ELLE
CHAPTER 3
Huwaaaaat?!
Oh no!
Nakita ko ang CRM(Campus Royalties (Mens) ) sa living room at nakatingin sakin si Angelo at Rey dahil silang dalawa lang ang nag uusap yung iba naman ay may sariling mundo.
"Hey Elle!" Sigaw ni Chesca,baliw talaga tong babaeng to dahil sa pag sigaw nya lahat sila napatingin sakin.
Nakita ko rin ang pagpipigil ng tawa ni Angelo sabay sabay silang ni-head to foot ako.OMOOOO!
IM DOOMED!
"Uhh hi" sabi ko sabay takbo pabalik ng guest room narinig ko naman ang pag hagalpak nila ng tawa.
Bwiset tong mga to ah!Kinuha ko ang dala kong bag at nagbihis na simple lang ang suot ko dahil sunday naman ngayon at wala kaming pasok.Bugla kong naalala na may practice pala kami ng dance number para sa foundation day.
Magiging ka partner ko si Angelo!Kyaaah!Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin nag suot lang ako ng crop top at highwaist na short.
Paglabas ko ng guest room nakatayo na sila sa living room at halatang nag ppractice na samantalang si Angelo ay naka upo sa sofa at halatang hinihintay ako dahil ako ang ka partner nya.Nang tumama ang tingin nya sakin bigla syang tumayo at pumunta na sa pwesto namin.Nakasuot sya ng Black jeans na fit na fit sakanya at nakasuot ng longsleeve polo na nakatupi hanggang siko,nakabukas ito at may v neck shirt sya bilang panloob.
Wala akong ideya kung ano ba ang sasayawin namin maya maya may nag buzz na may nakita akong pumasok na binabae.Pinakilala sya samin ni William
Sya pala ang ikinekwento samin ni Nica na kinuha nilang choreographer ni William.Nang matapos kaming mag ensayo nag padeliver si Krizzy ng sandamakmak na pizza.Nasa kabilang sofa si Angelo at magkaharap kami.Napapansin ko ang pasimple nya'ng pag sulyap sakin kada nahuhuli ko sya umiiwas lang sya ng tingin.
Muli kaming nag ensayo pagtapos kumain ng merienda.Masyado pang maaga at napag disisyunan naming lahat na pumunta ng Mall.
-------
"Arcade muna tayo!" Sabi ng isip batang si Krizzy.
"Kain muna tayo nagugutom nako"sabi naman ni William habang nagpapout."Tumigil ka nga kaka-pout dyan William!"iritado na si Nica.
Nandito na kami sa SM at dahil hindi kami mag ka sundo kung anong unang pupuntahan naghiwahiwalay nalang kami.
Nilingon ko kung sino pa ang natitira dun sa kinatatayuan namin kanina nakita kong naguguluhan na si Angelo kung kanino sya sasama ako naman ay mag isa lang.Dahil gusto kong manood ng sine at walang gustong sumama sakin.
"Samahan mo na lang si Elle manood ng sine yiee"sabi naman ni Keith na natatawa tawa pa.
Nilingon nya ako at nakatingin lang ako sakanya ng nagtama ang tingin namin.Tinulak tulak pa sya palapit sakin nila Rey.Tong mga to talaga!pero ok na rin HAHA.
Sa huli kami pa rin ang magkasama ni Angelo naglalakad kami papunta ng sinehan.
"Ano bang gusto mong panoorin?"tanong nya sakin.
"Kahit ano sana.Ikaw may gusto ka ba?"sagot ko.
"Horror nalang"sabi nya habang ngumingiti ngiti.Di ko talaga alam kung may sapak to'ng lalaking to.
Mood swings bes.
YOU ARE READING
Fall For Me (On-going)
FanficSi Elle Ramirez ay isa sa Campus Queen ng Sebastian Academy Elle Ramirez -Campus Queen -Model/Fashionista -Habulin ng lalake First time nyang magkagusto sa lalaki at ito ay si Angelo Suarez Varcity Player ng kanilang University.Maraming nagkakandara...