happy anniversary, seventeen [second]

211 11 5
                                    

...

- in which jihoon and seungcheol prepared a surprise for seventeen, as it is their 2nd anniversary.


052617




"J-ji," Mahinang tawag ni Seungcheol kay Jihoon na may iba namang ginagawa ngayon. "I-i need help." May binubuhat kasi si Seungcheol at mukhang hindi niya ito kakayanin.


"Shh! Baka magising sila." Mahinang saway naman ng nakababata sa kanya bago siya tulungan sa binubuhat na table, "Bakit kasi eto pa ang binuhat mo."



Pinwesto na nila ang table sa gitna kung saan may mat at nilagay na nila ang mga pagkain dito. Nasa rooftop sila naghahanda at 3 na ng umaga ngayon.



Sa totoo lang ay plano talaga ito ni Jihoon, kaya naman dapat ay gigisingin niya si Soonyoung para tulungan siya. Pero dahil nakita niyang pagod na pagod ang isa pang lider ay si Seungcheol nalang ang niyaya niya.



Masaya namang sumunod agad si Seungcheol habang tinatanong, "Tayo lang dalawa Jihoonie? Tayo lang ang magsusurpresa para sa kanila? Wah, ako talaga ang napili mo ah." Na iniirapan lang ni Jihoon.




Pagkatapos ng ilan pang pag-aayos ay naghanda na din ang dalawa. Maaga pa kaya naman hindi pa magigising ang mga kasama nila. Napagdesisyunan nila na umupo muna at tumingin nalang sa napakagandang langit na nasa taas nila ngayon.



"Jihoon.." mahinang tawag ni Seungcheol sa pangalan ng nakababata.



"Hmm?"



"Talagang nag-effort ka para dito, noh?"



"Siyempre." Nakangiti namang sagot ni Jihoon.



"Pinaghandaan mo talaga 'to?"



"Oo."



"Ah."


"..."

"N-nahihiya tuloy ako.." Mahinang sabi ni Seungcheol pero sapat lang para marinig ni Jihoon.

Lumingon ito sa kanyang hyung, "Hmm?"


"K-kasi..naghanda din ako para sa araw na 'to..." Nahihiyang sabi ni Seungcheol at napayuko ng bahagya, "Pero hindi kasing-ganda ng pinaghandaan mo.."



Natawa ng bahagya si Jihoon kaya naman napaligon si Seungcheol sa kanya. Nginitian niya lang ito bago sumagot, "Hyung, hindi mo naman kailangan mahiya. Kahit anong regalo, malaking bagay na samin 'yun. Sa totoo nga lang ay pinlano ko lang 'to nung nakita kitang gumagawa ng mga regalo para sa amin.."



"Isa kang tunay na leader, kaya wag kang mahiya. You've been the best leader for us hyung, and you will always be."




Napangiti nalang si Seungcheol sa sinabi ni Jihoon, "Okay na sana eh, kaso nag-english ka pa." Tumawa siya na sinabayan naman ni Jihoon.




"I missed this."



"Hmm?"


Rule ► jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon