"Ayoko na, layuan mo ako. Bakit ba ako nandito. At sino ka??"
"Ako ay ikaw, ikaw ay ako"
"Anong pinagsasabi mo?"
"Halika Anna, tanggapin muna ako..." biglang tumakbo ang nilalang papunta kay Anna na agad nagpataranta sa babae...
Unti-unting naaaninag ni Anna ang itsura ng nilalang... Nakakakilabot ito..
Pulang pula ang mata...
Naliligo sa dugo...
At may hawak na bangkay sa kanyang mga kamay...
Tumakbo nang tumakbo si Anna...
Hanggang sa may nakita siyang bahay... ay hindi isang Mansyon... Nakakatakot na masyon.... Walang magawa si Anna agad-agad siyang pumasok sa mansyon para makapagtago dahil hinahabol parin siya ng nakakatakot na nilalang...Pagpihit nang pintuan ay laking gulat niya...
Kitang-kita nang dalawa niyang mata ang sariling katawan... Nakalabas ang lamang loob at wala ng buhay...
Lahat ng tao sa mansyon sa kanya nakatingin...
"Andyan na siya... " sabay sabay na sambit ng mga tao...
"Tulungan n'yo po ako, may humahabol sa akin, tulungan n'yo po ako, parang awa nyo na po" mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Anna.
Bigla s'yang nilapitan ng matandang babae at sinabing sumunod sa kanya...
Dinala s'ya nito sa loob ng isang kwarto na may masangsang na amoy, amoy bulok na naaagnas...
Pinaupo siya ng matanda sa isang upuan na kulay pula at bigla na lamang tinalian ang kanyang mga kamay...
Pilit n'yang inaaninag ang silid at laking gulat n'ya sa kanyang mga nakita... Mga bangkay ng tao... Nakalabas ang mga lamang loob at inuuod na...Muntikan ng masuka si Anna...
"Ano pong gagawin nyo sa akin? Pakawalan n'yo po ako" sigaw ni Anna
"Wag kang mag-alala ija sandali lang to" sambit ng matanda
At agad na pinagsasaksak ng matanda ang hita at kamay ni Anna... Napasigaw ito sa sobrang sakit na nararamdaman...
Sinunod ng matanda ang kanyang dibdib na naging dahilan ng pagkamatay ni Anna..."AAAAHHHHHHHHHHH" bulalas ni Anna ng magising s'ya.
"Isang bangungot... Parang totoo s'ya... Nakakatakot. Pang ilang beses ko na bang napapanaginipan ang mga bagay na yon" sabi nito sa kanyang sarili.
Agad namang nagring ang cellphone ni Anna kaya napasigaw na naman siya (puro na lang sigaw XD) Sinagot naman niya ito ng makita kun sino.
"Hello?" dba sabi ko sayo na wag na wag na ka ng tumawag sa akin, ilang beses ka bang pinanganak at paulit-ulit ka. " ~ Anna
"Anak... " halatang-halata sa boses ng kausap ni Anna na umiiyak ito.
"Wag na wag mo akong tawaging anak dahil kahit kelan hindi kayo naging mabuting Ina sa akin. " tugon ni Anna at pinatay ang cellphone.
Masisisi n'yo ba ako kung bakit kinamuhian ko siya. Balak niya akong ipapatay nu'ng 1 year old pa lang ako kaya agad akong tinakas ng aking kinikilalang ama. Nagtataka kayo kung paano ko nalaman?
~~~~~~ Flashback ~~~~~~
"Tay... Kain na po tayo.. " sigaw ni Anna pero walang sumagot kaya pumanhik siya sa kwarto ng kanyang Ama.
"Tay may problema ba?" nilapitan niya ang kanyang amang nakahiga.
"Tay ang init n'yo " tarantang sambit ni Anna sa ama. "Tay kukuha lang po ako ng gamot wag po kayong mag-alala " ~Anna.