chapter 2

61 4 0
                                    

Justin's POV

"hoy, bunso!! bumangon ka na!! first day of school mo ngayon malalate ka na!!" sigaw ng kuya ko habang binabangon ako

"ok, kuya!" sabi ko at dumiretso na sa banyo. naligo ako, then kumain tas nagbihis at umalis na. walking distance lng rin ang bahay ko to school. habang papunta ako sa school napadaan ako doon sa bahay nung babaeng yun. yung inabutan ko ng panyo. nakalimutan ko ngang kunin yung panyo eh! favorite ko pa naman yun dahil regalo ni kuya!

nasa school na ako at dumiretso sa classroom. buti na lng pumunta na agad ako dito nung sabado kung hindi mahihirapan talaga akong mahanap ang classroom ko dahil sa sobrang laki ng paaralan

"good morning ma'am, ito ba yung class C-A?" tanong ko sa isang guro na napansin ko.

"are you, Justin Ramos? yung new student?" tanong ni ma'am

"yes, ma'am." sagot ko

"ok, wait here for a while. by the way, i'm ma'am Jennifer, your adviser" bati sa akin ni ma'am

5 mins later..... pumasok na rin ako sa classroom.

"good morning, I'm Justin Ramos. nice to meet you all" bati ko sa kanila while showing my killer smile and i swear, lahat ng mga babae nagtinginan sa akin. seriously, ganito ba talaga ako kagwapo?

"ok, mukhang hindi matatangal ng mga girls ang mga mata nila kay Justin. oh sige na, Justin, umupo ka na doon sa likod katabi ni Audrey." sabi ni ma'am habang tinuturo yung babaeng nakita kong umiiyak at pinalayas ako na hindi man lng binalik ang panyo ko.

whole period ko siyang kinukulitan. tinatanong kung galit pa ba siya sa akin o di kaya sa mga lalake, pero dedma eh. grabeng babaeng to kung mangdedma. parang si kuya, kung mag-aaway kami.

and sa wakas, dumating na rin ang recess. sinundan ko na lng yung si Audrey aka Miss dedma. buti nga lng hindi siya sumama sa barkada niya, i've got my chance para kulitin siya sa mga tanong ko.

nasa swimming area na kami nun. i mean, ako since sinusundan ko lng siya. napansin ko siyang umuupo lng doon na may parang iniisip. siyempre ako na may lahing professor X nalaman agad kung anong iniisip.

"huwag mo ng isipin ang lalakeng yun" sabi ko sa kanya. seriously ano bang pakialam ko sa kanila? di ko alam kung ba't ako worried sa babaeng to eh!

"ha? anong pinagsasabi mo? at sino ang lalakeng tinutukoy mo?" tanong nito. wow, galing niyang mag-acting ah!

""tsk! eh ano yung sinisigaw mo nung una tayong nagkita?" sabi ko.

"kailan?" tanong niya ulit. wow, and the oscar goes to...

"sira! yung inabutan kita ng panyo!" binatukan ko na talaga ang best actress.

"hey! wala kang karapatan para batukan ako, ok! and isa pa, nagpa-practice lng ako for our presentasion sa dramatics club next month, ok!" sigaw nito at nagwalkout. 

wala na akong ginawa kundi inexplore ang swimming area. nalaman kong swimmer pala yung best actress. hindi halata sa hitsura eh, kaya nakakatawa isipin.

natapos na rin ang recess then nag class na naman. and kaya nung kanina pinakilala ako ng mga teachers at ang mga girls, tumitingin sa akin. haays, one of the disadvantages of being handsome!

then nag proceed na sa mga lessons. galing rin naman ng oras, kung kailan ako unang pumasok dito kailan pa kami binigyan ng sandamak na mga assignments!!

oh well, sa bagay diligent naman ako kaya kong gawin ang sandmak na assigments na to sa isang araw lng noh! de joke lng, to tell the truth pinaghahati ko ito sa kuya ko at sa katulong namin. siyempre babayaran ko sila or ililibre. at sila naman pumpayag.

since wala na akong magawa at uwian na rin dumiretso na ako sa bahay

pagpasok ko pa lng sa bahay sinalubungan na agad ako ng isang suntok. slight lng siya. 

"bunso, musta ang first day? may chicks ba?" tanong niya. grabe si kuya, playboy. kailan ba kaya to seseryoso sa isang babae?

"marami, kuya! meron ring mga manok, for sale yun, gusto mo bilihin ko para sayo?" biro ko sa kuya ko at siyempre sinuntok na naman ako. pwede na siya maging boxer!

"ito naman si kuya! nagbibiro lng ok!" sabi ko. sakit ng suntok niya

"ok, bunso! by the way aalis muna ako, hahanap lng ng chicks sa club! bye bunso" sabi niya tapos umalis na ng bahay.

~ring ring ring ~

"hello?" sagot ko

"Justin?" - Jess

"Jess? bakit ka tumawag?" - Ako

"wala lng kinakamusta ko lng ang kapatid ko! bakit bawal?" -Jess

"hindi naman" - ako

"anyways, may favor sana ako sayo. pwede?" - Jess

"sure! ano man?" - ako

"um, may kilala ka bang Audrey Reyes?" - Jess

"um, oo" - ako

"good! dahil ako and yung kuya niya aalis magbabakasyon, i want you na pumunta doon sa bahay nila and magstay ka. bantayin mo si Audrey yung kapatid niya." - Jess

"um, sure. anything." - ako

"yes! expect me ther in 15 mins!" - Jess.

ok. si Audrey Reyes aka miss dedma ay babantayin ko???

i'm so dead!!

Lord, help me!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My SuperheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon