Hey guyz, readers, kung meron? Hahaha... sorry, ngayon lang ako ulit ako nkapagupdate, so busy, going on summer vacation... Anyways
Letz continue the story of Zac...Zac speaking- - -
At yun na nga, dahil sa laging pagchchat namin ni Ralph, parang unti unti na nga ata akong nahuhulog sa kanya, pero di ko pa yun maamin sa sarili ko, pero kahit ideny ko pa, kahit sino mahahalata ako dahil daw sa mga kinikilos ko...
Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko ka chat si Ralph, hanggang sa dumating ang araw na pinkahihintay ko, ang aming pagkikita ng personal.
Nag overtime ako nun sa office, plano na kasi talaga namin magkita para magkaharap sa personal ni Ralph.
12:00 Am, nag message ako kay Ralph na magcocoffee break ako, sinabi nya na sasamahan daw nya ako para makapagkwentuhan na din kami at magkakilala sa personal.
He approach me first, di ko agad siya nakilala, parang ang haggard nya, maybe pang night shift kasi siya kaya cguro ganun, pero cute pa din siya like when i first saw him sa team building namin... 😃
"Zach! Hey, ikaw ba si Zach, yung mkulit sa chat? Hahaha "
Pabirong approach ni Ralph, nagulat talaga ako, na speechless ako at napatingin lang sa kanya..."Yah, ako nga, and ikaw si Ralph, nice meeting you in person" nakingiti kong sagot na nauutal pa na medyo kinakabahan...
At yun na nga umupo kami sa pantry at sinamahan nya ako magcoffee, ako lng pala ang nagkape kasi hindi daw siya mahilig sa kape...
Mga pinagusapan namin puro sa work at sa nakalipas na team building, at nakwento din nya yung crush nya, parang na sad ako ng marinig ko yun, crush nya kasi si Sandy, isa sa mga pinakasexy sa office...
Tapos inaasar niya ako kay Paolo, hmm, kung alam lang niya, hindi na si Paolo ang gusto ko, may iba na nagpapatibok sa puso ko...
Simula ng gabing yun, mas naging close pa kami ni Ralph, dahil sa mahilig kami pareho sa basketball
Lagi kami ngpupusthan, masaya naman kasi lagi siya talo, nkakatikim tuloy ako lagi ng libre, pero dahil hindi kami magkashift, iniiwan nya na lang yung breakfast ko sa table ko, anynwayz sweet pa din dba...
Kasi ako pa lang daw yung girl na binibilihan niya ng breakfast, kasi ako lang naman may lakas ng loob na mahilig mkipagpusthan sa basketball.Dahil dun naging close friend kami ni Ralph, inamin ko na din kay Ina na ganun na kami ka close ni Ralph, noong una nagtampo siya pero dahil mahal ako ng mga kaibigan ko, tinanggap din niya sa huli, at sinuportahan nila ako ni George sa inspirasyon ko...