Chapter Two- The story

5 0 0
                                    

Chapter Two

"Ms. Santos at Mr. Fordes, kayo ang magkapartner sa presentation bukas. "

"Okay po sir"

Lumapit nako kay Wilson para sabihin na sasama ko sa kanya mamaya pagkatapos mag lunch.

"Uhm Wilson sasabay nako papunta sa inyo. Pag usapan natin yung iprepresent natin bukas."

Tumango nalang siya sakin. Bumalik nako sa upuan ko. Mamaya ka sakin Wilson hindi ka na makakatakas sakin sa mga tanong ko.

***************************************

Habang naglalakad kami papunta sa kanila ay biglang huminto si Wilson sa nagtitinda ng ice cream.

"Manong dalawa po"

Wow naman ang bait niya ! Nagawa niya pa kong ilibre ^_^

Binigay niya sakin ang isang ice cream. At dumiretso na sa paglalakad.

"Wilson, salamat dito. Paborito ko to eh"

Ngumiti lang siya sakin. Minsan ko lang siyang nakikitang umuwi. Pero nalulungkot at naaawa talaga ko sa kanya kapag binubully siya.



*****************************************

Wilson's Pov

Kailangan ko tong gawin. Ayokong mamuhay siya sa kalungkutan kahit na alam kong mali itong gagawin ko. Matagal na rin siyang nag eeffort na maging close niya ko. Naaawa ako sa tuwing ini snob ko siya.

Trisha gusto kong maging masaya ka. Dahil yun ren ang bilin sakin. Ang pasayahin ka.

Pumasok na kami sa loob ng bahay.


Huminto ako at hinanda na ang sarili ko. Aamin nako sa kanya.

"Trisha may aaminin ako sayo"

Humarap nako sa kanya at nag buntong hininga.

Tinanggal ko ang wig ko na tumatakip sa mukha ko. Sobra ang pagkagulat niya ng makita niya ang mukha ko.

"Wi-winston ?...."

Alam kong malapit na niyang ilabas ang bigat ng damdamin niya. Siguro dahil na rin sa halo halong emosyon niya.

"Winston bakit ? " lumuluhang tanong niya

"Trisha...."

Napayuko nalang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Bakit nagpanggap ka na isang nerd ? Ayaw mo na ba kong maging bestfriend kaya gumawa ka ng paraan para makaiwas sakin ?"

"Hi-hindi Trisha.. Di yun ang dahilan.."

"Eh anong dahilan Winston ?!! Alam mo ba kung gaano ko kalungkot ng mawala ka ?! Winston mahal kita ! Mahal na mahal kita ! Pero ba-"

Di ko na alam ang gagawin ko kaya niyakap ko na lang siya.

Winston... Anong gagawin ko sa taong mahal ka ?...

Kailangan ko na atang panindigan nalang tungkulin mo Winston.

"Hindi na kita iiwan Trisha. Lagi na kong nasa tabi mo"

Nakita kong ngumiti siya sa sinabi ko. Yun lang naman ang gusto ko Trisha, ang sumaya ka.


"Sige na pag usapan na natin ang gagawin natin bukas. Basta ha satin satin lang ang identity ko"

"Oo naman Winston"

Di ko maiwasang makonsensya. Pero paninindigan ko ang desisyon ko.

**Throwback**

(Phone call)

"Hello Wilson ? Umuwi ka dito sa pilipinas, may mahalaga kong ipapakiusap sayo"

Nagtaka ko sa sinabi sakin ni Winston.

"Bro, alam mo naman na nag aaral ako dito sa states diba ? Hindi ko pwedeng pabayaan pag aaral ko"

"Wilson malapit nakong sumunod sa mga magulang natin. Please pumunta ka na dito"

(Call ended)

Nagulat ako sa sinabi ni Winston. Si Winston ay ang aking kakambal. Identical twins ren kami kaya magkamukha kami. Wala na kaming magulang dahil nag crush ang eroplanong sinasakyan nila mom at dad noong papunta sila sa Korea para sa bussiness proposal. At si Uncle Jose at Auntie Mara nalang ang nag babantay samin. Kasama ko dito sa states si Uncle Jose at Si Auntie naman ang kasama ni Kuya. Mas matanda kase siya sakin

Sumakay nako sa private plane namin at nagpahatid sa pilipinas. Masyado pa kase kong bata para bumiyahe mag isa dahil first year pa lang ako.

Nang makarating nako sa bahay nila Aunti ay sinalubong kaagad ako ni Auntie Mara.

"Auntie asan po si kuya ?"

"Nasa kwarto niya siya."

Nakaramdam ako ng lungkot sa pagsalita ni Auntie.

Pumasok na ko sa loob at nakita ko si Kuya Winston na nakahiga. Halos nanghina ako sa mga nakita ko.

Balot na balot siya ng mga benda sa ulo at sa katawan. Madami ring nakakabit na hose sa katawan niya.

"Kuya ?! Anong nangyari sayo ?!"

"Wi-wilsonnn... Masa-saya kong makita ka-a.. Naaalala mo... si Trisha... Wag mo siyang pababayaan ... pls.. manga..ko... ka.."

Sunod na sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ko kayang makita siyang ganto.

"Opo kuya.. hindi ko siya papabayaan. Please lumaban ka kuya please !"

"Wi-instonnnn....."

"Kuya ?!! KUYA !!! KUYA GUMISING KA !!! KUYA WAG MO KONG IWAN !!! KUYA DIBA SABI MO SABAY TAYONG LALABAN SA BUHAY KAHIT WALA NA SILA MOM AT DAD ?!! KUYA !!! PLEASE NAMAN KUYA!!"

Humagulhol nako sa kakaiyak.

Yung kuya ko na lagi akong pinapatawa.
Yung kuya ko na lagi akong pinagtatanggol sa mga nang aapi sakin.
Yung kuya ko na mahal na mahal ko...

Wala na...

**Throwback end**

****************************************

A/N: napaluha ako habang sinulat ko yung throwback :'(

Vote and comment !

Behind His Nerdy GlassesWhere stories live. Discover now