Chapter Three - One sided love discovered

3 0 0
                                    

Chapter Three

Trisha's Pov

Lumipas na ang mga araw at masaya nako sa pagbabalik ni Winston.

Marami pa rin ang nagtataka sa kanya sa school. Hindi kase namin pinapaalam na siya si Winston. Tanging kami at si Cassey lang ang nakakaalam.

Pero ang dami kong napapansin sa kanya.

Ibang iba na kase ugali niya.

Madalas pa rin siyang tahimik at di pa rin binabalik ang pagkayabang kahit kami lang magkasama.

Siguro nasanay na siya na magpangganp na maging nerd.

Hindi na siya nag wiwig pero naka eyeglass pa rin siya.

Parang mas gwapo nga siya tingnan pag naka eyeglass eh.

"Winston, naalala mo yung sinabi ko sayo na mahal kita ?"

Nahihiya talaga ko kapag naaalala ko yun >...<

Naging seryoso ang mukha niya pagkasabi ko nun. Friendzone ata ako bes :'(

"Trisha... hindi pa oras para pag usapan natin ang bagay na yan. Sa ngayon masaya ko kung anong meron tayo. Okay ba ?"

Ngumiti siya at ngumiti nalang ako. Pero naisip ko na baka siguro may gusto na siyang iba kaya napayuko nalang ako.

"Kung iniisip mo na may iba kong gusto, mali ka. Wag ka ng malungkot. Ikaw lang ang babae sa buhay ko sa ngayon."

Parang namula ang buong mukha ko sa sinabi niya.

Oh my god ! Nakakahiya sa kanya >...<

Maya maya ay naramdaman ko ang pagyakap niya. Yakap na merong kakaibang ibig sabihin.


"Winston... stay by my side please"

Niyakap ko ren siya para maipadama ang pagmamahal ko sa kanya.

"I'll stay Trisha...."

I heard his romantic voice. Pero nakaramdam ako ng ibang emosyon sa boses niya.

Winston ?... may tinatago ka ba ?....

****************************************

Naging masaya kaming magkasama. Feeling ko hindi ko na kayang mawala pa si Winston sakin.

**School**

Kanina pa ko naghihintay dito sa library. May usapan kase kami ni Winston na tatambay kami dito since walang lesson dahil may meeting ang mga teachers.

"Winston nasan ka na ba ?"

I feel strange. Parang may nangyayaring masama kay Winston.

Lumabas na ko at hinanap si Winston. Halos nag paikot ikot nako sa Campus para mahanap siya.

Kung hindi ko siya mahanap dito, malamang nasa lugar siya na boys lang ang nakakapunta.

Dumiretso nako kaagad sa labas ng boys cr.

Nakasarado ?

Maya maya ay nakarinig ako ng ingay sa loob. Parang may gulo .

"Yan ang nararapat sayo Wilson ! Hayop ka ! Inagaw mo sakin si Trisha ! Sige ! Hawakan niyo lang siya at babasagin ko ng husto mukha niyan !"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko .

Boses yun ni Stanley at mukhang binubugbog nila si Winston !

"STANLEY ! ILABAS MO SI WILSON !! HUWAG NIYO NAMAN SIYANG SAKTAN PLEASE ! ILABAS NIYO NA SIYA KUNG AYAW NIYONG IREPORT KO KAYO AT MAPALAYAS KAYO DITO SA SCHOOL !"

Inis na inis na talaga ko sa ugali ng lalaking yun. Napaka gago niyo talaga !

"Mukhang nandito na ang tagapag tanggol mo Wilson Hahaha! Hindi pa tayo tapos ! Bitawan niyo na yan!"

Maya maya ay bumukas na ang pinto at agad kong sinampal si Stanley.

"Gago ka talaga Stanley !"

Ngumiti lang siya at umalis kasama ang dalawa niyang alagad.

Agad namang pinasok ko sa loob si Winston na nakahandusay sa sahig.

"Winston ! Ayos ka lang ba ? Andami mong pasa !"

Awang awa na talaga ko sa kanya. Nasobrahan na siya sa bait. Bakit di niya kase ibalik sa dati ang ugali niya ?!

"Trisha yung salamin ko asan?"

Nagtaka ko sa sinabi niya. Talaga bang malabo na paningin niya kaya nag sasalamin siya ?

Wala nakong oras para isipin yan. Hinanap ko naman ang salamin niya at binigay sa kanya.

Napakadami niyang pasa sa mukha.

Sinamahan ko na siya pauwi sa bahay niya. Since wala naman siyang kasama sa bahay niya ay minabuti ko nalang na dun muna ko. Sabado naman bukas at walang pasok. Di na muna ko uuwi sa bahay.

Yung mga parents ko kasi nag trabaho sa ibang bansa last year. Sabi ko kaya ko naman na mag isa kase may isip narin naman ako. Kaya mag isa lang ren ako sa bahay.

Pinahiga ko siya sa kama niya at pinunasan ang mga pasa niya. Habang pinupunasan ko siya ay nagkatitigan kami.

Tinitigan niya ko at ganon ren ako.

Maya maya ay nagsalita siya

"Salamat Trisha. Napakabuti mo para sakin"

Anong nangyayari sakin ? Pakiramdam ko gusto kong tumalon sa sobrang kilig.

Ang gwapo niya talaga ! Yung mga mata niya na medyo singkit. Yung ilong niya na napakatangos. Yung kilay niya na makapal pero bagay sa kanya. At ang mga labi niya na napaka-

O_O

Napatigil ako ng bigla niya kong hinalikan sa noo.

"A-ah... Wi-winston.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya tumayo nalang ako at nag paalam na magluluto ng hapunan.

"Magluluto muna ko ng hapunan Winston"

Ngumiti lang siya.

Ano ba Winston ?! Masyado nakong kinikilig ah! Haysssttt Trisha Santos ! Wag ka ngang malandi!

Wilson's Pov

Halos matagal na kaming naging close ni Trisha. Napakasaya ko sa tuwing kasama ko siya.

Pero di pa rin naaalis ang konsensya ko . Paano at kailan ko aaminin sa kanya ?

Pero bakit ganon, sa tuwing naiisip ko na si Kuya Winston ang mahal niya nalulungkot ako.

Bakit nasasaktan ako kapag naiisip kong hindi ako ang taong minahal niya simula palang nung una ?

Trisha ... Mukhang...

Mahal na kita.....

****************************************

A/N: hahaha ONE SIDED LOVE IS REAL MGA READERS KO HAHAHA

PLEASE VOTE AND COMMENT !

Behind His Nerdy GlassesWhere stories live. Discover now