idk.

69 3 2
                                    

CEANA'S POV


"Happy Anniversary! Cean!" pagbungad ni cyrus saakin nang pagpasok ko sa bahay nila.



Nakakagulat at nakakatuwa ang ginawa niya saakin. Nageffort pa talaga siya.


Ngayon ay sinecelebrate namin ang ikatlong anibersaryo naming dalawa at sakto pa ay 18th birthday ko ngayon. Ayoko ng magarbong party gusto ko ay sama sama lang kami kaya siguro ganito ang ginawa nila.

"Thank you so much cyyy!" niyakap ko siya nang mahigpit.

Sobrang swerte ko dahil natagpuan ko ang katulad niyang lalaki.

"Are you really happy?" tanong nito saakin.

"Oo naman. Thank you" ani ko

Inaya na kami nang tita niya para kumain na. Nagsiupuan na kami agad sa lamesa at agad nang nagdasal.

"Hayyyy ang ganda niyo talaga pagmasdan kapag magkasama kayong dalawa.... ang cute niyo" ani ni Ate Causie, fiancée ng kuya ni Cyrus.

"Ay hala, thank you ate Caus, kayo din ni kuya Matthew. Congrats ulit sainyo" sagot ko naman rito

"Kaya Cyrus wag mong papakawalan si Ceana dahil ang mga katulad niya ay nagiisa nalang." singit naman ni Tita Michelle, ang mama ni Cyrus.


"Oo naman Ma, endengered species din yan e" aniya. Nagsitawanan naman sila rito at kasama narin ako.


"Una pa lang ay boto na ako sainyong dalawa dahil lumaki na rin kayong sabay, at kilalang kilala ko ang mama ni Ceana kaya maayos ang pagpapalaki niya dyan." dagdag ni tita Michelle

"Ay salamat po Tita" nginitian ko ito at itinuloy ang pagkain.

.
"Alam ko naman na kayo hanggang huli kaya mama narin ang itawag mo saakin" ani Tita Michelle


Tumango ako dito at natawa rin sa sinabi niya. Kitang kita nga na boto siya saamin ni Cyrus dahil inalagaan din ako ng pamilya niya habang nasa ibang bansa sila Mama

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay kinantahan nila akong bigla ng Happy Birthday. Nakakatuwa.

Ang saya ng paligid. Ang ganda pagmasdan lalo na kung nandito si mama at si kuya. Andito ang kaibigan ko, family ni Cyrus at sila tita.


Hindi ko ito makakalimutan.



Habang nagkakasiyahan may nararamdaman akong sakit sa aking ulo. Kaya agad naman akong pumunta sa cr para magpahinga ng konti.


~~~~


Lumabas ako ng cr dahilan sa ingay sa bahay.


Anong meron at bakit ang daming tao dito? At nakaninong bahay ba ako? Bakit ang sasaya nila?

Biglang may kumalabit saakin na hindi ko maalala kung sino ito.

"Ceana, okay ka lang ba? Bat umalis ka kanina nagkakasiyahan pa tayo?" aniya nang isang lalaki

"H-ha? Bakit? Anong meron ngayon? Bakit ako nandito? Bakit ang daming tao?" Sagot ko rito na siyang naging dahilan ng pagtawa ng lalaki na nasa harap ko.

"Ano ka ba ceana wag ka ngang magbiro dyan. Anniversary natin ngayon at 18th birthday mo" sagot niya.


"Ha? Birthday ko?"ani ko. natahimik siya bigla at para bang hindi alam kung maniniwala siya or hindi.

"A-ahmmm... akyat lang ako saglit ha" dagdag ko. Tumango lang ito saakin at pinagmasdan akong umakyat.



Teka.... bakit ganito.....



AAAAAAHHHHHHHHH


Bakit wala akong maalala....

Bakit...... nagkakaganito ako......


Yung lalaki....... s-si Cyrus iyon..... bakit hindi ko siya naalala agad? Bakit ganon. Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi....

Ang alam ko hindi ko birthday ngayon....

Bakit ganito......




Humiga ako dito sa malambot na kama na ito, pinagmasdan ang paligid at inaalala ang mga pangyayari habang hindi ko namamalayan na may mga patak nang luha na pala sa unan.

















............................












NOTE!!

Just a short scene...... hindi pa po ito yung pinaka start ng story :)) Thank you for reading.

And sorry po kung nagiba itong part because inedit ko po kasi, nagkamali po kasi ako so sorry po......

Please continue reading my story and sana magustuhan niyo! Godbless and Thank you again.

Please, Don't ForgetWhere stories live. Discover now