Prologue
Old Goodies Kalinga
Dito dinadala ang mga matatandang wala nang gustong mag-alaga, mga matatandang pinabayaan ng mga anak o hindi kaya ang mga matatandang walang pamilya, mga walang asawa na ayaw alagaan ng kanilang mga kamag-anak. Tulad ko.
Andito ako sa balkonahe ng shelter, pinagmamasdan ang mga patak ng ulan.
Ilan taon na kaya ang lumipas, simula ng huli ko siyang nakita?
Yung huling sandali na magkasama kaming masaya.
"Oh Tasya! Kanina ka pa hinahanap ni Gilbert! Hindi ka daw niya nakita nung almusal sa baba" Sabi ni Jona sa akin.
"Aba yung matanda talaga na yun ayaw akong tigilan" naiinis kong sabi kay Jona.
"Ay hayaan mo na, dalaga ka naman at binata naman si Gilbert, tsaka bilang nalang yung mga araw natin sa mundong ito"
Tumingin ako kay Jona at napatingin din siya sa akin.
Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.
"Mahirap mabuhay ng mag-isa Tasya, nagsisisi ako na kung hindi ko iniwan yung pamilya ko at pinagpalit sila sa isang lalaking iiwan din ako sana nagabayan ko ang mga anak ko na lumaki sana masaya ako ngayon sa piling nila, sana sa mga huling sandali ng buhay ko kasama ko sila" makabuluhang sabi ni Jona.
"Tumahan kana aba, tsaka ano naman kinalaman niyan kay Gilbert at sa akin? Hindi ko siya Gusto Jona. Dahil isa lang ang nilalaman ng puso ko"
Kung totoo ngang may milagro, hinihiling ko na sana, pag-bigyan ako.
Sana bigyan ako ng pagkakataon na makasama ko yung taong pinakamamahal ko.
Kahit anong kapalit ibibigay ko.
***
BINABASA MO ANG
Back at Time: When I Still Have A Chance
Romance"Kahit anong kapalit, kahit pa buhay ko, makasama ko lang ulit siya"