Hey guyz, musta naman... hahaha
hope you're enjoying...At yun na nga, nagpatuloy ang pagchachat namin ni Ralph. Naging mas close pa kami dahil pareho pala kami ng mga hilig gaya na lang ng Basketball at pag gigitara, dati siyang miyembro ng isang banda noong college pa lang sya sa Adamson University.
Hindi pa nga lang kami nkakapgusap ng personal, pang night shift kasi siya. Pero tuwing gabi, nguusap kami sa chat.
Madami na ako nakwento sa kanya, mabilis na gumaan ang loob ko sa kanya kasi sobrang friendly niya, pero ang sabi ng iba, suplado daw sya. Pati yung nararamdaman ko kay Paolo, nakwento ko na, lagi tuloy siyang ngbibiro, ilalakad daw nya ako kay Paolo, Magkasama kasi sila, hahaha, natuwa naman ako pero imposible yun, di naman ako ang type ni Paolo eh...Gabi gabi magkachat kami ni Ralph, ngayon lang ako nkkpagchat sa lalaki, sya pa lang... Di ko eto masabi kay Ina baka magalit or magselos sya, kaya kay Georgina ko na lang kinuwento, senikreto muna namin eto kay Ina...
"Georgie, ok lang kaya yun kay Ina pag nalaman nyang ka-chat ko si Ralph? "
"Naku, Zac, baka magselos yun, hahaha, pero maiintindihan ka nun, wala ka naman gusto kay Ralph, dba? "
"Oo naman, magkaibigan lang kami"
Napangiti lang si George na tila ayaw maniwala, cguro iniisip nya, ngkakagusto na din ako kay Ralph.
(Tingin nyo, nagkakagusto na nga kaya ako? Pero imposible, si Paolo ang nagiisang inspirasyon ko)
???