Condom

24.5K 83 3
                                        


Sobrang lakas ng trip ko talaga. Halos araw araw gusto ko may napapagtripan ako.

Isa nalang ang di ko napapagtripan. Ang crush ko, nahihiya kasi ako sa kanya. Masyado syang good girl at tahimik talaga. Kakausapin ka lang nya kapag nagtanong sya sayo o may tanong ka na sasagutin nya.

Napaka good boy ko nga sa kanya e.

"Hello kimberly"

Lagi ko syang binabati at nginingitian naman nya ako. Pero hindi pa ako naamin sa kanya na gusto ko sya. Kapag nagkaroon ako ng tamang oras ay liligawan ko sya.

Dumating ang acquintance.
Tuwang tuwa ang mga barkada kong ugok sakin .. Ang lalakas ng trip nila kasi may dala silang condom at inaalok nila ang mga babae sa party na sumubok daw non kung nagana ba talaga.

Tawa kami ng tawa sa mga reaksyon ng mga babae samin.

"Henry! Ano torpe ka pa rin ba? Ang ganda ni Kimberly ngayon oh! Isayaw mo naman..... Isayaw mo sa kama hahahahahahaha" Ani Kenneth. Ang malibog kong tropa. Tawa sila ng tawa.

"Mga gago... Alam nyo, yang si Kimberky, sya ang tipo ng babae na nirerespeto mga ugok." Sagot ko kaya sabay sabay silang nagtawanan.

"Hahahahaha di bagay sayo maging maginok pre. Maging bastos bagay na bagay hahahahahaha" Carlo

Nabatukan ko naman sya at natawa din hanggang sa matanaw ko si Kimberly na nag iisa dahil tinatanggihan nya ang ibang nag yayaya sa kanya ng sayaw.

Kung ako ba ang magyayakag sa kanya, tatanggapin nya?

Nag alinlangan ako pero nakita ko nalang ang sarili kong nasa tabi na nya...

"H-hi Henry... You look nice.." Bati nya sakin . Lumawak naman ang ngiti ko.

Kalalaki kong tao, kinilig pa ako sa kanya.

"Hello kimberly.... Ahmm.. You look gorgeous" nahihiyang sabi ko.

"Hehe. Di naman.... Salamat sa compliment" nahihiyang sabi nya saka umiwas ng tingin.

"Tara.... Sayaw tayo?" Napapalunok pa akong tumitig kay Kimberly.
Ngumiti sya sakin.

"Ikaw lang naman talaga ang hinihintay ko."  Nakangiting sabi nya. Sa puntong iyon, tuwang tuwa akong isinayaw si Kim pero habang nagsaayaw kami napi feel kong gusto nyang bumitaw.

"Bakit kimberly?" Nagtatakang tanong ko.

"Ano yan?" Inginuso nya ang nasa dibdib ko.

Dahan dahan akong napatingin.... Shit! Di ko pala naalis. Yung condom sa bulsa ng tuxedo black.

NW/ Young girls - bruno mars.

Napapahiya akong umiwas ng tingin.

"Condom yan diba? Akala ko pa naman mabait ka! Tsk. Dyan ka na nga." Marahan pa nya akong tinulak.

"T-teka... Hindi ito condom...."

"Ano yan?!" Inis na sabi nya

"A--- ano.... Bubble gum" napapakamot na ulo ko.

"Sige nga! Palobohin mo" maangas nyang sabi. Hiyang hiya ako sa kanya kaya binuksan ko ang condom at pinakita kung paano palobohin yon. Hanggang sa pumutok sa mukha ko.

*plaaak*

Pinagtawanan ako ng mga nakakita.

"At ngayon, kwits na tayo. Kung malakas ang trip mo sa mga babae, pwes mas malakas ang trip namin... Let's go girls." Sabi nya saka nag flip ng hair na umalis sa harapan ko.

Bigla nalang akong inakbayan ng mga tropa kong nagpipigil lang din ng tawa.

Kingina. Nabiktima ako ng mga babaeng yon ha! Shit. Bakit si Kimberly na crush ko pa? Saket men.



Lesson learned, wag pagtripan ang mga babae, mas masakit sila gumanti.

Moreyna's ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon