“Pinag-aagawan ng dalawa’y
Magsasalita Na”
Hanggang sa pagbaba, at muling pagsilip ng haring araw,
Alitang naganap nung kalauna’y sariwa pa.
Ako ba talaga’y may pagkukulang sa sinta?
Malakas na kalabog, mula sa pinto’y dinig ko ngayon.
Kay agang pag sira ng araw ko. Ano na namang pangaabala ito?
Nang ang kumakatok ay patuluyin ko, ako’y tila nalito.
“Ano ang iyong kailangan? Presensya mo’y di ko makayang tignan.”
Wika ko. Hidi ba maaaring siya’y maglaho na lamang?
At nang puso ko’y di na mahirapan.
“Bago man lang sana ika’y mapagbigyan, ako’y iyong pakinggan.”
Tinig na minsa’y nagbigay ng ala-alang kay tamis,
Ngayo’y kahirapan na ng dibdib ang hatid sa akin. Maaari bang ako’y tigilan na?
“Ano na naman, iyong bagong kasinungalingan?”
Ako ma’y magwika ng salitang kay rarahas,
Hindi pa rin nito maikubli ang puso kong nakakulong sa lungkot at dahas.
“Kami’y parehong taga kanluranin.
Siya ang unang nakakita ng aking hinhin.
Kaya’t ako’y patawarin,
Kung aking di naiwasang siya’y mahalin.”
Mga salitang ito’y animo sibat
Alam kong hindi niya maiwasang di maging tapat
Ngunit kailangan bang sa harap ko’y ipahayag ang lahat?
“Tigilan mo na. Aking tanggap na ang lahat.”
Tumindig ng biglaan.
Na para bang lahat ay di na alintana
“Buti pa’y lumayas ka na lamang.”
Bawat segundong lumlipas,
Tila di ko batid kung kaya pa ba.
Kaya hanggang kaya pa
Ikaw sana’y maglaho na lamang.
Kasunod nito ang paglaho ko sa kanyang harapan.
[----------à]