Do girls still appreciate long walks? Star gazing? Poems? Hand written letters? Flowers? Poetries? Street food dates? Anything a poor guy can afford? Do girls still appreciate this?Sabi ni Troy, gagawin daw niya 'yan once na magkita kami.
Nakilala ko siya sa KiK App.
Sobrang sweet and caring niya sakin, halos kalahating taon kami nagka usap. Hindi pa namin nakikita ang isa't isa.
Troy: Isang b'wan nalang makakaluwas kana dito sa Maynila! :))
Oo, tama kayo ng nabasa, ako mismo ang luluwas sa taguig para makita siya, galing pa ako dito sa Pangasinan.
Lagay na ang loob ko kay Troy. Actually kahit anong itsura niya ay tatanggapin ko. NBSB ako kaya naman natatakot pa ako pero dahil caring siya sakin at pinapayuhan niya ako sa mga problema, naging lagay ang loob ko sa kanya.
Me: Yes po. :)) Can't wait! Totoo bang may poems and hand written letters ka sakin?
Hinintay ko ang reply niya.
Troy: Yes! And star gazing din tayo.
Sabi ni Troy, hindi naman daw siya mayaman pero average lang kaya naman daw niya ako dalhin kahit sa Mall.
Me: yey!! Malalaman mo na din ang sagot ko sa tanong mo. ;)
Sasagutin ko na si Troy kapag nagkita kami. Sana magustuhan niya ako.
Sobrang na inlove ako sa personality ni Troy, kapag may nababasa akong stories sa wattpad ay siya ang nasa imaginations ko.
Kahit sa Chat lang kami nagkakausap ay sobrang saya ko na kahit wala akong alam sa itsura ni Troy.
Nag ipon talaga ako ng pamasahe makaluwas kang sa Maynila. Nagbenta ako ng mga gulay para doon.
Makalipas ang isang b'wan ay lumuwas na ako. Hindi ako mapakali habang nasa byahe. Gusto ko na siya makita.
Mahaba ang oras ng byahe kaya nakatulog ako, nagising nalang ako noong nasa Maynila na ako.
Chinat ko siya na nasa Dapitan ako. At nag reply naman siyang malapit na siya.
Sinabi ko ang kulay ng suot ko at ng bag ko.
Bumili muna ako ng Dirty Ice cream habang inaabangan ang pagdating ni Troy.
Troy: nandito na ako. Naka yellow dress ka tapos black na backpack?
Me: Opo ...
Mag kumulbit sakin, wala siyang dala na kahit ano. Medyo ngumiwi ako, gwapo siya pero may pagka bad biy, may hawak pa siyang yosi.
"Akala ko hindi ka naninigarilyo?" Tanong ko.
"Ikaw si Kendra?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo."
"Ah-- uhm may dala lang pera? Siksikan kasi sa bus, nahulog yung dala kong bulaklak at sulat tapos nadukutan pa ako ng wallet. Malas." Sabi niya.
"Paano ka nakabili ng yosi?" Tanong ko.
"Bigay lang--ng ano tropa ko nakasalubong ko."
Noong una medyo nagtaka na ako sa ikinikilos niya.
"Sure ka bang ikaw si Troy?" Nagtataka akong tinanong siya habang naglalakad kami papunta sa convinient store.
"Oo naman, Kendra. Itago mo ang cellphone mo sa bag mo baka ma snatch 'yan dito sa Maynila." Paalala niya.
Binasa ko ang labi ko at tinitigan siya. "Bakit, Kendra?"
"Sinasagot na kita, Troy." Wika ko.
Nanlaki ang mata niya. "Hmm- sa-salamat!"
Awkward niyang binuka ang braso niya at niyakap ako.
"Ang taba taba mo pala noh? Madami ka sigurong kinakain sa inyo, saka double chin kana, medyo mahirap 'yan. Malaki pa hita mo sakin. Triple ng sakin e."
Hindi ko alam pero nainsulto ako sa sinabi niya. Oo mataba talaga ako, as in FAT.
"Tara Jollibee? Sagot mo muna tapos kapag umuwi tayo sa bahay, bawi ako." Sabi niya.
Tumango nalang ako. Madami kaming inorder para bang gutom na gutom siya.
'Ay tingnan mo yung mag nanay oh gutom na gutom yung lalaki,' komento nung nasa kabilang table habang nakatingin sakin.
Napatitig ako kay Troy. Hindi siya ang lalaking inaasahan ko. Kumain lang muna kami, tahimik siya at walang balak na kamustahin manlang ang byahe ko.
Alam kong narinig niya ang insulto sakin nung nakain sa kabilang table pero wala siyang ginawa.
"Narinig mo ba? Ininsulto nila ako, Troy!" Reklamo ko.
"Hayaan mo na. Totoo naman e. Mukha tayong magnanay. Salamat sa pagkain ha." Sagot niya.
Gusto ko maluha nalang ...
"Cr lang ako." Paalam ko kay Troy.
Ngumisi lang siya at tumango.
Nang makapunta ako sa CR, pinagmasdan ko ang itsura ko, naka dress na dilaw tapos mataba, sabagay mukha nga akong nanay sa paningin nila.
Sana pala nagpa payat muna ako lara hindi ako mainsulto ng ganito.
Lumabas na ako sa Restroom pero paglabas ko, wala na ang gamit ko at si Troy.
Nanginig ang mga tuhod ko habang hinahanap.si Troy pero wala--- nasa bag ko ang Cellphone at Wallet ko.
Alam pa naman niya ang password sa cellphone ko dahil nagbigayan kami ng passcode.
Shit.
Hinanap ko siya pero wala na. Natangay na niya ang bag at pera ko. Lahat.
Simula noon, naging pulubi ako. Matabang pulubi. Dahil sa gutom, namayat ako pero hindi ko na ulit nakita si Troy.
The end.
