10

160 10 2
                                    

Kylie's POV

Waaah! Ang sarap matulog. Bumaba na ako at kumain kung ano ang makakain ko.

"Good morning, Kylie." Bati ni mama. Oh, by the way, kailangan daw mag make up ako pero light lang sabi ni mama ._.

"Good morning din po, ma." Sagot ko at kumain na agad ako.

Pagkatapos kong kumain, naligo na at gaya ng sabi ni mama, mag make up daw ako kahit light lang.

Tinuruan din kasi ako ni Tita Janine magmake up eh.

Kinuha ko na yung bag ko at nagsuot ng heels .-.

Nagdala din ako ng flat shoes, ikaw kaya pagsuotin ng heels buong araw tapos first time mo pa, masakit yun.

"Ma, alis na ako." Sigaw ko at naglakad na ako papunta sa campus. May kotse naman ako kaso bawal ko pang gamitin, next month pa kasi ako magiging 18.

Nung nandun na ako, binati ko sila Aira, Jean, Gwen at Yanna. Nagulat naman sila kaya naconfused ako.

"Hi..?" Awkward na sagot nila.

"Sorry ah, pero.. Do we know you?" Biglang tanong ni Aira kaya lalo ako naconfused.

"Of course you guys know me -_- Hello? I'm your friend. Kylie Mendoza." Sagot ko naman at lalo silang nagulat.

"Ky.. Kylie?! Ikaw ba talaga yan?!" Gulat na tanong ni Gwen.

"Ay hindi, si Seulgi to. -_-" Pilosopo kong sagot.

"Homaygulay ka bhe. Kelan kapa naging bagong tao?" Tanong ni Jean.

"Huh? Hindi naman ako nagbago ah, mukha lang." Sagot ko.

"Weeews. Tignan mo nga naka-heels ka, tapos kamukha mo na si Seulgi!" Sagot ni Yanna.

"Ang sakit nga sa paa magheels eh! Hawakan mo nga, magf-flat shoes nalang ako." Sagot ko at hinubad ko yung heels at sinuot yung flat shoes.

"Thank you! Tara na?" Yaya ko sakanila at naglakas na kami sa hallways. Wow, ano ako peymus? Ang dami kasing nakatingin saakin eh.

Nauna nang pumunta sa room sila Aira kasi ilalagay ko pa tong high heels ko sa Locker ko.

Pagtapos nun, naglakad na ulit ako. Biglang may lumapit na lalaki saakin.

"Hi miss!" Sabi nung lalaki.

"Hello." Simpleng sagot ko.

"I'm Jake Wang by the way. What's your name?" Tanong nung 'Jake' daw.

"Uh.. I'm---" Naputol naman ako nung biglang may umakbay saakin at may nagsalita.

"Yo Jake! This is my girlfriend." Girlfriend? Kapal ng mukha! Sino kaya to? Tumingin ako dun sa 'Boyfriend' ko daw at si..

"Alex?" KYAAH!! Si alex nga!!!

"Oh.. boyfriend mo sya?" Tanong nung Jake.

"Ah.. ano.." Ano ba ang dapat kong sabihin?

"Babe, Let's go?" Bigla naman ako hinila ni Alex.

Pumunta na kami sa room, ng sabay with matching holding hands!! Kenekeleg se eke.

Umupo na ako at tumabi sya saakin.

"Dapat hindi ka nakikipag-usap dun kay Jake. Playboy yun eh. Baka mamaya maging crush mo yun tapos ipagpapalit mo ako dun." Nagpout naman sya. Yiee!! Nagseselos si Alex!!

"Ha? Hindi kita ipagpapalit ah! Pero gwapo naman yung Jake at hindi naman sya mukhang Playboy eh." Sagot ko at sinamaan nya ako ng tingin.

"Akala mo lang. Basta! bilang crush mo, hindi ka pwedeng mainlove kahit kanino maliban saakin." TENGENE KENEKELEG NE SE EKE!!!!!

"Okay, boss!" Nagsalute ako sakanya at umupo na sya sa upuan nya.

Ganto pala ang feeling ng pinapansin kana ni crush? Ang pogi nya talagaaaa!!

crush ; p. jm x k. sgWhere stories live. Discover now