Gabi-gabi nagchachat kami ni Ralph.
At nakakahiya man, pero minsan ako na ang unang ng ppm, kasi i cant help it talaga..."Hi Ralph, how's your day? ☺
"Ok lng, Ikaw? "
"Masaya, kasi ka chat na naman kita" ☺
"Hahaha, ganun"Actually mahaba talaga ako magmessage kay Ralph, tapos minsan ang sagot niya "hahaha" lang, pero sinasagot naman niya lahat ng tanung ko, very brief nga lang, isang tanung isang sagot kasi sya... Hmmm
Minsan lagi ko inaagahan ang pagpasok ko makita lang siya, minsan nagkakasalubong kami, isang ngiti lang niya sapat na...
Pero ang hirap magtago ng feelings, naramdaman nyu na ba yun parang naiilang ka na kasi nga nahuhulog ka na eh...?
Yung gusto mo ng aminin pero hindi pwede kasi nga babae tayo, tska di naman ako ganun na basta na lang mgtatapat, pero sinabi ko sa kanya na special siya sa akin, sobra. Pero sinabi ko din wag niya bigyan na malisya, special siya kasi parang kapatid na yung turing ko sa kanya... Kaya nabuo ang tawagan namin na "brotherhood" hahaha... Funny right, eh funny naman tlaga ako eh... Haha..
Hindi ko tlaga pde ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko kasi, unfortunately, may girlfriend na siya, masaya naman ako para sa kanya, at sinabihan ko nga siya wag na wag siya makipaglandian sa ibang girls, wag niya lolokohin si gf, kasi baka pagsisihan niya sa huli... Cguro okay lang kung sa akin, hahaha, di ko naman siya papatulan eh, kasi im not the type of girl na sisira sa isang relasyon, kaya tinanggap ko na lang ang katotohanan hanggang sa unti unti ko na siyang iniwasan... Dahil yun ang tama...
The end.