Kabanata 31

60 3 0
                                    

May mga bagay na nagtatapos at nagsisimula. Ang isang bagay ay nagtatapos dahil kompleto na ang lahat ng kailangan at ang isang bagay ay nagsisimula dahil kailangan itong makompleto o matapos. Ang buhay ko? Hindi ko alam kung patapos na ba o magsisimula pa lang. Basta ang alam ko sa isip ko, ayos na ako. Pero kapag pandama o ang puso ang tinatanong ko, parang may kulang pa.

Sa tatlong taon na nakalipas maraming nangyari, lalo na sa akin. Pero hindi ko alam kung anong mga nangyari naman sa kanya. Kung naaalala pa ba niya ako.

Lumabas ako ng ospital at ilaw at mga flash ng camera ang bumungad sa akin.

"Miss Kelly, okay na po ba kayo?" tanong ng isang reporter.

"Oo, wala namang napinsala ng sobra sa akin."

Marami pang sumunod na nagtanong at ini-entertain ko naman sila. Pinagdaanan kong maging isang reporter kaya alam ko ang hirap na nararanasan nila.

"Kayo na ba ulit ang magho-host ng show mo?" Tumango ako sa nagtanong.

"Kaunting pahinga pa at babalik na ako sa hosting," dagdag ko pa. Ngumiti ako at walang humpay ang flash ng mga camera.

"Sa modeling career niyo? May bago nang nakakuha ng title mo Miss Kelly, babawiin mo ba ito?" Umatras ako ng kaunti dahil medyo gumugulo na ang kumpol ng reporters. Todo harang naman ang mga bodyguard sa akin.

"I'll try," sagot ko at hinila na ako ng aking manager papunta sa van.

"Kailan ka babalik sa show mo?" tanong sa akin ni Manager Gil nang makapasok kami sa van.

"Siguro next week na lang Gil," sagot ko naman at tumingin sa labas. Kitang-kita ko ang mga nagkakagulong media.

"Kung 'yan ang gusto mo," sabi lang naman niya.

Naging manager ko si Gil dahil kaibigan siya ni Tim, pero hindi naman katulad ni Tim itong Manager ko. Mas matanda lang ng isang taon sa akin si Gil kaya parang magkaibigan lang kami kung magtawagan.

Sa nakalipas na mga taon, nadiskubre ako ng iba't ibang tao. Dahil 'yon sa paglabas-labas ko sa mga news program at pagmo-modelo sa magazine nila Tim. Nabigyan na rin ako ng mga parangal at maraming mga endorsements. Kung titingnan, tulad ng sabi ng iba. Nasa akin na raw ang lahat. Pero parang hindi ganoon ang pakiramdam ko.

Pagkahatid sa akin sa bahay ay naabutan kong nagluluto na si Nanay Flor ng ulam. Simula noong naaksidente ako last week ay pinili na ni Nanay na rito manirahan, iyon din naman ang gusto nila Mama at Papa. Kakauwi nga lang nila kahapon e. Si Kelvin naman ay umuuwi rito sa bahay minsan at sa probinsiya rin. Isa na siyang COO ngayon sa isang kompanya ng kaibigan dito sa Maynila.

"Nay, nagpa-spa ka ba kahapon?" tanong ko kay Nanay Flor habang kumukuha ng tubig sa refrigerator.

"Hindi, may nilabhan ako kahapon e." Hinarap ko si Nanay.

"Bakit naman? Dapat pina-laundry mo na lang. O, baka naman hindi ka sinundo rito ni Kelvin?" Umiling siya.

"Sabi ko kay Kelvin, 'wag na. Sabay na lang tayo kapag okay na okay ka na Kelly," sagot naman ni Nanay at napangiti lang ako.

"Kung 'di lang ako naaksidente Nay, pupunta na tayo agad-agad roon." Tumawa naman siya at hinango na ang nilulutong sinigang.

"Kelly ha! Bawal ka muna mag-drive 'di ba? Sabi 'yan ni Gil," paalala naman niya sa akin.

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin Nay." Tumawa ulit ako at tiningnan naman niya ako ng masama.

"Ang tigas ng ulo mo! Ang tanda mo na e." Salubong na naman ang kilay ni Nanay Flor at nakakatuwa lang siya.

Vanity AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon