Kylie's POV
5 months. 5 months na kami ni Jake, nung first week na kami, ansaya ko. Lagi syang sweet, pero nung tumagal. Nagiging cold na sya, parang lahat ng pinagsamahan namin nabalewala na sakanya.
"Uy, kylie! Okay kalang?" Si Aira unnie lang pala. Hindi unnie, Hindi ako okay. Nasasaktan na ako.
"Ha? Ah.. oo naman hehe." Ngumiti nalang ako, ngiting pilit.
"Kylie, wag kang magagalit ah." Napatingin naman ako kay unnie.
"Huh?" Sagot ko naman, hindi sya makatingin saakin eh.
"Ano kasi.. ahm.. nakita ko si Jake.. kasama si.. ano.. si.. J-Jamaica.." Tssk, sanay naman na ako eh. Sanay na sanay na ako!
"Jamaica? Ah, wala magkaibigan lang daw sila sabi ni Jake." Sagot ko naman. Oo, magkaibigan sila. Magka-ibigan.
"Magkaibigan? Kylie, wag mo akong gawing tanga! Magkaibigan lang ba sila, eh naghahalikan nga?! Alam ko kung ano ang nangyayari sa relasyon nyo ni Jake! Please naman kung hindi mo na kaya, hiwalayan mo na! Kaibigan mo ako, kylie at Tinuturing na kitang kapatid. Ayokong nakikita kang nasasaktan." Pasigaw na sagot nya. Hihiwalayan ko na ba sya? Kaya ko bang hiwalayan sya? Hindi eh. Hindi ko kaya, mahal ko sya eh.
"Kaya ko pa naman unnie eh, hindi ko sya kayang hiwalayan kasi mahal ko sya. Mahal na mahal." Ngumiti nalang ako at umalis sa harapan nya.
Ang sakit. Sobrang sakit na. Ayoko na talaga pero hindi ko magawang hiwalyan sya. Siguro nga tama yung sinabi ni Alex saakin dati, Playboy si Jake. Sana pala hindi ako pumayag na ligawan nya ako. Sana pala si Alex nalang yung minahal ko.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Jake. Ang daming nakapalibot na babae sakanya. Napapangiti nalang ako minsan, kasi minsan.. nari-realize kong sobrang tanga ko, bakit ko pa sya sinagot?
Lumapit ako sakanya at hinila sya.
"Yah! What's your problem?!" Huminto kami sa Puno.
"Ano ba, kylie?! Bakit mo ako pinunta dito?" Tssk, nagtatanong kapa!
"Hindi.. ko na kaya." Yes, hihiwalayan na kita.
"Talaga? Ako din eh, hindi ko na kaya! Ayoko na sayo! Hinihintay ko lang naman na hiwalayan mo na ako! Buti nalang pinakawalan mo na ako! Ayoko na kasi sayo! Ang boring mo! Kapag gusto kitang halikan, sinasabi mong bawal! Pasalamat ka nga at pinagtyagaan kita eh! Let's end this boring relationshit!" Pagkatapos nyang sabihin yun, iniwan nya na ako dito. Hindi ko alam na ganun sya ka sama!
Umupo ako at sumandal sa puno habang umiiyak. Ang drama ko, bakit ko ba sya iniiyakan?! Bakit ba ako nagpakatanga?!
Habang umiiyak ako, may lumapit saakin. Hindi ko na alam kung sino kasi ang blurred ng paningin ko dahil umiiyak ako.
"Ang tanga naman nung tao na yun, may prinsesa na sya, sumama pa sa bruha." I know that voice. Inalok nya yung panyo nya.
Tumingin ako sakanya.
"A-Alex.." Ngumiti sya saakin at umupo sa tabi ko.
"Diba sabi ko sayo, maghihintay ako." Ngumiti ulit sya.
"S-sorry.. sorry kung iniwasan kita.. akala ko.. hindi na kita mahal.."
"Ssshh. You don't need to be sorry. Ako nga dapat ang magsorry kasi ang tanga ko para pakawalan ka." Hinawakan nya naman yung kamay ko.
"Wag ka na ngang umiyak, ayokong nakikita kang umiiyak." Pinunasan nya naman yung pisngi ko.
"Sorry.."
"Tssk, ilang beses ka naba nagsorry? Wag ka magsorry, okay?" Hinalikan nya naman ako sa noo kaya uminit ang mukha ko.
"You're still the same. Kinikilig ka parin saakin." Tumawa naman sya ng mahina kaya namula ako.
"Tara na nga, may quiz pa tayo diba? Wag mong pababayaan ang pag-aaral mo dahil lamang sa impakto na yun." Hinila nya naman ako papunta sa room.
Umupo na kami sa sarili naming upuan at sakto dumating na din si Ma'am Molina, English teacher namin na hugotera. Favorite teacher ko to eh, kasi nakikisabay sa trip namin.
"Oh eto, sagutan nyo na. Wag kayong mag-iingay ah, kundi lagot kayo saakin." Ay wow, wala sa mood para maghugot si maam.
"You have.. uh.. 30 minutes to answer!"
"Ma'am, gawin mo nang 40 minutes!" Sigaw ni Alex kaya't napatingin si Ma'am sa kanya.
"Okay, fine. 40 minutes to answer." Sagot naman ni ma'am at umalis muna.
Anlakas talaga ng trip neto ni Alex.
Luh, hindi nga pala ako nakapagreview!!!
Masyado kasi akong naging focus sa impakto na yun."Aish, ano ba sagot dito?!" Mahina kong tanong sa sarili ko habang padabog kong sinipa yung sahig.
"Pustahan tayo, Kylie. Pag mas mataas ang score ko, magiging tayo. Pero pag mas mataas iyo, liligawan kita." Tssk, ano kayang ipanagkaiba nun?!
"Paano pag parehas tayo ng score?" Taas kilay kong tanong.
"Edi magiging tayo parin." Haaaays -__-
"Fine." Sagot ko at sinagutan ko nalang yung quiz.
----------------
a/n:
Hehe long ud na muna ^.^
Baka mga bukas makapag-ud din ulit ako, waley pasok eh.
pero 'baka' lang ah, wag umasa. masasaktan lang ;(

YOU ARE READING
crush ; p. jm x k. sg
Short Story''hi alex, ang gwapo mo po'' ~ { bangtanvelvet } ~ { epistolary #01 } O N - G O I N G . P A R K J I M I N K A N G S E U L G I S E U L M I N WARNING: First story ko 'to so expect KAJEJEHAN! Started: 7/15/17 Finished: 12/3/17