Chapter 1 - Old Goodies Kalinga

269 3 0
                                    

Chapter 1 - Old Goodies Kalinga

ATASYA

"Tasya, Tasya, Mahal kong Tasya, kanina pa ako naghahanap sayo andito ka lang pala" Sabi ni Gilbert, kita ko na hingal na hingal siya habang dala dala ang isang kumpol na rosas sa kanyang kaliwang kamay.

Si Gilbert Baltazar ay kapareho kong hindi nag-asawa, nauna lang siya sa akin ng isang buwan dito sa Old Goodies Kalinga.

Sabi ni Jona, tahimik lang si Gilbert palagi nalang nakatulala at lumilipad ang isip, pero nagbago ang lahat nung makilala at makita niya ako.

Ang dating walang kibong matanda naging makulit at madaldal ng masilayan niya ako.

"Gilbert ang tanda mo na, ang tanda na natin at isa pa wala na akong balak sa mga ganyang bagay" sabi ko dito.

Lumapit siya sa akin, ibinaba ang hawak niyang rosas sa lamesa at umupo sa tabi ko.

"Tasya matatanda na nga tayo, pero hindi naman masama na umibig ako sayo hindi ba?" Sabi ni Gilbert.

"Konting sandali nalang ang natitira sa akin at malapit na akong mamaalam sa mundong ito, gusto ko lang maranasan na kahit papaano ay maging masaya sa mga huling sandali ng buhay ko" makahulugan niyang sabi.

"Pero Gilbert, hindi ko alam pero hindi natuturuan ang puso, dahil yung puso ko isa lang ang tinitibok nito, siya lang yung lalaking tanging mamahalin ko kahit na mabuhay ako sa ikalawang pagkakataon" naramdaman ko ang butil ng luha na tumulo sa aking mga mata.

Naramdaman ko din ang kamay ni Gilbert na hinagod ang likod ko.

"Tahan na Tasya, papanget ka niyan pag-umiiyak ka" natatawang sabi ni Gilbert.

"Pero kahit may-ibang nag mamay-ari sa puso mo, hindi pa din ako titigil, darating din ang araw na ako ang magiging laman ng isip mo at puso mo" Tumayo si Gilbert at naglakad palayo, iniwan niya ang dala niyang rosas.

Napatingin ako sa mga rosas sa lamesa, halos kapipitas pa lamang ng mga ito.

Ang rosas ay nahahalintulad sa isang tulad ko, sa una maganda at masaya pero darating din ang panahon na malalanta at matutuyot ito tulad ng buhay ko ngayon.


***

"Pumila na po kayo mga Nanay at Tatay dahil magsisimula na po ang ating ehersisyo" masayang sabi ni Denise, isa sa mga caretaker ng Old Goodies Kalinga.

Lumapit na ako sa pila at natanaw ko si Gilbert na kumakaway sa akin, inirapan ko nalang siya at pumunta sa pwesto kung nasaan si Jona.

"Aba Tasya narinig ko kay Marissa na tinanggihan mo ulit si Gilbert" bungad ni Jona sa akin.

Si Jona Romero, siya ang pinakamalapit kong kaibigan simula ng mapunta ako dito, siya ang unang lumapit sa akin para ako ay kaibiganin niya.

Masayang kasama si Jona napakadaldal at alam niya lahat ng bagay sa Old Goodies Kalinga.

Mga usapang kabitan, buntis na anak at iba pa.

"Napaka ingay talaga niyang si Marissa" tanging nasabi ko nalang.

"Mga amiga, maglalaro pala kami ng tong-its mamaya kayo ba ay sasali?" Tanong ni Miranda.

"Aba syempre naman alangan kayo lang magsaya dapat lahat tayo" natatawang sabi ni Jona.

Maya maya ay narinig na namin ang masayang tugtog sa entablado, nasa harap na si Denise.

"Gayahin niyo lang po ako mga nanay at tatay" masiglang sabi niya.

Nagsimulang mag-ehersisyo si Denise at sinabayan naman namin ang galaw niya, medyo hirap na akong yumuko pero pinilit ko pa din dahil ang sabi nila mas tatagal daw ang buhay ng mga matatanda kung sila ay palaging mageehersisyo.

Lunes ng umaga ngayon, ganito palagi ang ginagawa sa Old Goodies Kalinga, mag eehersisyo kada umaga pagkatapos mag-almusal, pagkatapos nito ay maraming aktibidates pa ang gagawin, tulad ng pagpipinta, pagtatahi, pagluluto, pagtatanim.

"Tapos kana ba sa tinatahi mong blusa Tasya?" Tanong ni Jona.

Kakatapos lang ng aming ehersisyo at nakaupo kami sa upuan, isa isa na din nag aalisan ang mga kapwa namin upang pumunta sa kani kanilang aktibidades.

"Nahihirapan nga akong magtahi dahil napakaliit ng karayom" reklamo ko.

"Aba patignan mo na mata mo baka nabubulag kana" sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy kumatok ka baka magkatotoo yang sinasabi mong matanda ka" bulyaw ko kay Jona.

"Ito naman binibiro lang kita ay tara na nga baka inaantay na tayo nila Miranda, teka Tasya may mamiso ka ba jan?" Tanong ni Jona sa akin.

"Aba sa akin ka pa nagtanong wala nga akong kapera pera dito" natatawa kong sabi.

"Ay Halika na nga"

Old Goodies Kalinga

Ang tirahan kung saan nilalagay ang mga matatanda na hindi kayang alagaan, ayaw alagaan o pinabayaan na ng kanilang mga kaanak.

Hindi ko alam kung anong dahilan bakit ako napadpad dito, dahil wala akong maalala.

Pero yung puso ko pilit na may hinahanap.

Pero alam kong huli na ang lahat, hindi ko alam kung babalik paba ang memorya ko at kung buhay pa ang taong tinitibok ng aking puso.

Sabi ni Denise ang nangangasiwa ng Old Goodies Kalinga ay natagpuan lang nila ako na walang malay sa isang kalsada.

Sinubukan din nilang hanapin ang pamilya ko kung talagang meron ako, pero bigo silang mahanap ang lahat.

Isang taon na ako dito tumutuloy pero sa hindi ko maipaliwanag na pagkakataon, may mga pangyayari na hindi ko inaasahan na mang-yayari sa akin.

To be continued...

Back at Time: When I Still Have A ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon