“Talastasang Nung Una’y Katuwaan Lamang,
Mauuwi Na Ba Sa Isang Malalim Na Alitan?”
Paglabas ko ng aking silid,
May naaninag na di kanais-nais.
Dugo ko’y tila nag init.
“Aba babae. Ako ba’y nais mong kitilan ng buhay sa ngitngit?!”
Sa pahayag ko’y agad na tumugon,
Babaeng sa mga mata ko nakatuon ang atensyon.
Ako’y tinitigan, mula paa hanggang ulo.
Anong bumabagabag dito sa babaeng ito na tila anak ng kulugo?
“Maghanap ka ng iyong katalastasan. Aking di aaksayahin, oras ko sa mga dwende.”
Sumagot man ng pabalang,
Ako’y nagsisimula pa lamang
Kanya bang nalimutan, katapat niya’y pipino lang?
Naghalungkat ka na din ng iyong kakalabanin, bakit ako pa, na kayang makipagsabayan ng bangis? Di gaya ng ating maknae na walang kakayahang sumagot ng sa paraang iyong nais?
Hindi pa man ako nakatugon, sa sanaysay niyang ito.
Tila may narinig akong yabag ng mga tao.
“Baba! Baba! Dali inyong dalian at tignan natin yaong kaguluhan!”
Anila na animo unang beses pa lang makakasaksi ng ganito.
“Ako ba talaga’y inyong sinusubukan?!”
Wika ng babaeng tila nag-init ng biglaan.
“Kung gayo’y itong awit pala,
Ang siya mong katapat? Banana BABA nana BABABA BABANANA!”
Nagngingitngit kong awit.
Mukha niyang di mapinta sa ngitngit,
Sinundan pa ng pahayag, na di ko mapahiwatig
“Kim Taeyeon’g dwende, tignan na lamang natin, kung sinong maghahari,
Sa puso ni Tiffany, na ating iniibig.”
Kanyang mga pahayag,
Sinundan ng mabibigat niyang yabag.
Tama iyan, magtungo ka, kung saan ka nararapat.
[------------------->]