Thought # 2

112 52 13
                                    

Sana inuna kita..

Andito ako sa kwarto, iniisip na aalis kana mamaya.

Iniisip ko palang na aalis ka, hindi ko na nakakaya.

Aalis ka? Kelan ka babalik? Matagal pa.

Nakakapang-sisi yung mga araw na sinayang ko noong matagal ka pa aalis..

Sana sinulit ko 'yong mga araw na iyon..

Sana hindi kita binalewala..

Sana inuna kita..

Kesa sa mga lakad ko kasama ang mga kaibigang nanjan lang sa tabi tabi..

Na hindi malayo saakin..

Sana inuna kita kase panandalian lang pala kita makakapiling..

Lumabas ako ng kwarto para yakapin ka, nagulat ako nang nakita ang iyong mga mata na may halo- halong ekspresyon:

lungkot at saya.

Matagal na panahon pa ang hihintayin bago ko ulit makita yang mapungay mong mata.

naluha ako nang bigla mong sinabing, "wag kang mag-alala, babalik pa naman ako eh. magba-bonding na tayo nun."

hindi ko mapigilan at bigla na lang lumabas sa bibig ko ang salitang, "Im sorry."

Matagal na panahon pa ulit ang hihintayin bago kita makapiling muli.

๑乛◡乛๑

Vote, Comment, and Follow! 💗💋

1 AM THOUGHTS.Where stories live. Discover now