Chapter 21

3K 52 6
                                    

Anne’s POV

 

Oh my God! Ang Lapit ng Mukha niya sa Mukha ko, Unti unti pa din siyang lumalapit kaya Pinikit ko na ang mga Mata ko.

Hinihintay ko nalang ang Labi niyang dadampi sa Labi ko, Any Minute now..

Hintay pa din ako ng hintay pero wala paring dampiang nangyayari, kaya minulat ko ang mga mata ko at nakita kong, Wala na siya.

Shit! What the Hell! Nakakahiyaaaa!

Bwisit ka Navarro!!!

Agad akong tumakbo at pumila na kasama ang mga Ka co host ko, nasa unahan ko si Vhong, tumingin siya sa akin at nagsmirk pa ang Loko.

Nagagalit ako sa kanyaaa! Sinipa ko siya sa binti niya.

“ARAAAAAAAAAAAAY!” Sabi nito at napaluhod pa ang isang binti habang hinahawakan niya ang binting sinipa ko.

“Uy! Vhong anong nangyari?” Tanong ng iba, Pero umiling lang ito.

“Ano bang problema mo ha? Bakit mo ko sinipa?!” Singhal nito, Tinaasan ko lang siya ng Kilay hanggang sa Tinawag na ni Eruption ang Name namin, Hirap din siyang maglakad kaya medyo mabagal siya, Naabutan na kami ni Billy eh.

“Bilisan mo naman noh? Marami pa sila sa Likod eh!” Pagmamaktol ko, Tumingin lang siya ng Masama sa akin pero palihim at binilisan ang paglakad kahit hirap siyang maglakad.

HAHAHAHA Bagay lang sa kanya yun noh!

--

Sine moto segment.

“At ang Istorya natin for this week ay Pinamagatang DYOSAbel! Uyy Anne haa!” Bida ako ngayon sa Story, Siyempre para magpromote ng Show ko. “Kababalik mo palang, may Show ka kagad! Uso na Absent ngayon sa Show! Hay naku!” Pagbibiro ni Billy.

“Start na!” Sigaw ko at umupo sa May bato.

“Magsisimula na ang ating storya, May isang babaeng napakaganda ng Boses at pati Mukha eh, mapapasabi ka nalang na isang Dyosa ang nakita mo!.. Direk! Sure ka dito sa Napakagandang boses?” Billy.

“Uy, Maganda na boses ko.. Let it Goo! Let It Gooo!” Pakanta kanta pa ako dito  para mapatunayan na maganda talaga boses ko.

“Ano ba yan! Ang ingay naman!” Sabi ng  Tao sa Likod, pero I’m Sure si Vhong yun!

“Lalabas naman ang isang matipuno, napakagwapo, napakamacho na si Fredo!” Lumabas naman si Vhong dun sa LED at Suot nya ang T shirt na may Abs.

“Pogi kuys ah!” Pang aasar ni Billy.

Sweetest Romance | VhongAnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon