Chapter 2 - Hiling
ATASYA
"Hay naku ang swerte mo naman ngayon Tasya" reklamo ni Marissa.
"Ngayon lang naman ito, o siya tayo ay maghapunan na anong oras na din" ibinababa ko na ang hawak kong baraha at niligpit na ang ginamit namin sa pag-totong its.
"Magkano na panalo natin?" Nakangiting tanong ni Jona.
"Ano kaba mamiso lang namanang tayaan" tatawang sabi ko.
Kanina pa kami naglalaro ng baraha at kanina pa ako nananalo, hindi ko alam pero ang swerte ko ngayong araw, hindi din ako kinulit ni Gilbert.
Siguro ay nagsawa na din kakasuyo sa akin.
Napatingin ako sa bintana at nakita ko ang buwan na napakaliwag animo nagpalit ito ng anyo at kulay, kalahating pula at itim.
Sabi nila pag ganitong anyo ng buwan ay maari kang humiling ng kahit ano, pero hindi lahat ng naisin mo ay makukuha mo ng walang kapalit.
Hindi ko alam ngunit sa sandaling ito, pumikit ako ng taimtim at humiling.
-
Patuloy ako sa pagtakbo, hingal na hingal at hindi ko na alam kung saan ako tutungo.
Nakita ko sa aking likuran ang mga kotseng sumusunod sa akin, nanlalabo na ang patingin ko at ilang beses na akong nanalangin upang hindi nila ako maabutan.
Pero naramdaman ko nalang ang katawan ko na parang nabunggo ng isang rumaragasang bagay at nawalan ako ng malay pero bago ko maipikit ang mga mata ko narinig kong nagsalita ang isa.
"Patawad Tiya, ginawa ko lang ito para makuha ko agad ang manang ipapamana mo sa akin"
Napabalikwas ako mula sa aking kinahihigaan, pawis na pawis ako at sinipat ang ulo ko.
Nanaginip ako ng masama.
At meron daw akong Pamangkin, kumirot nalang ang puso ko sa aking napanaginipan, napakasakit isipin na ang mga kamag-anak ko pa ang dahilan kung bakit ako andito kung bakit wala akong alaala.
Bumangon ako at bumaba para uminom ng tubig, dahan dahan akong naglakad upang hindi ko maistorbo ang mga kasama ko sa kanilang mahimbing na pagtulog.
Pagbaba ko nadatnan ko si Gilbert nakatulala at parang balisa, gusto ko sana siyang tanungin kung anong problema niya, ngunit baka ako naman ang guluhin niya, at anong oras na.
Kumuha nalang ako ng tubig at uminom ng tahimik. Nabasag ang katahimikan ng imikan ako ni Gilbert.
"Bakit gising ka pa Tasya?" Tanong ni Gilbert
Ang bastos ko kung hindi ko siya kakausapin.
"Nagising ako, nanaginip ako ng masama" sagot ko.
"Ano naman napanaginipan mo?" Tanong niya muli.
Nakatingin na siya sa akin at kita ko na walang bahid ang pisngi niya ng pagngiti.
"Ang dahilan kung bakit ako nandito."
"May naalala kana?" Umiling ako bilang sagot.
Umupo ako sa tabi ni Gilbert at tumingin sa nakabukas na bintana sa tapat namin.
"Naniniwala kaba na pwede kang humiling pag nakita mo na iba ang anyo ng buwan?" Tanong ni Gilbert sa akin.
"Narinig ko lang ito mula sa aking mga magulang, nung una hindi ako naniniwala sa mga sabi sabi nila pero hindi naman masamang subukang humiling ng ikalawang pagkakataon" makahulugang sabi ni Gilbert.
Napatingin ako sa buwan, inalala ang ginawa kong hiling kanina.
Hinihiling ko na sana makabalik ako sa nakaraan upang maayos ko ang lahat, mahanap ang taong tinitibok ng aking puso kahit hindi ko ito maalala at makasama siya habang buhay.
-
"Tasya para sayo rosas" nakangiting bungad ni Gilbert.
Ang bilis naman magbago ng timpla ni Gilbert, kagabi lang nagkausap kami ng seryoso pero ngayong umaga bumalik na naman sa pagiging makulit.
"Ang haba naman ng buhok ng kaibigan ko, tanggapin mo na yan, si Gilbert pa mismo ang pumitas niya sa Hardin" kinikilig na sabi ni Jona.
Agad akong tumayo at umakyat sa taas.
Hindi na din ako bumaba para mag- almusal hindi ko alam pero wala akong gana para sa mga ganyang bagay, pag nakikita ko si Gilbert may malabong memorya ang napasok sa isip ko at bigla nalang titibok ng husto ang puso.
Ibig sabihin meron nang nagmamay-ari ng puso ko.
At ayokong pagtaksilan ito, hindi man ako nakakaalala pero alam ng puso ko na hindi dapat ako maghanap ng ibang mamahalin.
"Oh Tasya kanina ka pa hinahanap ni Gilbert
Hindi ka daw niya nakita nung almusal sa baba" Sabi ni Jona sa akin.
"Aba yung matanda talaga na yun ayaw akong tigilan" naiinis kong sabi kay Jona.
"Ay hayaan mo na, dalaga ka naman at binata naman si Gilbert, tsaka bilang nalang yung mga araw natin sa mundong ito"
Tumingin ako kay Jona at napatingin din siya sa akin.
Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
"Mahirap mabuhay ng mag-isa Tasya, nagsisisi ako na kung hindi ko iniwan yung pamilya ko at pinagpalit sila sa isang lalaking iiwan din ako sana nagabayan ko ang mga anak ko na lumaki sana masaya ako ngayon sa piling nila, sana sa mga huling sandali ng buhay ko kasama ko sila" makabuluhang sabi ni Jona.
"Tumahan kana aba, tsaka ano naman kinalaman niyan kay Gilbert at sa akin? Hindi ko siya Gusto Jona. Dahil isa lang ang nilalaman ng puso ko"
Kung totoo ngang may milagro, hinihiling ko na sana, pag-bigyan ako.
Sana bigyan ako ng pagkakataon na makasama ko yung taong pinakamamahal ko.
Kahit anong kapalit ibibigay ko.
Kahit na ang buhay ko.
To be continued....
BINABASA MO ANG
Back at Time: When I Still Have A Chance
Romance"Kahit anong kapalit, kahit pa buhay ko, makasama ko lang ulit siya"