Chapter 22

3.1K 50 11
                                    

Chapter 22

Anne’s POV

Hindi ko talaga alam kung Nagseselos or Bipolar ba tong kasama ko. Patuloy pa din siya sa Pagdadrive at ni isa sa amin walang nagsasalita.

“Alam mo..” Pambabasag ko. “Bakit ba ang gulo gulo mo?” Tanong ko naman, Lumingon siya sa akin saglit at bumalik ang tingin sa Daan.

“Anong ‘Ang gulo gulo mo’ ang sinasabi mo diyan?” Masungit niyang sabi. Tch.

“C’mon Don’t act like an innocent Child! Tell me, nagseselos ka noh? Kasi kung hindi you would let Erwan drive me home and not you!” Pang-aasar ko sa kanya, parang di siya galit sa akin noh? Pero konting suyo ko lang sa kanya, Babalik din kami sa Dati.

“Pag hinatid lang kita, nagseselos kagad? Sabihin mo sa akin na gusto mong magpahatid kay Erwan Babalik tayo dun.” Cool na pagkasabi niya. Kainis!

“Che! Bwisit kang kausap!” Reklamo ko at tumingin sa Window.

Nanatili na lang kaming tahimik, hanggang sa nakarating na kami sa Bahay, Agad kong tinanggal ang Seatbelt ko at Bumaba kaagad.

*Slam*

Napalingon ako sa Gawi ni Vhong ng bumaba siya sa kotse.

“Bakit ka bumaba?” Tanong ko.

“Gusto ko Makita anak ko, Siguro naman pwede diba? ANAK ko din kasi siya.” Cold niyang sabi at nilagpasan ako.

Tignan mo yun, kanina ang Cool cool, ngayon naman ang Cold Cold! ><

Pumasok na siya sa bahay, sumunod na din ako.

“Hi Kuya Vhong! Hi Ate *Beso Beso*” Pagbati ni Jasmine.

“Si Xyriel?” Tanong ko at inilapag ang bag ko.

“Nasa Playroom, tawagin ko lang.” Paalis na sana si Jasmine pero hinawakan ko siya sa braso.

“Ako na. May kailangan kaming pag usapan.” Tumingin siya kay Vhong at bumalik ulit sa akin at Nginitian ako sabay Tango.

Pumunta ako sa playroom at sumunod naman si Vhong, Nakita kong naglalaro ng Doll house si Xyriel, Lumapit ako sa kanya at lumuhod.

“Hi baby!” Masiglang bati ko sa kanya, Hooh! Kinakabahan na ako!

“Hello Mommy!! *Kiss sa Cheeks*” Tumingin si Xyriel sa Likod ko at nakita niya si Vhong na nakasandal sa Pinto at nakangiti.

“Hi Tito Vhong! Bakit po kayo nandito?” Tanong niya, Lumapit naman si Vhong at lumuhod din sa tabi ko.

“Binibisita ko lang ang Pinakacute na Bata sa mundo. *Ngiti* Kiss mo nga ako sa Cheeks.” Napangiti ako, Ang ganda pala sa paningin na meron nang ama ang Anak ko.

“Ahhh.. Ako po bay un? Hihihi” Tumawa si Xyriel kaya napatawa saglit si Vhong.

“Oo naman, Ikaw lang naman ang Pinakacuteeeee na Bata sa Mundo!” Sabay nun kinirot niya ng mahina ang ilong ni Xyriel.

“Ahem.” Pagiinterupt ko, napatigil naman sila sa pagkukulitan nila.

“Anak..” Pagsisimula ko at hinawakan ang magkabilang braso niya.

“Yes mommy?” Tanong nito.

“May gusto lang kasi akong sabihin sa’yo, Pero wag kang magagalit sa Mommy ha?” Sabi ko naman.

Sweetest Romance | VhongAnneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon