Chapter 2

24 2 9
                                    

Chapter 2

Charlotte
~*~

Andito na ako ngayon sa room pagkatapos ng mga kaganapang nangyari sakin kanina .Hindi pa din maalis sa isip ko ang plingerong tukmol na yun !

"Charlotte"Napatingin ako sa nagsalita at dun nakita ko si Bianca na papalapit mula sakin

Si Bianca ay childhood friend ko since elementary at highschool parehong course din ang tinake namin kaya magkaklase kami

" Ang aga aga naka palumbaba ka diyan !Boys nanaman ba yan ?"tanong niya sakin habang iiling iling bago tuluyang umupo sa tabi ko

"Kanina kasi may nakabunggo akong lalaki !Napakayabang sobra !Kornerin ba naman ako sa pader bwesit !"naiinis na sabi ko

"Friend kumalma ka nga first day ng pasukan ang init init ng ulo mo .At bakit ka naman kinorner ng mokong na yun aber ?"

Parang umurung ang dila ko matapos kong marinig ang tanong ni Bianca .Sa totoo lang kasalanan ko naman kasi talaga haisst ano ba naman kasing mga pinagsasabi ko

"Hmmm !Alam ko na yang mga tahimik effect na ganyan !Naalala mo nanaman mga baklitang ex mo no ?"sambit niya saka umupo paharap sakin

" Charlotte naman ! Umiikot ang mundo bakla !Hindi sa lahat ng panahon magiging ganyan ka kaaffected sa mga baklitang yun. Try and try until you meet someone who deserve for you !"paninirmon nito sakin

Nakakapagtaka ang babaeng to.Grabe siya makapag advice sakin na never naman niyang ginagawa lalo na ngayon na sa pagkakaalam ko kakabreak up lang nila ng boyfriend niya

Hindi kaya ...?Napatingin ako sa kanya saka siya pinanliitan ng
mata

"Yung totoo nga Bianca !?May boyfriend ka nanaman ba !" tanong ko dito na siyang ikinagulat niya

"Huh !?Ahmm...eh ano kasi ah uhmm oo" mahinang sabi nito habang iniikot ikot pa ang dulo ng buhok niya

Hayst kailan kaya madadala ang bruhang to !Napailing nalang ako hindi ko alam kong matatawa ako o maiinis sa reaksyon ng mukha niya


~*~

Andito na kami sa canteen .Since first day of class isang teacher lang ang nagklase siguro yung ibang teacher pauwi palang from vacation

"Girl treat moko huh ?" nakangiting baling sakin ni Bianca na ngayon ay pumipili na sa menu

At talagang nagpalibre pa ang bruha uso na ba sa kanya ngayon ang magtipid !?

"Napakakuripot mo talagang babae ka !" naiinis na sabi ko sa kanya

Wala na akong nagawa kundi pagbigyan siya tutal hindi naman ako katulad niyang kuripot pagdating sa pagkain

Isang sandwich lang ang inorder ko si Bianca umorder lang naman siya ng 2 sandwich isang spaghetti ,leche flan at dalawang hotdog .Minsan lang siya magpalibre sakin pero napaka abusado !

Ilang minuto din siguro kaming namalagi sa canteen at ngayon ay nandito kami sa gym para samahan siya na mag cheer sa varsity player na matagal na niyang kinababaliwan

Hindi Lahat Ng Gwapo May Boyfriend[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon