Chapter 5: The bachelor is inlove

361 11 7
                                    

"Dad?" I said while looking around.

Nagulat na lang ako ng nakita kong lumabas si Dad sa likod nung poste sa may sala. Bakit bigla akong natakot? Yung facial expression kasi ni Dad parang iba. Kinakabahan na talaga ako.

"Dad, is there something wrong?"

Pero nakatingin lang sakin si Dad. May bigla naman pumasok sa isip ko.

Hindi kaya may ibang nakakita sa nangyari sakin kanina at nireport kay dad?! Oh no! Kung ganon nga, I'm so dead! 

Baka ipa freeze niya lahat ng accounts ko!  Tapos tatanggalan ako ng allowance! Tapos hanggang sa wala ng matira sakin! No way! I can't imagine myself without money!  Tapos malalaman ng media yung almost "rape act" na nangyari sakin! Baka ipatapon niya ako sa ibang bansa! 

Pero hindi naman ganon kasama si Dad, baka naman grounded lang ako, tapos hindi na ako makakapunta sa bar. tapos kukunin niya sakin lahat ng gagdgets ko. Oh no! Yun lang naman ang libangan ko eh TT_____TT 

BAKA ITAKWIL NA AKO NI DAD!

Nagulat na lang ako ulit nung hawakan ni Dad yung shoulders ko, kanina pa pala siya nagsasalita hindi ko man lang napanisin, masyado akong naparanoid kakaisip ng mga mangyayare. Pero wag naman sana.

"Uhm yes Dad? Ano nga po pala yung sinasabi mo?"\

*sigh*

Huh?! Nag buntong hininga si Dad?! Alam ko ginagawa niya lang yon pag nahihirapan siya sa isang bagay. Tsk. Okay super curious na talaga ako >.<

"Dad! What's the problem?"

Hindi siya nag salita, instead lumakad siya papunta sa sofa, at umupo. Sumunod naman ako tsaka umupo sa tabi niya.

"You know that I love your mom so much right?" Okaaaaay? So what is reallt happening? I so hate the mumbling -_- Tapos hindi man lang siya makatingin sakin habang tinatanong yun.

"Of course Dad! And why are you asking this huh?"

*Riiiiiing Riiiiing*

Dad looked at me na parang nagpapaalam pa kung sasagutin niya ba yung tawag or what. Wala naman akong magagawa eh. Baka naman kasi something urgent yun at tungkol pa sa company.

"Go on" I said.

Tumayo naman si Dad lamabas ata ng bahay. Syempre sinagot niya yung tawag. 

Kaya eto nanaman ako, paranoid mode. Ano ba kasi yung sasabihin ni Dad?! Srsly, diba nakakaasar yung feeling na may sasabihin daw sayo tapos hindi naman matuloy tuloy. Ugh. 

Kaya lang, bakit ganon yung tanong niya? About kay Mom. So what's about mom? 

O.O

Hindi kaya, hindi kaya hindi si Mom ang totoo kong mom?! Hindi kaya anak ako ni Dad sa ibang babae? Waaaaa! That's possible! Diba ganon yung sa mga korean dramas?! 

Or worse, baka ampon lang ako! Grabe  na to. Mababaliw ata ako kakaisip.

Lalabas na muna ako, kailangan ko ng fresh air.

Nung nasa may pinto naman ako, naalala kong nasa labas nga pala si Dad, at ayon kausap niya pa din yung nasa kabilang line. Babalik na sana ako sa loob when I heard Dad.

"Don't worry Patrice, I'll tell her. Actually, I was about to tell her, kaya lang you called. Don't worry about it okay? I'm sure matatanggap niya to. I'll hung up okay? I need to talk to her"

Tumakbo na ko pabalik sa sofa. Matatanggap ko? Is this something big? Okay! I don't wanna think! Hintayin ko na lang si Dad ang mag sabi.

At ayon nga, mag katabi kami ulit ni Dad.

Way back into loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon