Thought # 11

35 11 2
                                    

Tuluyan ka nang nawala

Naalala mo pa ba, noong una tayong nagka-usap?

Ang saya nun.

Andami dami nating napag usapan.

At yung araw na rin na yon, nagpuyat tayo.

Nag-usap tayo hanggang madaling araw.

Hanggang sa umabot na tayo nang isang buwan na nag uusap.

Ay mali, aabot pa lang. SANA.

Hindi na nadugtungan ang pag-uusap natin.

Dahil bigla ka nalang hindi nag-paramdam.

Anong nangyari?

Ginawa ko ang lahat ng pagpapapansin sayo, pero walang epekto.

Nagsawa ka na siguro saakin.

Nagsawa ka na siguro sa kakulitan ko.

Noong una, masakit.

Pero ngayon, nasasanay na ako na walang kausap na katulad mo.

Nasasanay na ako na wala ka.

Kaya ngayon, kalilimutan na kita.

Sana maging masaya ka sa buhay mo.

Salamat sa halos isang buwan na kwentuhan.

Paalam, Elijah.

('o̶̶̷ᴗo̶̶̷')੭✧

VOTE, COMMENT & FOLLOW! 💗💋

1 AM THOUGHTS.Where stories live. Discover now