CHAPTER 14

1.7K 56 12
                                    

Maine's POV

Matapos ang Ilang araw na pag-ulan, Nakapasok na rin ako sa Cafeteria.
Naboboring kasi ako sa bahay
Mas nasanay na ang katawan ko na kumikilos araw araw..

Habang wala pang gaanong costumer,Kinuha ko sa bulsa ko ang Cellphone ko at tinawagan si Nicole.

"Ate? Napatawag ka po?" Ani nicole mula sa Kabilang linya

"Itatanong ko lang sana kung Nakapasok na si Zacc sa School?"

Ilang araw rin kasing nasuspende ang klase nila.
Dala rin sa sama ng panahon at malakas na hangin.

"Opo ate, Naihatid ko na sya kanina, Tinatamad nga po kanina eh, Sabi ko di mo sya bibilhan ng bagong toy pag di sya pumasok sa School ngayon" Literal na natawa ako sa sinabi ni Nicole.

Ngayon ko lang kasi narinig na tinamad ang anak ko sa pag pasok sa School,
Siguro nasanay sya na walang pasok kaya nakakaramdam ng pagkatamad na Pumasok..

"Buti naman at Napiliti mo sya" nakangiti kong tugon..

"Ilang araw din kasing Walang pasok ate, Kaya sapat na yun para maging Pahinga, Ang kaso tapos na ang School Suspended kaya Kailangan ng pumasok"

"Sige, Thank you Nicole, Medyo dumadami na ang Costumer dito"

"Sige po"

"Tatawag nalang ako mamaya pag may free time, Salamat" Hindi ko na hinintay pa yung Sasabihin ni Nicole.

Pinatay ko na ang Phonecalls at saka binalik sa bulsa ang Phone ko..

Sakto din na madami nang Nagsisipasukan na Costumer,Yung iba hindi naman umoorder, Nagkekwentuhan lang,may iba pa na tutok sa mga Phones nila, Siguro ay Pumasok lang sila dito para mag wifi..

Bawat minuto ay Tingin ako ng Tingin sa bawat taong papasok..
Nagbabakasali kasi ako na baka Pumunta dito si Chard, Yun kasi ang sabi nya saakin noong Isang araw.
Pupunta daw sya, Siguro nga ay busy pa yon kaya hindi pa sya makapunta..

"Bakit parang May hinahanap ka?" Napalingon ako sa Nagsalita.

"Ah Wala naman" Pagtatanggi ko..

"Asus! Kunyari ka pa, Siguro may naging Crush kana sa mga Naging Costumer natin" Sinundot nya yung Tagiliran ko..

"Ano ka ba! Wala akong naging crush sa mga naging Costumer natin" Hindi parin sya Tumitigil sa Pag sundot ng Tagiliran ko..

"Ehh Hindi mo pa ba balak mag asawa ulit? Para naman may Tatay na yung Anak mo" Nginitian ko sya

"Hindi na.. Tsaka kaya ko naman na ako lang mag isa sa anak ko"

"Hmm.. Hindi naman pwedeng Habang Buhay Single ka" Umiling iling nalang ako sa Sinabi nya.

Hindi na ko maghahanap ng iba,
Ngayong Nagbalik na yung Lalaking mahal ko at ama ng Anak ko..
Hind ko pa balak sabihin sa kanila yung totoo... Baka kasi asarin nila ako pag nagpunta yun dito si Chard sa Cafe..

****

3 hours passed, Medyo madami padin ang Taong Pumapasok dito sa Cafe
Ilang oras na rin akong Naghihintay at Naghihintay ng Text ni Richard.

Busy nga siguro sya ngayong araw..kaya hindi pa Makapunta..

"Umayos ka, nandyan di Ma'am Venice" Kumunot ang Noo ko..

Nakatingin ako kay Chael at Reign na Inaayos ang kanilang sarili.

"Sino 'yon?" Kuryoso kong Tanong

"Si Architect Venice Laurel, Matagal na syang costumer dito, Pero minsanan lang kung Mapabisita" Tumango nalang ako sa sinabi ni Chael .

Nakatingin lang ako habang Pumapasok yung Sinasabi nilang Ma'am Venice,
She's not Familiar, ngayon ko lang sya nakita dito..

Halata sa kanya na galing sya sa Wealthy Family, Maganda,Matangkad halatang Mahilig sa Fashion.

Pero may isa pang Taong Nakapukaw ng Attetion ko.
pumasok sya kasunod nung Venice..

Nagtama ang paningin namin, Napangiti ako noong Makita ko si Richard.
Pero nawala yung Ngiti na yun noong Biglang Hilahin nung Venice yung Braso nya..

Kuryoso akong nakatingin sa table kung saan nakaupo yung Venice at si Richard..
Nalito ako sa mga nakikita ko.

Sinulyapan ako ni Richard, Pero umiwas ako ng tingin..

"Maine, 2 Strawberry Frappe daw" Kinalabit ko ako ni Chael
Dun ko lang din napansin na nasa harap ko yung Venice..

Kuryoso nya akong Tinitigan.

"Ahh S-sorry" Ani ko Saka nagmadali na ginawa ang Order nila..

Matapos kong Gawin ang Order nila, Nilagay ko yun sa Maliit na tray at Isinerve sa table kung nasaan sila..

"I-ito na po" Nanginginig pa ako noong Ibinaba ko sa table nila Richard ang Inorder nila..

May kung anong sakit akong naramdaman na hindi ko maintindihan Gayong di ko naman alam ang relasyon ng dalawang ito..

Pasikretong may Humawak sa Palad ko .
Hinawakan ni Richard ng Pasikreto ang Palad ko,Nagkatinginan kami.
Parang may gustong syang sabihin sa mga titig nya saakin.

"Sorry" He mouthed,
hindi ko na sya Pinansin at Bumalik na ako sa Counter,

Naiinis ako, Naiinis ako sa sarili ko bakit ako nagseselos? Gusto kong Malaman kung sino ang babaeng Kasama nya..
Gusto kong Makausap sya para itanong kung sino yung babaeng yun?

Bakiy sila Magkasama? Bakit ang Comfortable nila sa isat isa?
Para silang Couple kung tititigan mo..

Hinilot ko ang sintido ko bigla nalang sumakit ang ulo ko..

"Okay ka lang ba?" Hinawakan ni Reign yung Balikat ko..

"Ah oo" Tugon ko..

Lumingon ulit ako sa Direksyon nila..
Inaayos na nila yung Gamit nila..
Napako ang mata ko noong Makita ko kung paano hawakan ng babae ang Kamay ni Richard saka hinila sya Patayo.

Nagkatinginan kami ni Richard bago pa sila makalabas sa cafe..
umalis sila nang may naiwan na Kuryosong tanong sa Utak ko..

His Wife (MaiChard FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon