CHAPTER 13

1.9K 66 3
                                    

Maine's POV

"Here's a cookies for my baby" Ang lapad ng Ngiti ni Zacc nung Inilapag ko sa Glass round table ang baked cookies na ginawa ko.

Umupo sya kaagad sa Sofa at Kumuha ng Isa at Isinubo 'to.

"I really love Cookies" Masiglang Aniya,

"Paborito nya pala 'yan" Napalingon ako Kay Chard,

Nandito pa nga pala 'tong mokong na 'to.
Ang tahimik kasi, Simula nung May nangyari ulit saamin parang ang awkward na..

"Oo, Sya mismo ang nagrerequest sa'kin na Magbake ako nyan"

"You're really a good mom to him" Ngumiti ako sa sinabi nya..

"Mr? Bakit po ikaw sumigaw kanina doon sa Loob ng Room?" Inosenteng tanong ng Anak ko.

Hays Buti nalang, Buti nalang talaga at hindi nya kami nakita sa Ganoong Posisyon,

Bago pa man nya kasi Mabuksan ang Pinto, Mabilis na Tumakbo si Chard at Nilock ang Pinto Para hindi makapasok ang anak ko.

Kumatok pa nga ng Kumatok ang anak ko sa Pintuan ng Kwarto kasi akala nya ay Nagaaway kami..

Nang makapag bihis kami, Nakita nalang namin si Zacc sa Gilid ng Pinto ng Kwarto nakaupo..

"No Little Buddy Ahmm We're just Playing"

"Anong Laro po 'yon?" Nagtinginan kami ni Chard.

"Ahm.. Baby Kumain kana lang muna ng Kumain dyan ah,"

"Okay po Mom" Pinagpatuloy nalang nya ang Pagkain nya..

Hapon na, at Ngayon lang din nahinto ang ulan..
Sana nga ay Hindi na umulan bukas para naman Makapasok na ako sa Cafeteria.

"Ahm..Maine" Napalingon ako kay Chard.

"Yes?"

"I need to go home" Tumango ako.

"Sige, Pero yung Kotse mo? Wala pang Gas Diba?" Ngumiti sya sa sinabi ko.

"Since Wala nang Ulan, Iiwan ko muna ang Kotse ko dito, Susuduin naman ako ng isa sa tauhan namin sa bahay,"

"Sgurado ka ba?" Tumango sya.

"Oo, at isa pa naghihintay na sya ngayon sa Fastfood na malapit dito, Kaya Okay na ako" Pumunta sa gitna namin si Zacc at Tiningnan kami ng Salitan ni Richard.

"Friend na po kayo?" Nakangiting tanong ng anak ko.
Pinaupo ko sya sa Lap ko at Niyakap..

"Oo naman" Nakangiti ko ring Tugon..

"Ahm.. Mr Buddy, I have to go now, Be a good boy ah, Bantayan mo Mommy mo" Nagboy salute si Zacc na syang Ikinatuwa namin ni Richard..

Napaka bibo talaga nitong Anak namin..

"Aye Aye Mr" Tapos Tumingala pa si Zacc sa Ama nya..

"You really cute," Ginulo gulo ni Chard ang Buhok ni Zacc"

Hinatid namin si Richard sa May labas ng gate..

"Alam mo na ba ang Palabas dito?" Tumango sya.

"Uhum!! Tsaka mabilis ko naman natandaan ang Daanan" Pagmamayabang pa nya..

"Kailan po ikaw ulit Babalik?" Kinarga ni Chard si Zacc at Ginulo nanaman ang Buhok..

"Mr Rebel? Bakit po Lagi mong Ginugulo buhok ko" Nakangusong sabi ng Anak ko..

Ang sarap nila tingnan mag ama, Hindi ko maiwasang Mapangiti..

"Ahmm Zacc Starting Today, Daddy na ang Itawag mo sa'kin"

Nabigla naman ang reaction ni Zacc dahil biglang Nag hugis 'O' ang Bibig nya.

"Wow, Really ??"

"Oo naman"

"Yehey!! Thank you Daddy!!" Pinaulanan nya nya ng Halik ang ama nya sa Mukha..

"Baby, tara na dito aalis na yang Daddy mo" Singit ko sa Usapan nila...

Agad naman na bumaba si Zacc mula sa pagkakakarga sa kanya ng Daddy nya..

"Im going now" Ani Richard.

"Sure, Ingat ka nalang"

"Okay," Nagsimula na syang maglakad Pero??

BAT MABAGAL?

Pinagmasdan ko lang sya Habang naglalakad, Sakto pang Lumingon sya sa Direksyon namin..

At naglakad pabalik.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko .

"Muntikan ko nang Makalimutan," I was shocked, When he planted a kiss on mh forehead..

Miski ang Anak ko napanganga nalang sa Nakita nya..

"Magiingat kayo dito, Babalik ako Kung sakaling may free time ako, O kaya Pupunta kita doon sa cafe bukas" Hindi ako naka kibo sa sinabi nya.

Dahil Nabibingi ako sa lakas ng Tibok ng Puso ko..

Oh God!! Bat ang bilis kang Napaamo ng Mokong Na kaharap mo Maine..

Talagang Hindi Maiikailang Mahal ko Parin sya..

"Tawagan mo ko kung sakaling Kailangan mo ko, Gagawan ko ng Paraan para mapuntahan kayo ng Anak---" Tinakpan ko ang Bibig nya

Nang tanggalin ko ang Kamay ko sa Bibig nya, Nagets nya naman ang ibig kong Sabihin dahil sa Ngiti nya .

May inilagay sya sa kamay ko..
Isang Calling Card..

Ibinulsa ko yun at Tumingin ako sa Kanya.

"Ingat ka!!"

"Balik po Kayo Daddy" Si Zaccheus

"Yes Baby, I will😉" Tumalikod na si Chard tsaka ulit Naglakad..

Titig ako sa kanya, Parang ayoko pa syang Mawala sa mata ko..

"Bakit po ikaw bumalik?" Napatingin ako kay Zacc, at sa tinititigan nya.

Lumingon ako sa Direksyon kung saan sya nakatingin, Ughh Dun ko lang napansin na Papalapit nanaman si Richard.

"B-bakit?" Tanong ko..

Pero nagulat ako sa Ginawa nya..

Tinakpan nya yung Mata ng anak namin,

Hinawakan nya yung Chin ko at hinalika nya ako sa Labi ko.
Huminto ang Mundo ko,
Mas lalong lumakas ang Tibok ng puso ko.. Nanghina ako dahil sa NAramdaman ko..

Matapos nya akong Halikan niyakap nya naman ako
then He whispered.

"Gagawin ko ang LAhat,Para Mahulog ka ulit saakin, Hindi ko na hahayaang Malayo kayo saakin ng Anak ko, Mahal na mahal ko kayo" Hindi ko maiwasan na Maluha dahil sa mga narinig ko..

Natuwa ang puso ko dahil sa mga sinabi nya..

Nang inalis ni Richard ang kamay nya mula sa pagkakatakip sa mata ni zacc,

Kuryosong Tinitigan kami ni Zacc, na parang may gustong itanong pero walang lumalabas mula sa bibig nya..

Hinalikan ni Richard si Zacc sa Noo

"Im going now" He said as he walked away....

A/N: Dont forget to leave a feedbacks😍

Add/Follow me on my socmed acct
Facebook- https://m.facebook.com/profile.php?lst=100012682335137%3A100012682335137%3A1496246297&fref=nf&pn_ref=story&refid=17&_ft_=top_level_post_id.330928470673228%3Atl_objid.330928470673228%3Athid.100012682335137%3A306061129499414%3A2%3A0%3A1496300399%3A-7211067653870032047&__tn__=C

Twitter/Instagram: @johnalfonso002

His Wife (MaiChard FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon