang camera habang sinasabi iyon.

Kinuha ko ang sipit ng crabs na pinutol niya para sa akin.

Tumingin ako kay Direk na nasa hindi kalayuan at sinenyasan niya ako na ngumiti. Ngumiti naman ako ng sobrang pilit kay Hubert.

Huminga ako ng malalim at nag-focus na. Binasa ko ang natitira kong spills about sa lugar at price ng mga pagkain, pagkatapos ay doon na pinutol ang part na iyon. Nag-retake pa kami at nang ma-satisfy ang lahat sa take ay sama-sama nang kumain ang lahat. Hindi naman ako nakalipat na ng pwesto at katabi ko pa rin si Hubert.

"Here." Inilagay ni Hubert sa plato ko ang isang dish.

Napatingin ako sa mga kaharap naming staff na sandaling napatigil sa pagkain at napuno ng malisya ang mga mukha dahil sa ginawa ni Hubert. Awkward lang akong ngumiti sa kanila at nilingon ko si Hubert.

"Thank you, Hubert. Enjoy the rest of the day later, huh?" Nangngingitngit ang ngipin kong sinabi sa kanya pero pilit pa ring ngumingiti para hindi mahalata ng iba.

"Of course I will-ouch!" Tinapakan ko ang paa niya sa ilalim ng table. Sasagot ka pa ha.

Buong oras ng breakfast na iyon ay nagpapakauto lang siya. Kapag nalilingon ako sa kanya ay ngingiti siya at aalukin ako ng pagkain. Gagantihan ko naman siya ng pekeng ngiti at tatanggi sabay sipa sa paa niya.

Pagkatapos ng agahan ay nagbihis na kami para sa water activities na gagawin.

Sunod kaming pumunta sa El Nido. Sobrang ganda ng paligid at ang linaw talaga ng tubig. Sinubukan ko ang kayaking at na-enjoy ko ito, bigla nga lang sumingit sa pagre-relax ko si Hubert na sumakay rin ng kayak. Sa buhanginan ay may naiwan na cameraman na kumukuha sa activity at mayroon ding lumilipad na drone sa ibabaw namin.

"Sobrang nakakabagot naman ang show mo," sabi ni Hubert nang lumapit ang sinasakyan niyang kayak sa sinasakyan ko.

"Edi sana tinanggihan mong mag-guest dito!" Magkadikit na ang kayak namin, at pilit ko namang nilalayo ang sarili.

"Sayang, opportunity ko rin 'to para makasama ka." Tumingin ako ng masama sa kanya.

'Wag niya ako gamitan ng mga pang-manloloko niyang banat.

"Bakit ganyan ka na naman makatingin?" Tumawa siya. "Walang malisya 'yung sinabi ko."

"Wala akong pakialam!"

Tinulak ko ang kayak niya pero mabilis na humampas ang karma sa akin dahil tumaob ang sinasakyan kong kayak. Pag-angat ko mula sa ilalim ng tubig ay mapang-inis na tawa ni Hubert ang narinig ko.

"Hindi ko kasalanang tumaob ka ha." Nakangisi pa siya sa akin.

Lumapit ako sa kanya at tinulak siya kaya nawalan siya ng balanse at nalaglag din sa tubig. Ako naman ang mala-kontrabidang tumawa.

Hindi agad umahon si Hubert kaya naman nilingon-lingon ko ang paligid para tingnan kung nasaan na siya. May biglang humawak sa tagiliran ko at doon pa lang lumitaw sa gilid ko mula sa ilalim si Hubert.

"Seriously? Kulay puting swimsuit talaga ang suot mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Napakamanyak! Nakamahikling board shorts na ako at t-shirt, nasilip pa rin niya ang doble kong swimsuit.

"Bastos ka! Napakawalang-hiya mo, sinilipan mo ako!" Tinulak-tulak ko pa siya.

"Sinilipan? Technically, hindi ganoon ang nangyari, hindi ko kasalanan. Nasa beach tayo, hindi big deal na makita ang kulay ng swimsuit mo."

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Okay, fine! Para fair, ako naman ang silipan mo." Kumindat siya sa akin at pilyong ngumiti. Ang bastos!

Vanity AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon