Audrey's POV
*knock knock*
ano ba yun? ang aga-aga may kumakatok na sa labas ng kwarto. oh well, kung sino man yung kumakatok, then kumatok sila hanggang sa tanghali dahil hinding hindi ko yun bubuksan. sinira nila ang mahiwaga kong beauty sleep eh!
by the way, ako nga pala si Audrey Michelle Reyes. currently second year high school sa SM Academy. half korean half filipino. mabait, maganda, mayaman at may pagka suplada rin.
anyways, babalik na sana ako sa aking wonderful dreamland ng....
*BAM*
nagulat ako at tumingin sa may pintuan at...
"Waaahhhh!!!!! ang pintuan ko!!!!" sigaw ko ng makita kong wasak na wasak ang napaka precious door ko.
"hoy girl, ang drama mo naman!! eh pintuan lng yan!!" may nagcomment at nakita ko kung sino. si Nicole kasama sila Hanzel, Tricia and Freddie. mga barkada ko sila simula pa nung nag-da-diapers pa kami. close na close talaga kaming lima. same school na pinupuntahan at same subdivision na tinitirahan.
"anong ginagawa niyo dito? eh fyi hindi lng to basta-bastang pintuan! antique to teh! antique! ba't mo naman rin kase sinipa??" tanong ko sa kanila na napaluha parin dahil sa precious door ko.
"ewan ko sayo! and nandito kami dahil sasama ka sa amin." sabi ni Tricia
"huh? bakit? asan tayo pupunta?" tanong ko sa kanila
"sa may bagong open na cafe doon sa may park malapit sa subdivision natin." explain ni Hanzel
"asan yan?" tanong ko.
"hay naku, girl! mabuti pang magbihis ka na lang at pupunta tayo doon! ang dami mo namang tanong!" sabi ni Freddie
"ok, FREDERICO." sabi ko at inemphasize ko talaga ang real name niya na talagang hate na hate niya. susugod na sana siya sa akin ng bigla siyang hinila ni Tricia sa tenga at dinala sa sala.
"ok, so magbihis ka na. after 5 mins dapat bumaba ka na or else ikaw manlibre" threat nito sa akin. grabe naman! niyaya akong sumama doon sa cafe churva na bagong open daw tas ako manlilibre.
later.... ng nasa loob na kami ng newly-opened cafe...
"wahh!! ang gwapo ni mr.waiter! yung kumuha ng order natin! aketch na siya ok, girls! don't you dare agaw-agaw him to me" sabi niya habang turo-turo sa amin isa-isa
"para namang mapapasaiyo siya!" biro ko at tumawa kaming tatlo nila Nicole, Hanzel and Tricia habang binibigyan naman ako ni Freddie ng icy glare na for once walang effect sa akin.
later, dumating na ang mga order namin. siyempre nagkuwentuhan kami at nagbiruan. barkada kami diba? habang busying busy sila sa kakatawa, may napansin ako sa labas ng cafe. si Jake, boyfriend ko, na may kasamang babae. and inaakbay pa niya. inalis ko na lamang yun sa utak ko at inisip na siguro kapatid niya yun.
"tara! lakad muna tayo sa park!" yaya ni Nicole at dumiretso kami sa park.
sa park....
"um, guys, mag-c-cr muna ako." sabi ni Tricia
"grabe ka naman, pinsan! wala ka nag-cr nung nasa cafe pa tayo!" sabi ni freddie
"eh kasalanan ko ba kung bakit ngayon lang nagparamdam ang bladder ko?" tanong niya
"oh siya! sige na! mag cr ka na, tricia! sasamahan na lng kita" sabi ni Nicole at umalis na sila
"ako rin!" sabi ni Hanzel at sumunod doon sa dalawa
