11

144 7 3
                                    

Jake Wang sent a friend request.
| Accept | Delete |

-------------------------------------------

You accepted his friend request.

Jake: Hi, thank you sa pag-accept.

Kylie: Hello din! Ikaw yung kanina diba? Sorry sa ginawa ni Alex ah. Teka, pano mo nalaman ang facebook ko?

Jake: I have my ways, kylie :)

Jake: Boyfriend mo ba talaga yun si Alex?

Kylie: Um.. ano kasi..

Jake: Ano?

Kylie: Hindi ko sya boyfriend, crush lang.

Jake: Ah.. pero bakit nya sinabing girlfriend ka nya?

Kylie: Ewan ko dun.

Jake: Ah.. Pwede mo bang buksan yung gate nyo?

Kylie: Bakit?

Jake: Just open it ;)

--------------------------------------------

"Kylie, may bisita ka!" Sigaw ni mama.
Bisita o BWISITa? At sino naman kaya?

"Okay, pababa na ako." Sagot ko naman at bumaba na ako.

Nagulat naman ako nung nakita ko yung bwisita ko sa sala namin nakaupo.

"Jake?" Tungunu si Jake nga! Paano nya nalaman na bahay ko to?! Homaygas, stalker ko ba sya? ay, wag feeler kylie -.-

"Hi Kylie!" Bati nya naman saakin.

"Manliligaw mo?" Bulong ni mama at umiling iling naman ako.

"Hindi ma, kaibigan ko lang." Sagot ko naman.

"Kaibigan o Ka-ibigan? Punta muna ako sa kitchen para kumuha ng makakain nyo." Sagot ni mama habang nakangiting tagumpay.

Umupo ako malapit kay Jake. Di naman sobrang lapit, malapit lang.

"Paano mo namalan na dito yung bahay ko?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ba sabi ko sayo, I have my ways?" Sagot nya habang nakasmile. Infairness ang gwapo nya pero mas gwapo si jimin-- I mean, Alex sakanya.

"Bakit kaba pumunta dito?" Tanong ko sakanya.

"Yayayain sana kitang lumabas, Arcade tayo?" Tanong nya.

"Ha? Eh hapon na kaya." Sagot ko naman. Hapon naman na talaga eh.

"Treat ko."

"Ah sige hintayin mo ako ha." Sagot ko naman. Treat nya eh, sayang naman diba?

Umakyat ulit ako at nagpalit ng damit.
Bumaba na ako pagkatapos kong magpalit at lumabas na kami.

Pumunta na kami dun sa Arcade na sinasabi nya at naglaro kami ng kung ano ano. Alam nyo yung basketball na laro dun? Yun yung nilalaro namin ngayon.

"Para sayo to, Kylie!" Sigaw ni Jake at shinoot nya at nashoot naman.

Nakakuha kami ng maraming ticket at pinagpalit ko yun sa isang life size teddy bear. Waah! Ang kyut!!

"Ang cute neto!!" Sabi ko habang yakap yakap ko yung teddy bear.

"Mas cute ka!" Sagot nya naman habang pinipisil yung pisngi ko.

"Mas cute kaya to!"

"Ikaw kaya ang mas cute!"

"Mas cute to!"

"Ikaw kaya!"

"Haist, oo na nga!" Sagot ko at pumunta naman kami sa isang food court.

"Ako na mag-oorder." Sagot nya at tumango nalang ako.

Maya maya, dumating nadin si Jake at kumain na kami.

"Picture tayo, Jake." Sabi ko sakanya at nagpicture kami.

Pagtapos namin kumain, umuwi nadin ako pero hinatid nya ako sa bahay namin.

"Thank you for treating me!" Sabi ko at ngumiti sya.

"Next time ulit ah? Treat ko ulit." Sabi nya at tumango ako.

"Bye! Goodnight!" Sabi ko at nagkumaway sya at umalis na.

Nilapag ko na si Mr. Jalie Bear sa upuan ko.

Jalie Bear tinawag ko sa teddy bear kasi si Jake yung nagbigay at ako yung tumanggap kaya pinagsama ko yung name namin. Hoy wag kayong ano ah, hindi ko siniship si Jake sa sarili ko. Mas gusto ko pa rin si Alex.

Bukas ko nalang din i-a-upload yung picture namin ni Jake. Tinatamad na ako at inaantok narin ako.

-----------

a/n:

Jake as Got7's Jackson

crush ; p. jm x k. sgWhere stories live. Discover now