Thought # 32

16 2 0
                                    

Ang Huling Paalam

dito na nagtatapos
ang ating pagkakaibigan
nakakalungkot lang
na hindi na nadugtungan

nais kong sabihin sa iyo na
masaya ako
kahit na masaya ka sa iba

nagpapasalamat ako sa mga bago mo
dahil napapanatili nilang masaya ka

oo, alam kong masaya ka na
kaya hindi na kita aabalahin pa
hindi na ako mangiistorbo pa

sa lahat ng aking sinulat
ito ang pinakamahirap

dahil naaalala ko ang mga alaala natin
na laging nasusulit

pero teka, bakit parang may luhang pumapatak?
kahit kelan hindi ako naiyak sa mga ganitong bagay

masakit mang gawin pero kailangan na kitang kalimutan
salamat sa lahat ng ala alang iyong binigay

ito ay mananatiling alaala nalang
alaala na hindi na muling mababalikan

salamat sa pagbibigay ng payo saakin sa tuwing ako'y nangangailangan
sa tuwing ako'y namomroblema

andito lang ako parati kung kailangan mo ng makakausap
hinding hindi kita iiwan
hinding hindi ako mawawala sa tabi mo

maging masaya ka sana sa buhay mo ngayon

kahit wala ako, alam kong magiging masaya ka na

naririnig ko palang iyon ay parang dinudurog na ang puso ko

ayoko mang tapusin ang pagkakaibigan natin
pero sa tuwing aayusin ko ito, ay parang baso'ng nabasag na hindi na mabuo buo

nakakapagod rin palang mag antay

salamat sa lahat

sa dinami dami ng aking pabirong paalam sa iyo,
ito na siguro ang magiging huli

ito na ang aking huling paalam

salamat

1 AM THOUGHTS.Where stories live. Discover now