Bus

18.6K 51 3
                                    


Para siguro akong dwarf sa Liit.
Ako si Sheyeen Torres. Babaeng pandak. Hutaena.

Nagmamadali na ako para sa pagpasok sa school. Hassle sa LRT at MRT ngayon, kaya naman nag pasya akong mag bus.

7:30 na at 8 am ang klase ko, may 30, mins. nalang ako.

Kaya no choice ay sumiksik ako sa mga tao sa bus. Overload na nga kung tingnan, sa tingin ko nama'y maraming bababa sa terminal at glorietta mga 2 minuto.

So, standing ako sa bus.
No choice talaga. Sa mga nakaupong lalaki na estudyante palang naman ay wala ni isang nagpaka gentleman. Si psy nalang ata ang gentlemen sa ngayon. Hutaena.

Hanggang sa lumipas na ata ang sampung minuto. May chinitong matangkad ang umakyat sa bus, mukha pa syang nagmamadali at mukha syang masungit.

Napabilis naman ang preno ng hutaenang bus kaya naman napakapit ako sa kanya sakto. Mabilis akong tumayo at umayos. Hirap na hirap ako at pilit kong iniaabot ang sabitan sa taas para makahawak. Baka mamaya, mahulog na ako.

Maya maya pa ay nakatingin sakin ang chinitong lalaki at para bang pagtatawanan ata ako.

Subukan nya lang at babaugin ko sya. Pinilit ko pa rin ang sarili kong abutin ang kapitan ng bus pero ang hirap pala talaga kapag hindi matangkad.

Pero maya maya ay para akong tinulak sa gulat ng tumugto ang sinet na music sa speaker.

Chinito by Yeng Constantino tapos nagkatinginan kami ni Mr. CHINITO.

Para naman akong madudulas sa mga titig nya.

Oh shit! No no no. Puneeeet!

Lumapit sya sakin sa gitna ng sikip sa bus at ngayon magkatabi na kami.

Inabot nya ang hawakan sa taas ng bus at ngumiti sakin. Inaasar nya ba ako?

"Kumapit ka sa braso ko. Baka matumba ka at mahulog ulit. Mawala pa ang paningin mo sakin." Anya kaya naman nahihiyang kinikilig akong kumapit sa braso nya na naramdaman kong nagalaw pa ang muscles nya. Shit!

"Salamat"

Nakarating na ako sa school. Bumaba din sya doon. Nagkatinginan lang kami at nagkaroon ng awkwardness samin.

"You are?" Anya

"Sheyeen. You?"

"Calvin. Nice meeting you."

Natulala naman ako sa likod nyang ppapasok sa school.

Tinawag ako ni Jilan ang kaibigan ko kaya naman pumasok na kamj sa school. Sana makita ko ulit si Mr. Chinito. Hindi naman ako na late sa wakas and hindi ko pa kinukwento kay Jilan ang tungkol kay chinito.

Habang nangangarap ako sakawalan, at kinikilig pa rin kay Calvin, pumasok na si Miss Daine. At nag greet kami.

"Today, you will meet your Science teacher."

"Sheyeen. Yan ang sinasabi ni Miss Diane na gwapo."

"Gwapo? Do you mean, lalaki talaga ang teacher natin sa sayans?"

"Oyes. I'm so excited to meet him. Mag aaral akong mabuti." Ani Jilan. Tumawa lang kaming dalawa.

"Good morning."

*blink eyes*

Napapalunok ako sa titig ko sa kanya. It can't be. Sira na ang dreams ko. Naiiyak ako.

"Bakit ka naiyak, Sheyeen?" Usisa ni Jilan. Hindi ko sya tingnan pero diretso lang ang tingin ko sa nag good morning.

"Naiiyak ka siguro sa kagwapuhan ni sir no. He's really cute. I can't focus." Ani Jilan. Tumitili pa ito ng mahina.

"I'm Mr. Calvin Salvador. Your Science Facilitator."

At doon gumuho ang mundo ko.





TH END.

Moreyna's ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon